"Alam na ba ni Mateo ito?" tanong ni Jhamal sa nakatulalang si Norain. Nang hindi siya nito marinig ay kinurot niya ang tagiliran nito dahilan para mapahiyaw ang dalaga. "Ahh!" daing ni Norain at sumulyap sa kaibigan na ngayo'y nakataas lang ang kilay. "Saang lupalop na naman ba lumipad iyang isipan mo? Alam mo bang mababaliw na ako sa kakaisip kung ano pa iyang mga tinatago at kasinungalingan mo, Norain? Alalahanin mo, tao lang si Mateo. Paano kung sumuko siya sa lintik na mga kasinungalingan mo? Saan ka pupulutin? Sa tingin mo ba, bilang kaibigan mo hindi ako masasaktan? Ba't ayaw mong sabihin na lang sa asawa mo ang lahat, nalilito ako sa iyo, ngayon naman sinabi mo may amnesia ka," histerikal na tugon ni Jhamal sa kaibigan. Minsan gusto na niya itong sampalin sa sobrang inis niya. Sa