DAHLIA'S POV ❦❦❦ Malakas na ulan na sinasabayan nang malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa hari ng Ophidian Kingdom, ayon sa haring Troian ay darating pa ang mga iyon bandang dapit hapon dahil sa malakas na ulan na ito, hindi namin alam kung kailan titigil at hihina ang ulan kaya inaasahan na namin ang pagkaudlot ng pagdating nila. Samantalang kaming tatlo naman nila Keegan ay pansamantalang nakituloy kay Larah at ngayon ay nag-iintay sa plano na gagawin mamayang gabi. Na udlot na naman ang paglalakbay namin at hindi na namin alam kung mahahabol pa ba namin ang guro o hindi na, siguro ay iintayin na nga lang namin siya sa tribo nila. Napatingin ako kay Keegan na ngayon ay humihigop nang mainit na sopas at kay Troian na nakabalot sa makapal na kumot, habang tinitignan ko silang da