"F*CK! Totoo ba itong nakikita ko?" wala sa sariling saad ni Bitchichay. Kaso dahil wala namang kaalam-alam ang pinsang si Jillianne kung ano ang sinasabi ay nagtanong din ito. "Ano ba kasi ang nakita mo, Bitchichay? Aba'y alalahanin mong engineer ako hindi alagad ng batas na tulad ninyo ni bunso," anito. Kaso hindi niya iyon pinansin. Ate niya ito ng walong taon. Ngunit nakasanayan nilang magtawagan ng pinsan kaya't hindi niya ito tinatawag na Ate. Dahil ang kaedaran niya ay ang best friend na pinsan. Kaso hindi yata nito mahintay na sasagot siya dahil tumubo ang maiksing pisi! "Ikaw na Bitchichay ka, kung bibig ka pa na magsalita ay maari bang sumagot ka? Kapag ako ang mainis sa iyo ay isumbong kita kay Tito General---" "Huwag mo ng alalahanin ang Tito General natin ATE. Dahil magig