"Sabrina, tama na 'yan."
Maagap na pinigil ni Aiah ang kamay ni Sabrina na may hawak na bote ng brandy na kasalukuyang tinutungga nito. Nilulunod nito ang sarili sa alak. Gusto nitong kalimutan ang frustrations at ang napipintong pagpapakasal sa lalaking hindi nito mahal.
"I f*****g hate my life, Aiah!"
Wala siyang makapang salita para pagaanin ang pakiramdam nito.
Noong mga bata pa sila, naiinggit siya sa babae. Nasa kamay na nito ang lahat- kagandahan, katanyagan, katalinuhan, at kayamanan. She is the only daughter and heiress to a powerful empire. Kilala sa buong Pilipinas at kahit sa Asya ang pamilyang Alcala at ang napipiling ipakasal sa prinsesa ng pamilya ay mas higit na mayaman pa.
Habang pinagmamasdan ang luhaang si Sabrina, 'di niya maiwasang maipagpasalamat na ordinaryong tao lang siya at walang mga magulang na magdidikta sa kung ano ang gagawin o kung sino ang mamahalin. Freedom was a luxury for Sabrina. It was so elusive for someone as pretty and as famous as her. Moderno na nga ang panahon, nakikiayon pa rin sa mga makalumang kasunduan ang mga magulang nito.
"I hate my life!" himutok pa nito.
Ang itim na mascara nito ay kumalat sa pisngi, humalo sa namalisbis na mga luha. Disheveled ang buhok nito at ang silk robe ay hindi maayos na nakabuhol. She looks like a mess. She is a mess. Sa tuwina ay maganda ito at malinis tingnan. Malayo sa imahe ng babaeng kaharap. Ang imahe ng isang sikat na modelo ay hindi makikita sa ngayon. Sabrina has always been this carefree and bold young lady. Puno ito ng buhay na kahit sa mga party na dinadaluhan nito, ito ang tinaguriang life of the party.
"I don't wanna marry that Jacob!" mariin nitong sabi. Conviction ang makikita sa mga mata nitong nangingislap sa mga luha. "I'm in love with somebody else, Aiah, for God's sake!"
Magkasama silang lumaki. Kilala niya lahat ng mga manliligaw nito. There were boyfriends in tha past pero ni isa sa mga iyon ay walang sinabing minahal na gaya ng sinasabi nito ngayon.
"Pero naset na yong kasal mo? Matagal nang napagplanuhan ng mga pamilya ninyo."
"Sila lang ang nagplano nito," asik pa nito.
"Bakit ayaw mo kay Jacob?"
Sa kabila ng kagaspangan ni Jacob, women can't seem to get enough of him. Papalit-palit ito ng babae pero nakikita niya naman kung gaano kaespesyal ang malayong pinsan sa lalaki.
"You'll make a perfect match," pang-aalo pa niya rito.
Inilapag ni Sabrina sa countertop ang bote. Medyo napalakas iyon kaya lumikha ng malakas na tunog at tumilamsik ang laman niyon. Mabuti na lang at hindi nabasag.
"Are you hearing me right? I am in love."
"Kanino?"
Umulap ang mga mata ni Sabrina. Umigpaw ang luha na mabilis nitong pinalis. Bumuka ang bibig at akmang may sasabihin pero di itinuloy. Suminghot muna ito bago nagpatuloy. "Someone," sinasabi nitong sa kawalan nakatitig.
She could see pain in her eyes. She never thought Sabrina would finally be in love with that somebody else.
"You're in love? Ewe! That's lame."
Madalas nitong komento nang maging sila ng kasintahang si Vince.
"And what is he, an agriculturist?" kantiyaw pa nito sa kanya nang malaman ang propesyon ng kasintahan.
Minsang imbitahan ng ama nito si Vince na mag-conduct ng soil testing sa nabiling lupain sa Bulacan. Doon niya nakilala si Vince na nang mga panahong iyon ay isinama din siya ng mag-asawa para alalayan ang asawa nitong si Jocelle. Kalaunan ng pagiging magkaibigan ay nagpakita sa kanya ng interes si Vince at naging sila na nga.
