SHB 25

2214 Words

Nang magliwanag na ang paligid ay tumambad na sa kanila ang tila dagat na labas ng kubo nila. At pag tingin nila sa bahay nila ay nakalugmok na ang bandang kusina. Siguro mga hanggang hita ang baha dahil halos maabot ang pinaka kusina ng kubo na kanilang kinaroroonan. "Bumigay na talaga ang bahay." Halata ang lungkot sa mga mata ni Mama habang sinasabi iyon. Alam naman niya na may malaking bahagi ng pagkatao ng Mama nila ang bahay, simula ng magkaisip ito ay sa bahay na iyon na. Bahay pa iyon ng lolo at Lola niya kaya naman alam niyang isa sa mga rason ng pagbagsak ay ang matinding kalumaan. "Dito nalang muna tayo manirahan sa kubo Ma. Matibay naman tong kubo ni Shanna, tsaka mas presko at mas malawak naman dito." Si Sherly na kagaya nila ay nakikisilip sa may bintana at sa may balkona

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD