Tama nga ang hinala ni Bernard na nasa mansiyon na sina Aarah at A. Mukhang kanina pa nakauwi ang mga ito. At tama rin ang sinabi niyang baka nagrarambolan na ang mga ito. Dahil sa parkway pa lang, dinig na dinig na nila ni Clara ang pagsisigawan ng dalawa sa garden. "Isa na lang, Aarah, ha!" Narinig ni Bernard na gigil na gigil na saad ni A, nang makalabas siya ng kotse. Ngayon pa lang niya nakitang umuusok ang bumbunan ng kaibigan. Ngayong nakasama na nila si Aarah. "Kapag hindi ka pa tumigil, ibabalibag na talaga kita sa kama. Ipoposas na kita para hindi mo ako mahabol ng palakol." "Tama ka nga, labs," nag-aalala at iiling-iling na saad ni Clara. Nagmamadali itong bumaba ng kotse para awatin ang dalawa. "'Buti na lang at dumating na tayo." "Subukan mo lang! Dahil hindi lang talong mo