Nakamasid lang si Norain sa kanyang mag-ama kung saan naglalaro sa may basketball court sina Caleb at Mateo. Muli niyang kinuha ang kanyang kinakaing fresh fruits at saka ibinaling ang tingin sa malawak na hardin ng mansion kung saan busy sa pagdidilig ng halaman ang kanilang isang kawaksi at ang isang hardinero na ngayo'y busy sa ginagawang trabaho. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Norain at hanggang sa inubos niya ang huling grapes at pineapple. Kinuha niya ang strawberry shake saka ito ininom. Nag-iisip siya kung paano umpisahang sabihin kay Mateo ang ilang detalye na kanyang naaalala. "Ma'am, may bisita po kayo. Dalawang babae po. Sina ma'am Yana at ma'am Jhamal," pukaw ng isang kawaksi kay Norain. Naputol siya sa kanyang pag-iisip. Napalingon si Norain sa isang kawaksi