"How much do you love him?" out of the blue ay tanong ni Sab.
"Sino?"
"Vince?"
Naguluhan siya sa tanong nito. Tila napakahalaga ng magiging kasagutan niya rito.
"Mahal na mahal."
"And you will do everything for him, right?"
May bikig sa lalamunan ni Sabrina. Muling bumalong ang luha nito.
"Help me. Tulungan mo akong makatakas dito.
Bigla niyang nabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
"No! No! Sabrina, takot ko lang sa daddy mo."
Simula nang ianunsyo ang engagement ng dalawa ay may mga bodyguards nang nakabantay sa bawat kilos ni Sabrina. Kahit ang mga commitments nito bilang modelo ay pinatigil muna ng ama nito at kahit si Jacob ay laging tsinitsek ito.
Hindi pa man dumating ang araw ng kasal ng dalawa, domineering na itong si Jacob. Minamanipula na ang buhay ni Sabrina. Hinaplos ng awa ang puso niya para sa babae. Sanay si Sabrina na nasusunod ang layaw nito pero mukhang magbabago na ang lahat ngayon.
Pag ikinasal kaya sila ni Vince, magiging controlling din kaya ito? She hopes not. Tahimik lang siyang tao pero may sarili siyang paninindigan at capable siyang gumawa ng sariling desisyon.
"Help me, Aiah."
Naihilamos ni Sab ang dalawang palad sa mukha.
Nahahati tuloy ang isipan at puso niya sa kung ano ang gagawin.
"Tulungan mo ako, please," pumiyok pang lalo ang boses nito. Kung maaari lang sana niyang kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Ganito niya ito kamahal. Hindi lang bilang isang malayong pinsan kundi bilang bestfriend na rin.
Ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig ay siya namang pagkatok sa pintuan. Iniluwa niyon ang katulong na si Nancy.
"Ma'am, pinaghahanda na ho kayo ni Ma'am Jocelle, nandiyan na raw ang mga Samaniego. Nasa hardin na ho."
The Samaniegos, ang pamilya ni Jacob, ang nakatakdang mapapangasawa nito. Ang tagal din nitong hindi nakauwi ng Pilipinas. Naiisip niya kung ano na kaya ang hitsura nito? Ganoon pa rin kaya ito kakisig at kagwapo? Jacob and Sab would be a beautiful match. Nakakatawa ang tinatakbo ng isipan niya. Nagawa pa talaga niyang itanong sa isip ang mga iyon.
"Nandiyan na ang mga future in-laws mo, Sab."
Sinimulan niyang iligpit ang mga kalat ni Sab at akmang kukunin niya mula sa kamay nito ang bote nang mahigpit nitong hawakan ang palapulsuhan niya at sabihin ng tuwid sa mga matang, "sana, gaya mo, I can freely choose who I want to be with. Sana, ako na lang ang nasa pwesto mo, sana palit na lang tayo."
Sina Vince at Sab? Siya naman at si Jacob? Sa hindi niya malamang dahilan ay may gumapang na kilabot sa kanyang puso sa sinabi nito.
Odd, Exactly how she felt and she didn't know why.
*************
Kalalapag lang ng chopper na sinasakyan ni Jacob sa helipad ng Samaniego Towers. Nanggaling siya sa Palawan upang personal na inspeksyunin ang isa sa mga minahan na nagkaroon ng problema sa pagtagas ng laterite material sa dagat. Malaki ang problemang iyon at kinailangan niyang personal na inspekyunin. 'Pag nagkataon ay malilintikan sila ng DENR at kahit malaking kumpanya ang pag-aaari nila ay may posibilidad na ipasara ng gobyerno.
