CHAPTER 1
COLLONIEL POV.
"go!! go liam!! I love you!!" pagc-cheer ko kay liam na naglalaro ng basketball. Nandito ako sa court ng school namin at nanonood ng training nila liam. I'm his no. one fan!!
"three points for Liam mandele!!" sigaw ni coach zillan, Coach nina liam. Nagsigawan ang mga fans ni liam at nangibabaw ang boses ko dahil sa ginawa nyang pag-shoot ng bola. Napatingin si liam sa pwesto ko. "OMG! OMG! Tumingin sya sa akin!!" tili ko kaya napatingin ang ibang nanonood sa akin.
Napailing sila pero tinarayan ko lang at tumingin uli sa naglalaro. Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang practice nila liam. As usual sila liam ang nanalo dahil sya naman ang captain sa grupo nila. Dali dali akong tumayo sa pagkakaupo ko at naglakad ng mabilis papunta sa pwesto nina liam. Ng makalapit na ako dito ay inabot ko ang paper bag na bitbit ko kanina pa "liam ohh!!" sabi ko sabay abot sa kanya ng paper bag.
Tinignan nya lang ito at naglakad papalapit sa akin. Napangiti ako dahil lalapit sya sa akin ngunit napawi yun ng lumagpas sya sa pwesto ko. Tinignan ko ang nilapitan nya at nakita kong kausap nya ang isang babaeng may salamin. Si angela. Nagbago ang timpla ng itsura ko. Kung kanina ay sobra ang ngiti ko ngayon ay parang makapapatay na ang tingin ko.
Nakakainis!! Bakit sa ibang babae ay ang bait bait nya pero pag dating sa akin ay hindi nya ako kinakausap at ni tingin ay hindi nya ginawa!! Pinilit kong ngumiti at naglakad papalapit sa kanilang dalawa na nag uusap hanggang ngayon. Tinignan ko ng masama si angela. Lagi nalang kasi si angela ang kinakausap nya maliban sa iba.
Nang makalapit na ako ay tinignan ko si liam habang may malaking ngiti sa labi. "liam, yung regalo ko sayo!" nakangiti ko paring sabi. Nakita kong kumunot ang noo nya "regalo?, hindi ko naman birthday" sabi nya ng hindi man lang ako tinitignan. Tumawa ako ng mahina "syempre nanalo kayo sa laro kaya deserve mong bigyan ng regalo!!" sabi ko parin dito.
"just throw it in the trash, tutal doon ko rin naman yun ilalagay" malamig na sabi nya. O-ouch. Kahit nasaktan ako sa sinabi nya ay hindi ko parin inalis ang ngiti ko sa labi ko. Sanay na ako. Ganito naman parati ang nangyayari kapag binibigyan ko sya ng regalo kaya hindi na bago sa akin to.
Gaya dati ay ngumiti lang ako at tumalikod. Pagtalikod ko ay doon na pumatak ang luha ko. A-ano bang mali sa akin? Lahat nalang ng mahal ko ay ayaw sa akin. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi dapat ako ganito! Kailangan ko lang laging nakangiti kahit masakit.
Naglakad na ako papunta sa locker at nang nandito na ako ay pinuntahan ko ang locker ni liam. Nakalock ito pero kaya ko naman buksan ito gamit ang hair pin na suot ko. Hindi ako magnanakaw ha!! Marunong lang talaga ako sa ganito!. Tinignan ko muna kung may tao dito at luckily, wala.
Binuksan ko ito gamit ang pin at pagkatapos ay inilagay ang paper bag na dala ko. Ganito lagi ang ginagawa ko dahil hindi naman nya tinatanggap ang ragalo ko. Minsan iniisip ko nalang na nahihiya lang syang tanggapin ang regalo ko kahit na alam ko naman na ayaw nya talaga sa binibigay ko sa kanya.
Matapos kong ilagay ang paper bag at sinara ko na ito at naglakad na paalis sa locker room. Naabutan ko si angela na naglalakad mag isa. May pumasok na idea sa utak ko. Naglakad ako ng mabilis hanggang sa maabutan ko ang lakad ni angela. Nasa likod na nya ako. Naglakad ako at dinikit ang balikat ko sa balikat nya at buong lakas na binagga sya kaya napatumba sya "ouch!" sigaw nya at napatingin sa akin.
Nginisian ko sya "sorry huh! Akala ko kasi walang nadaan" sabi ko dito habang nakangisi parin. "o-okay lang po ate" sabi nito at ngumiti sa akin. Napatingin ako sa paligid at nakita kong andami ng nakatingin sa amin. May naisip uli akong idea. Hinawakan ko ang siko ni angela at hinila ng may pwersa kaya napatayo sya. Napadaing pa sya pero hindi ko nalang pinansin.
Humarap ako sa mga nakatingin sa amin ng nakangisi. "look at this!!... Anlandi landi nya at may palapit lapit pa sa liam ko!!" sigaw ko sa mga nanonood. Marami ang nagbubulungan at ayoko ng binubulong nila. "shut up!! Panoorin nyo nalang kung ano ang gagawin ko dito!!" sigaw ko uli at hinarap si angela.
Bakas sa mukha nya ang takot at naluluha na sya pero hindi ko ito pinansin. How dare her to talk to my liam!!. Inangat ko ang kamay ko at sasampalin na sana sya ng may humawak ng kamay ko galing sa likod ko.
Napatingin ako dito at nakita ko si liam na galit na galit na nakatingin sa akin "what the hell are you doing?!!" sigaw nya. For the first time, tumingin sya sa akin but sad to say, ansama ng tingin nya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. "o-ouch! Liam yung kamay ko! Ansakit!" naluluhang sabi ko dito dahil totoo namang masakit ang hawak nya sa kamay ko.
Hindi nya pinansin ang sinabi ko "sa susunod na saktan mo uli ang si angela ay hindi lang yan ang aabutin mo!!" sigaw nito sa akin at pabalang na binitawan ang kamay ko. Napansin ko na namumula ang kamay ko na hinawakan nya. Pinigilan kong maluha dahil kahihiyan iyon kahit na unting unti nalang at papatak na ang luha ko.
Nilapitan nya si angela na nasa gilid ko at nilayo sa akin "are you ok?" tanong nito sa kay angela. Dahil sa nakita ko ay naglakad nalang ako papaalis doon. Marami ang nagagalit sa akin dahil sa ginawa ko kay angela but I don't care! Dapat lang yun sa kanya!
Nang makaalis na ako doon ay tinungo ko nalang ang parking lot. Wala na akong balak na pumasok sa next class ko dahil sa nangyari kanina. Sumakay ako ng kotse ko at tinungo ang bahay ko. Tunog lang ng mga sasakyan ang maririnig kaya binuksan ko nalang ang radyo ng sasakyan.
Nang buksan ko ito ay saktong tumugtog ang kantang 'little things' by one direction.
'Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me'
I know you've never loved
The crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs
The dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly
I won't let these little things slip out of my mouth
But if I do, it's you
Oh, it's you, they add up to
I'm in love with you
And all these little things'
Pinatay ko na ang radyo bago pa ako maiyak. Ayoko ng kantang yon! Pang love song lang naman yan ehh! Ayos lang sana kung may nagmamahal sa akin pero wala naman.
Nakarating ako ng bahay ng hapon. As usual kahit nanjan sina mom and dad ay busy parin sila sa trabaho. Mas gusto ko pa ngang nasa trabaho sila kesa nandito sila sa bahay dahil kahit nasa Bahay sila ay parang nasa trabaho parin sila.
Pumasok na ako ng bahay at tinungo ang kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ko ay bumungad agad ang mga picture ni liam sa mga dingding. I really have a crush on him no s***h that, I like him. Pati mga unan ko ay may mga picture nya. Naglakad ako papalapit sa higaan ko at umupo dito. Kinuha ko ang pillow na may mukha ni liam. "why are you doing this to me?" tanong ko dito na para bang kaya nitong sagutin ang tanong ko.
"lagi mo nalang ako sinasaktan! Ang sama sama mo kapag ako ang kausap mo pero kapag ibang tao naman ay kulang nalang umabot na ang labi mo sa tenga dahil sa ngiti mo!!" pinaghahampas ko ang unan ko at napaiyak na ako. Sa apat na taon na nagdaan. Lagi akong nakatingin kay liam. Kahit na malayo ang distansya ng pwesto ko sa pwesto nya ay ayos lang basta makita ko lang sya.
Sa mga birthday nya, sa mga laro nya at sa iba pang okasyon na nandoon sya ay nadoon din ako, makita ko lang sya. Patuloy na bumabagsak ang luha ko. Bakit ang unfair ng mundo? Bakit walang nagmamahal sa akin? Bakit lagi nalang yung mali ko ang nakikita nila? Andaming tanong sa isip ko at lahat yun ay walang sagot.
Napahiga na ako sa kama ko. Naramdaman kong nawawalan na naman ako ng hininga. Umaatake nanaman ang sakit ko. Dali dali kong kinuha ang gamot ko sa may drawer at ininom ito. Unti unti akong nakahinga pero ilang sandali ay nawalan ako ng malay.