bc

Tough Love [Light Alex Ji Saunders]

book_age18+
3.1K
FOLLOW
12.9K
READ
billionaire
age gap
dominant
independent
billionairess
drama
comedy
bxg
childhood crush
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Light Alex Ji has everything he needs in life except for one thing. A family. He was the fruit of a sinful tree. Sya ang bunga ng pakiki apid ng kanyang yumaong ina sa isang mayaman at maimpluwensyang lalaki na may anak at asawa.

He had a though life until his half brother and cousins found him and secretly helped him finish studies and build his own empire. As a return he met an orphan in the street selling over ripe fruits and old sampaguita flowers. He brought the girl home and fed her help and her study.

What will happen kung biglang mahulog sya sa batang babaeng kanyang tinulungan at habang lumilipas ang panahon, lalong lumalalim ang nararamdaman nya dito? Will he give in? O itataboy nya ito to protect his name and reputation?

chap-preview
Free preview
1 Little Alex
Matagal na nakatitig si Alex sa sobreng hawak nya habang nakahawak naman ang isang kamay nya sa kabaong ng kanyang ina. Isang sobreng galing sa isang estranghero na dumalo sa burol ng mama nya. Pitong taon lamang sya kaya hindi rin nya alam kung bakit sya binigyan ng pera noon gayong hindi naman sya kilala. Ang tanging sabi lang noon ay ipinapabigay ng kaibigan ng mommy nya. "Sa..sa..sa..un..dres?" Pilit nyang basa dun sa maliit na print na mga letra sa sobre. Hirap pa syang magbasa dahil di pa naman sya nakakapag grade 1. "Hoy Alex! Ano, wala pang kape mama mo! Ni wala pang tsitsirya papano tayo nito! May nalimos ka ba?! Punyetang buhay to Sonya! Ngayon ka pa namatay sana sinama mo na 'tong bastardo mo!" Nag huhumiyaw na sambit ng kanyang Tiya. Napangiwi naman ang dalawang lalaking nag aayos ng mga kurtina na tiyo ni Alex. "Ditas, sobra mo naman pag salitaan yang kapatid mo, yumao na nga idadamay mo pa yang anak. Parang di mo kapatid yan ah!" Sambit nung lalaki na nakakunot ang noo. Si Ditas ay ang panganay na kapatid ng kanyang ina, malaking babae ito at maingay ang bunganga. "Wag mo akong mapakialaman dyan Roy at baka sayo ko ipaalaga yang batang yan! Napagkadami ko na ngang anak sakin pa iiwan! Putanginang buhay to!" Nanlalaki ang mga matang turan ng kanyang tiya doon sa Roy. "Aba e kung papayag si Alex sa akin maiiwan bakit hindi!" Pagkuway ngumiti sakanya ang lalaki. Mabait iyon kahit noong buhay pa ang kanyang ina. Kaya lang ay sagad sa lupa ang hirap ng buhay noon at nagiisa lang sa buhay. "Sasama ka ba sakin Utoy?" Tanong ni Roy sakanya. Tumango naman si Alex at kitang kita ang pag aapoy sa mata ng kanyang tiyahin! "Bahala kayo sa mga buhay ninyo buwisit!" Ani ng kanyang tiya at saka piningot ang tainga ni Alex. Kanda ngiwi naman ang bata. "Ikaw, wag mong pinagmamalaki sakin na may gustong kumuha sayo dahil pag namatay iyang Roy na yan sakin ka din uuwing punyeta ka!" Sambit niyon at marahas na binitawan sya. Nabitawan ni Alex ang sobre at laking gulat ng lahat ng malaglag ang maraming pera doon. Dolyares pa! Tila nakakita ng maningning na bituin ang kanyang Tiya kaya dali dali ay pinulot nito iyon. "Ay pagka daming pera! Mapapa enroll ko na mga anak ko nito at makakapagpagawa na ako ng bahay!" Excited