Kaagad siyang bumaba ng helicopter. Sa rooftop ay naghihintay na ang kanyang sekretaryang si Karen. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ngunit maalinsangan pa rin ang dampi ng hangin sa balat. Suddenly, na-miss niya ang Allen, Palawan. Ang lugar na kinaroroonan ng isa sa pinakamalaking minahan ng Samaniego Mining Industry. Ang iba ay nasa ibang panig naman ng Pilipinas. Responsible mining, dito nakilala ang SMI kaya't konting problema lang ay personal na iyong inaasikaso ng ama. Ngayong siya na ang nagmana sa pansamantalang binakanteng posisyon ng amang si Preston Samaniego, minana niya rin ang kasipagan nito. Nakatulong din ang pamamalagi at pagtatrabaho sa Australia bilang mining engineer para mas mapayabong ang work ethics niya.
Sa lahat, ayaw niya ng aberya.
“Welcome back, boss!”
“How was everything in my absence?”
“Your potential business partner in Myanmar just called. Daily Mirror set an appointment for an interview.“
Ang sunud-sunod na dikta ng sekretarya.
“What else?”
Papasok na sila ng elevator.
“Dinner at the Alcala’s.”
Shit! Sa dami ng trabaho ay muntikan na niyang makalimutan ang makalimutan ang sinet na dinner ng mga magulang nila ni Sabrina. May sarili siyang bath sa moderno at maalwan niyang opisina na nasa ituktok ng tower nila kaya magagawa pa niyang makapagshower at makapagpalit ng damit.
Sumasailalim sa medication ang kanyang ama kaya't siya ang pansamantalang umuupo bilang OIC ng Samaniego Corporation. Sa susunod na linggo ay lilipad ang mga ito patungong US. Suhestiyon ng ina na doon magpapagamot ang ama. Aside sa mining business ay nagbi-venture din sila sa food and beverage at sa mga heavy machineries and equipment. Idagdag pa ang mga stocks nila sa iba-ibang kumpanya sa Pilipinas man o sa ibang bansa
Kaya, ang buong araw niya ay kinakain ng samu’t-saring responsibilidad. His once wild and carefree self had been cast outside the window. He sure missed the good old days of partying and hopping from women to women but he has responsibilities to fulfill.
Handa na ba siyang magpatali?
He is. Pagod na rin siya. Gusto na niyang lumagay sa tahimik. Isa pa, marrying Sabrina would entail his father giving him full control in all their businesses.
“You can go home, Karen,” utos niya sa sekretarya.
“Thank you, Sir.”
Ilang sandali muna siyang naupo sa swivel chair at tinitigan ang Manila skyline sa labas ng glass wall habang pinakikinggan ang isang classical na kanta sa cellphone niya. Just what he needed para makapag-relax mula sa buong araw na pagpapaka pagod. Moonlight Sonata ni Bethoven pantanggal ng pagod at pamparelax ng isipan. Gamit na gamit ang utak niya sa mga nagdaang araw. May mga problemang kailangang solusyunan.
Just as he was lost in the melody, habang nakatingala sa kisame habang nakapinid ang mga mata, pumalit sa kanta ang ringtone niya. Alam niyang ang ina iyon. Nakailang calls na rin ito nasa Palawan pa lang siya. Pinapaalala sa kanya ang napakaimportanteng dinner na ito. Napangiti siya. Mas excited pa yata ang ina niya kesa sa kanya.
“Mom, I’ll be there,” kaagad niyang bungad sa ina.
“Better not be late. Nakakahiya sa mga kumpadre namin ng Dad mo.”
Sabrina and his fate had been decided long before. Mga bata pa lang sila ay inirireto na sila ng mga magulang. Sa kaso niya, wala siyang angil. Sabrina was a great choice for a mate, and he had deep affection for her. Wala siyang ibang naiisip na pakakasalan maliban rito.
Tinapos niya ang pakikipag-usap sa ina at bumaba ng building gamit ang express elevator na eksklusibong para sa kanya lamang at sa sekretaryang si Karen. Sa lobby ay may mangilan-ngilang nakakasalubong na mga empleyado.
