Kasalukuyang nagtitimpla ng kape si Mateo. Nang hindi sinasadyang masulyapan niya ang kinaroroonan ni Emily na may tila inilalagay na kung ano sa isang baso ng lemonade na sa tingin niya'y dadalhin nito kay Norain. Narinig niya kanina na inutusan ito ng dalaga na magtimpla ng juice. Sumulyap si Mateo kay Norain na nasa patio. Busy ito sa laptop nito. Tantiya niya'y kinukumusta nito ang status ng naturang flower shop nito. Muli'y ibinaling niya ang tingin kay Emily na ngayo'y papalapit na kay Norain. Sumunod siya dito, nasa likuran siya ni Emily. Nang matapos ilagay ni Emily ang meryenda ni Norain at akmang aalis na ito ay tila halos atakehin ito nang masilayan ang seryosong awra na iyon ng binata. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mapanuring mata ni Mateo. "Stop! Maupo ka sa up