na turan niyon. "Tiya galing yan sa kaibigan ni Mama! Sa mama ko iyan!" Umiiyak na sambit ni Alex habang hinihimas ang namumulang tainga. Mabait na ngumiti sakanya ang kanyang tiya at saka sya hinarap. "Alex iho, sobrang dami nito oh, baka dalawpung beses na nailibing ang mama mo ay meron pang tira, pag aaralin din naman kita kahit na kay Roy ka, ako na hahawak nito." Umiiling lamang si Roy at ang isa pang lalaki ng sabihin iyon ni Ditas. Binasa ni Ditas ang maliliit na letrang nasa sobre. From the Saunders. Iyon yung apelyido ng tatay nitong ugok na to ah. May pakinabang ka palang bata ka kahit papaano. Ng akmang tatayo na ang babae ay may lalaking lumapit sakanya. Naka itim itong pang mayamang kasuotan at may kasamang mga binatilyo. Isang mukhang nasa disiotso anyos na at ang iba ay mga bata sakanya. May dalawang bata na magkamukha at ang isa ay kamukha ni Alex ngunit mas matanda lamang sakanya at mas mayaman ang itsura. "Bitawan mo ang sobreng pag aari ng batang iyan!" Malakas at buo ang tinig ng lalaking nag salita. Sa labas ng bahay nila alex ay maraming lalaking naka itim at nagmamasid. Ngiting aso si Ditas na inaabot sa lalaki ang sobre. "Hahanapin ko sana kayo dahil alam kong ninakaw lang nitong batang ito ang inyong sobre." Pagpapalusot ni Ditas. "Hindi po ako magnanakaw! Binigay sa akin iyan!" Pagtatanggol ni Alex sa sarili. "Manahimik ka dyan at talagang masasaktan ka sa akin!" Nanlilisik ang mga matang turan ni Ditas sa pamangkin. Umiyak nalang si Alex at yumakap kay Roy. Durog man ang puso ni Roy sa pagmamaltrato sa bata ay wala syang magawa. "Saktan mo ang kadugo ko at sasaktan ko ang buong pamilya mo at papahirapan ang susunod na henerasyon ng pamilya mo. Mamamatay kayong mahirap sampu ng mga anak mo, mga anak nila hanggang sa nabubuhay ako." Turan ng lalaking pinaka matanda sa mga batang naroroon. Magandang lalaki iyon at halatang may pinag aralan. Sa ganoong edad ay nakakagulat ang buo at nakakatakot niyong boses. Saglit na napalunok ng laway si ditas at natawa. "Kayong mga kabataan ngayon oo, kakapanood ng korea novela kung anu anong naiisip! Sino ka ba ha? Kadugo? E wala naman kadugo yan eh putok yan sa buho!" Umasim ang mukha ng mga batang nakaharap sakanya. Humakbang papalapit ang batang kausap nya kanina. "Sino ako? Lee Saunders, ang susunod na tagapag mana ng Saunders Holdings. Pinsan ko ang batang inaapi mo at kapatid nya." Turo noon sa isa pang bata. Lumapit iyon sakanila at tinititigan si Ditas ng masama na animoy papatayin sya sa tingin. Nakakatakot ang mata ng batang iyon at nakuhang manginig ng buong kalamnan ni Ditas. Tila nanlambot si Ditas dahil alam nyang ang Mga Saunders ang pinaka makapangyarihang mga nilalang sa larangan ng business sa buong mundo. Naalala na rin nya ang itsura noong mga batang iyon dahil sa mga magazenes na binabasa ng kanyang anak na dalaga. "Darkus Emette Saunders ang pangalan ko. Luluhod ka o ipapapatay ko ang buong pamilya mo ngayon mismo para wala ng iisipin pa si Lee sa mga susunod na panahon?!" Pagkadinig ni Ditas sa boses na iyon ay tumingin sya kay Lee pero walang reaksyon ang mukha noon indikasyon na totoo ang sinasabi ng bata. "Sumunod ka nalang Misis dahil pag inutos ng young master ay wala kaming magagawa kung hindi