"WOW! Nakaalala ang pinsan kong umayaw na yata sa promosyon. I miss you, pinsan na best friend. Kumusta ka na? Aba'y wala ka yatang babae ngayon kaya't napadpad ka rito sa Bontoc ah." Masayang salubong si Patricia Faye sa pinsang basta na lamang sumulpot sa lugar ng mahal niyang wine master. "Wifey, aba'y papasukin mo muna si bayaw bago mo isalang sa kalan. Dahil siya ang unang titikim sa newly invented wine natin," napatawang saad ni Ally. Paanong hindi siya matatawa samantalang nasa tarangkahan pa kung tutuusin ang pinsan nitong dumayo sa kanila ay niratrat na ng mahal niyang asawa. "Masanay ka na sa Bitchichay na iyan, bayaw. Kita mo ngang hindi man lang ako maalalang papasukin. Kaya't salamat, bayaw. Dahil napapagtiisan mo iyan." Napangisi na rin ang binatang dumayo. Kaso! "Tsk!