"Good night, Mr. Samaniego!" bati ng mga ito na sinasagot niya lang ng tango.
Sa pinaka-entrance ng building ay nakaparada na ang sportscar niya, nakaantabay ang gwardiya na siyang nagbubukas ng pintuan. Lumulan siya ng Lamborghini at binaybay ang daan. Ilang sandali lang ay nasa bungad na siya ng mansion ng mga Alcala sa Dasmarinas. Malaki ang bahay, moderno at maganda pero 'di hamak na mas grandiyoso ang pamamahay nila. His mother always made sure na hindi ito nahuhuli sa iba. Pero gustung-gusto niyang nagtutungo rito. Welcoming ang mga Alcala maliban na lang sa isa pang miyembro ng pamilya.
“Good evening, Sir!” Magalang na bati ng isang katulong na siyang sumalubong sa kanya. “Nasa hardin na ho sila.”
Iginiya siya ng maid patungo sa garden kung saan naghihintay na ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Sabrina. Both parents were glad of this union. Kitang-kita sa ngiti ng mga ito. Iisa lang naman ang tutol sa kasalang ito, ang mismong bride niya.
“Son,” si Mr. Clarence Alcala, ama ni Sabrina na malugod siyang inakbayan at iginiya malapit sa dining table. “I can’t wait for Jacob to be my legal son-in-law.”
“So, do I,” susog ni Tita Jocelle Alcala, ina ni Sabrina na magiliw siyang hinalikan sa pisngi at niyakap.
“I’m glad my family is expanding, Tita, Tito.”
Solong anak siya and he's delighted na madadagdagan na ang pamilya niya. Naupo na siya sa bakanteng upuan sa hanay ng mga magulang niya. May isa pang walang umuokupang upuan sa tapat niya mismo. It was supposed to be Sabrina’s seat.
“Si Sabrina?” tahasan niyang tanong kay Jocelle.
“Bababa din 'yon.”
“Nagpapaganda para sa 'yo, hijo,” dagdag naman ni Clarence.
Naglolokohan ba sila? Vocal si Sabrina sa pag-ayaw nito sa kasalan nila. Tahasan nitong sinabi sa mukha niya mismo. Ayaw nito sa kanya. The moment na sinabi iyon ni Sabrina nang harapan ay mas umigting ang hangarin na maging asawa ito. He was challenged.
“Can I fetch her, Tita, Tito?” pagpapalalam niya sa mga magulang ng dalaga.
“Oh, my! That's a good idea, Jacob. Dapat mo na ngang sanayin ang sarili mo dito sa bahay.”
Tinawid niya ang pagitan ng garden at ng sliding door papasok sa kabahayan. Papaakyat na siya sa hagdanan nang matanaw sa pinakaitaas na bahagi ng grand staircase ang isang babaeng pababa naman. Aiah Ramirez.
Aiah had always been a sight to behold. Not in the most sensual way, neither too old-fashioned nor stylish. He couldn’t help but wonder why she was still wearing those thick-framed glasses. Pero tila wala itong pakialam sa sasabihin ng ibang nakapaligid rito. She is confident in her own skin, in her own way without being overbearing, and in fact, the shy one.
How clumsy. Bumababa ito ng hagdanan nang nasa screen ng phone buong atensyon.
Talaga bang hindi siya nito nakikita?
Ganito naman ito, kapag nagdaraan sa harap ng mga tao ay tila wala itong nakikita at tanging sa unahan lang nakatuon ang paningin o di kaya ay sa mga paa nito. She never associated with people. Naalala pa niya ang mga pagkakataong sinasamahan nito si Sabrina sa mga parties na kapwa nila dinadaluhan. Habang hinihintay na matapos si Sabrina ay naroroon lang ito sa isang tabi, nakaupo o di kaya ay nakikinig ng music o nagbabasa ng anumang baong libro.
He always noticed her. She was this peculiar girl who didn’t seem to fit in.
I wonder if she has friends other than Sabrina.
