NANG MATAPOS SI Reese na ilabas ang kanyang sakit na nararamdaman ay pinagpasyahan na niyang ayusin ang sarili. Nang masigurado na maayos na siya ay humakbang na siya palabas ng comfort room. Pero laking gulat niya nang makita si Misty na nakatayo sa labas at tila hinihintay siya. "Ms. Lee, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito. "Ye-yea. What are you doing here?" "Pinasundan po kasi kayo ni Sir Hycent paglabas n'yo po sa meeting room. Ano po ba nangyari? Sobra po kasi nag-alala si Sir, sa katunayan po nandito po siya kanina at gusto na nga po kayong pasukin at baka ano na raw po ang nangyari sa inyo." Inabutan siya ni Misty ng bottle water na tinanggap niya at nagpasalamat. "Where is he?" tanong niya at humakbang na upang bumalik sa loob. "Nagpunta po sila ni Sir Noel sa