Uunat-unat na bumangon sa malambot na higaan niya si Clara. Nagulat pa siya nang malamang hapon na pala. Pagkakain kanina ng lunch ay kaagad na umakyat sa kuwarto ang dalaga. Kaunting pahinga lang at natulog na siya. Ganito talaga si Clara kapag may regla. Parang ang bigat-bigat ng katawan na tila laging inaantok. Ang lakas-lakas pa naman ng daloy ngayon ng menstrual blood niya. Wala ring kasamang napkin ang sandamakmak na mga gamit na pinabili ni Bernard para sa kaniya. Nahiya naman siya magrequest. Kaya napilitan si Clara na gumawa ng pasador. Nanghihinayang naman siyang gupitin ang mga damit na binili ni Bernard dahil ang gaganda at mukhang mga mamahalin pa. Kaya ang nilabhang T-shirt ni Bernard na ipinahiram nito sa kaniya ang ginawa ni Clara na pasador. Sigurado namang hindi na iyon