Funny how they never became friends.
Two stairs from the ground floor at ngayon lang ito nag-angat ng mukha at muntikan na itong mawalan ng balance nang matuklasang nasa harapan siya nito at nakamasid. Crazy of him pero simula at sapol pa lang ay nakukuha talaga nito ang atensyon niya.
“Easy there,” aniyang kaagad na nakasalalay sa maliit na frame ng babae nang akmang matutumba ito.
**********
“Easy there.”
Mulagat ang mga mata niya nang matuklasang may matitipunong mga bisig na nakasalo sa kanya. Ganito na lang ba talaga siya katanga at ni hindi niya namalayang nasa paanan na pala siya ng hagdanan at may ibang taong nasa harapan niya? Sino ba ang taong ito? Ang unang rumehistro sa kanya ay ang napakaayang amoy ng pabangong gamit nito ngunit nabatao balani siya nang malayang nakaabot sa kanyang tenga ang tila ritmikong pintig ng puso nito.
Bakit parang musika sa tenga?
Dapat ay tumayo na siya at itulak ang kung sinumang matipunong lalaking ito pero sa hindi niya malamang dahilan ay tila nag-ienjoy siya sa mga bisig na iyon. And these were another man’s arms.
Vince.
Bigla ang paglitaw ng imahe ng kasinthan sa kanyang utak. Para siyang napapasong kumawala sa mga bisig nito. Nakukunsensya siya.
“Are you okay?”
Inayos niya ang salamin sa mukha at tiningala ang may-ari ng magandang boses na yon. And to her surprise ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Jacob Samaniego, ang fiancée ni Sabrina. Matagal itong namalagi sa America at ngayon niya lang ito ulit nakita simula nang dumating ito at pinalitan ang ama sa kumpanyang pagmamay-ari nito.
Hindi niya maiwasang ihambing ang Jacob na nakilala noon sa lalaking kaharap niya ngayon. The Jacob he saw few years ago was wild, rugged. Ibang-iba sa malinis at mas authoritative nitong imahe ngayon. Ayaw man niyang aminin pero mas kaaya-aya itong tingnan ngayon. Gusto pa naman niya sa lalaki yong malinis tingnan. Natatawa siya sa tinatakbo ng isip. Nakuha pa talaga niyang isipin yon.
“Are you done checking me?”
Napalunok siya. Nakakahiya siya. Napapatanga na pala siya sa matangkad at matipunong lalaking kaharap. Kung wala lang talaga ito sa harapan niya ay baka napukpok na niya ang kanyang ulo.
“I’m sorry. Hindi ko alam na nandiyan ka pala.”
Kumawala siya sa mga bisig ni Jacob at maagap na tumuwid ng tayo.
"Well, thank you at nandito ako. You could have fallen if I wasn’t here.”
“Kung sana din hindi mo ako ginulat.”
Hindi niya napigilang langkapan ng yamot ang boses. Dapat ay nagpasalamat sana siya sa lalaki.
Nang muling magsalita ay sinikap niyang gawing civil ang boses. “Kung hinahanap mo si Sabrina, nasa silid siya nagbibihis.”
Pinasadahan siya ng tingin ni Jacob. Ewan niya pero noong minsang tinitigan siya nito nang dinare ito ng mga kabarkada ay tadyak sa harapan ang inabot nito sa kanya. Ngayon yata ay tila umuurong ang dila niya at nagsisitayuan ang mga balahibo niya.
Ay, ewan!
Pumihit siya at pumihit na rin ito patungo sa hagdanan.
“Aakyatin mo siya sa loob ng silid niya?”
Di nakaligtas sa kanya ang pag-arko ng kilay ni Jacob. Bahagya ring umangat ang gilid ng bibig nito na tila natatawa o kung di man ay malamang na nang-uuyam sa kanya.
“Would you rather na silid mo ang pasukin ko?”
Biro ba iyon? Kung biro man, it was a bad joke ngunit parang nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha. Nababastosan siya sa sinabi nito o baka siya lang ang nagbigay ng kahulugan sa pangungusap nito.
“Ang dumi ng isip mo.”
That mischievous smile finally broke.
“Susunduin ko lang siya. Why, after marriage, I can get inside her room anytime.”
“But she might not like the idea of you invading her privacy.”
Kagabi lang ay halos magwala si Sabrina. Halos isumpa nito ang binata.
“There’s no need to do that, Mr. Samaniego.”
Nang siyang pagbaba ni Sabrina sa hagdanan.
“You don’t need to fetch me.”
There was a trace of disappointment on Sabrina’s face upon seeing Jacob. Hindi niya maunawaan kay Sabrina ay kung bakit hindi nito magawang magustuhan si Jacob kung napakaespesyal naman nito para sa lalaki. Kagaya na lang ngayon, may kislap ng paghanga sa mga mata nito habang nakatitig sa maganda at sexy’ng dalaga. Standing at 5’7”, with a voluptuous body and smooth, porcelain skin, hindi niya masisisi sa tulo-laway na paraan nang paghagod ni Jacob ng tingin sa babae.
“You look pretty and drunk.”
Walang anumang nilampasan lang ni Sabrina ang lalaki.
"I am in love with somebody elese.”
And she wonders kung sino ang someone na sinasabi nito.
“Sab, alis na ako.”
Tinanguan lang siya ni Sabrina at nagtuloy ito sa paglalakad.
Kahit ayaw niya kay Jacob, nakaramdam pa rin siya ng awa sa lalaki. Ito ang hinahabol-habol ng mga kababaihan pero para itong asong ulol ngayon kay Sabrina.
Nagpatuloy na rin siya sa paghakbang at minabuti niyang magtungo sa labas at hintayin si Vince. Sa labas ng gate ay naghihintay na si Vince, nakasandal ito sa hood ng kotse nito. Lumalagpas ang mga titig nito sa loob ng kabahayan. Ni hindi man lang namalayang nakalapit na siya.
“Vince?”
Nakadalawang beses pa siya sa pagtawag sa pangalan nito bago ito tuminag. Nagulat pa ito nang matuklasang nasa tabi na siya nito.
“May problema?”
Nasa loob na sila ng sasakyan ng uriratin niya ito. Nakakapanibago ang sobrang pananahimik nito. parang kay layo ng tinatakbo ng isipan.
“Nothing. Pagod lang ako.”
Saka nito binuhay ang makina ng kotse. Wala itong kino simula kanina pa. Inisip niya na lang na pagod ito. Kung saan-saan kasi ito nagpunta. Nagtatrabaho sa Department of Agriculture ang nobyo. Konti na lang at aakyat na ito sa mataas na posisyon ng ahensya.
Hanggang sa makarating ng tinutuluyan niyang apartment ay nanatili itong walang kibo. Ni hindi na nito hiniling na pumanhik sa loob at maghapunan.
Something tells her, may problema ito.
******
“The honeymoon would be in Maldives, Mom, Dad. If it’s okay with my future wife.”
Sinadya ni Jacob na isali sa diskusyon si Sabrina. She may be physically present but her mind is wandering elsewhere. Naroroon man ito ngunit tanging sa wine glass nakatitig ang pansin habang nilaro-laro ng hintuturo nito ang rim niyon. Mas gusto pa yata nitong titigan ang alak kesa sa pagmumukha niya. Magkaharap sila pero ni ayaw siya nitong tapunan ng pansin.
Bakit, ito lang ba ang napipilitan sa arranged marriage na ito? They both are. Ang kaibahan lang nila ay mas malawak ang pang-unawa niya. Marrying for love is too old fashioned. Para sa kanya natototohan ang pagmamahal at si Sabrina, tuturuan at sisikapin niyang matutunan siyang mahalin nito oras na mag-asawa na sila.
“Honey?” untag ni Jocelle sa anak.
Disinterested itong nag-angat ng mukha at sinabing, “wherever, whatever. Kayo naman ang nakakaalam ng lahat.” May himig ng sarcasm sa boses nito kapagkuwa’y pinukol siya ng matalim na titig.
“May dinaramdam ka ba, hija?” nag-aalalang tanong ng ina niyang si Irene kay Sabrina.
“I’m fine, Tita.”
Natapos ang dinner na halos kumibo-dili si Sabrina.
“I’ll walk you to your room.” Presenta niya na ikinalawak ng ngiti ng mga magulang.
Giggly, her father retorted, “We couldn’t wait na magkakaapo kami sa inyo.”
Lihim na napasimid si Sabrina. Like bearing his child is a curse. At mas ginanahan siyang tudyuin ito. Kahit nakasimangot kasi, maganda pa rin si Sab. “That would be soon, Dad.”
Magkaagapay na sila ni Sabrina papasok ng bahay.
“Save your energy, Jacob. Huwag umaktong masyadong gentleman. We know what kind of a man you are.”
“What kind of a man am I?”
Mapang-uyam itong ngumiti. “Basta nakapalda ay pinapatulan mo.”
“I wouldn’t argue with that.” He is an alpha male, he takes pride of his ability to tame women. “Iisa lang ang hinihiling ko, you should, at least, try to act out in front of our parents.”
Sabihin na ng iba na masama siya pero maipagmamalaki niya na sa kabila ng lahat ay may pagmamahal siya sa mga magulang. Madalas ngang sabihin ni Baxter na siya ang tipo ng suwail na masunurin.
“Why won’t you marry me?”
“Why would you wanna marry me?” balik tanong nito.
He just hopes that there is no man in between. Mapaglaro siya sa babae noon pero iba na ang usaping kasal. And he is dead serious to make this marriage work.
“I like you.”
“But not close enough to loving me.”
“Love? Matutunan yan, Sab. Sabay nating pag-aaralang mahalin ang isa’t-isa.”
“Sana nga ganon kadali, Jacob.”
Nagpapalit-palit ang emosyon sa mga mata ng dalaga.
“I wanna marry for love, Jacob. Too bad we couldn’t give it to each other.”
Tinitigan niya ito ng mataman.
“Is there someone else?”
“Ikaw, there are others for sure.”
“Yes, before you. Pero pinangako ko sa sarili ko na ikaw na ang huling babae sa buhay ko, Sab and I might, as well, start practicing fidelity.”
Pagak na tawa ang naging kasagutan ni Sabrina. “Tell it to the marines. Bagong tuli ka pa lang ay makati ka na.” Saka mabibilis ang mga hakbang nitong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapanhik ng hagdanan. Nailing na nasundan na lang niya ito ng tingin.
“Bagong tuli ka pa lang ay makati ka na.”
Dapat ba siyang maflatter o mainsulto?
Naglakad siya papalabas ng gate at pinaandar ang sasakyan.
The night is still young. Kung wala lang sana siyang trabaho kinabukasan, maaari pa sana siyang tumambay sa bar. Papaliko na siya sa isang eskinita nang may mahagip ang kanyang mga mata.
It’s Aiah. Nakaupo sa gilid ng Seven-Eleven habang kumakain katabi ng tatlong batang madudungis. By the looks of it, mukhang masaya pang nagkikwentuhan ang mga ito. Bibihira niya itong nakikitang ngumingiti pero habang tinititigan ang genuine na ngiting nakaplaster sa mukha nito, tila nahahawa na rin siyang mag-smile.
Well, she is not cold after all.
May pakialam at malasakit din pala sa iba. Naalala niya nga noon, kusa nitong ibinigay ang sarili nitong baon sa naraanang pulubi sa kanto. Nakita niya iyon nang hindi nito alam.
Hanggang sa tuluyang makalayo ang sasakyan ay nakatutok siya sa rearview mirror at ito ang tinititigan.
Odd.
Naiiling na nagpatuloy siya sa paglalakbay.