sumunod." Wika ng lalaking nakaitim. Nanginginig na lumuhod sakanyang harapan si Ditas. "Wag sa kin. Sa kapatid ko at humingi ka ng tawad, mangako kang hindi ka na magpapakita sakanya pagkatapos ng libing." Napatingin sa nagngangalang Darkus si Ditas. "Si Alex. Sakanya ka lumuhod." Turo ni to kay Alex na pinapanood lang sila. Labag man sa loob ni Ditas ay humarap sya kay Alex at inabot ang sobre doon. "Alex patawarin moko utoy sa mga sinabi ko. Wag kang magagalit saakin at pakiusap wag mong hahayaang galawin nila ang mga pinsan mo ha? Diba inaalagaan ka naman namin? Pakiusap maawa ka samin Alex..." pagsusumamo ng babae sa batang Alex. Oo nga inaalagaan nga sya ng mga ito. Inaalagaan sya ng suntok sipa at kurot araw araw dahil ang nanay nya ay namamalagi sa ibang bansa. Walang natitikman si Alex sa padala ng kanyang ina kundi ang mga pinaglumaan ng kanyang mga pinsan. "Wag ka pong mag alala Tiya, kahit lagi nyo akong sinasaktan mahal ko parin kayo. Papakiusapan ko silang wag kayong pahirapan." Napangiwi naman ang babae sa sinabi ng pamangkin. Bakit pa kasi kailangan noong sabihin na pinapahirapan sya? Pagkatapos noon ay pinaayos ni Lee ang lahat, pinalipat nya ang mama ni Alex sa katapatan ding burulan dahil bahay nila Ditas iyon. Actually bahay ni Alex pero inangkin na nila kaya kanila nalang. "Ako si Dark pala, kuya mo ako, iisa ang Papa natin." Pagpapakilala ni Darkus sa kanyang kapatid. "Eto si Lee, pinakamatanda sa atin, kapatid nya si Mason, si Thor at si East, mga pinsan natin." Pagpapakilala nya. Sabaysabay na lumapit sakanya ang mga bata at niyakap sya. "Kuya ang itatawag mo sa amin ha." Sabi ng batang Mason. Tumango tango naman si Alex at tuwang tuwa dahil sawakas ay may mga kuya na sya. "Kuya Dark, sasama na ba ako sainyo?" Tanong ni Alex. Nagtinginan si Dark at si Lee sa sinabi niyon. "Alex, hindi mo pa maiintindihan sa ngayon pero hindi ka pwedeng sumama sa amin sa Amerika. Tutulungan ka namin sa lahat ng pangangailangan mo dito wag kang mag alala." Paninigurado ni Lee kay Alex. Saglit na nagisip ang bata. "Dadalawin nyo ba ako palagi?" Tanong nya. "Oo lalo na tuwing bakasyon." Sagot noong Thor. "Mamimili tayo ng mga toys mo!" Dagdag pa nya. Tila nabuhay ang batang Alex at nakita ang excitement sakanya. "Sige wag nyo na akong isama! Dito nalang ako kay Tiyo Roy! Pinsan ito ni mama at sya yung pinaka mabait sakin!" Pakilala nya kay Roy na tinanguan lang sila. Tinapunan iyon ng tingin ni Lee at tinanguan. "Magandang umaga po." Turan ni Roy. "Mang Roy, maaari ka bang makausap?" Tanong ni Lee at saka iginiya iyon sa labas. Si Alex naman ay nakipag kwentuhan sa kanyang kapatid at mga pinsan. Nawala man si Sonya, dumating naman ang kanyang kapatid at mga pinsan. Masakit man, pero alam nyang hindi sya papabayaan ng kanyang ina kung nasaan man ito ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POWER OF DESIRE (FILIPINO: SPG)

read
487.4K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
707.1K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
429.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
279.5K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
240.6K
bc

Sexytary |SPG|

read
551.3K
bc

Worth The Wait

read
198.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook