Ikalawang Bahagi

1041 Words
Unang Pag-uusap “What do you do for a living?” tanong ni Vaughn kay Lianna. Nakahiga siyang patagilid at nakatalikod dito. Hindi niya alam pero bigla siyang tinablan ng hiya nang mahimasmasan mula sa kanilang ginawa. Hindi siya nagsisisi. Nahihiya lamang siya dahil sa bilis ng pangyayari. Nakiliti siya nang maramdaman ang daliri ng lalaki na gumuguhit ng kung anu-ano sa kaniyang likod. Gusto niya itong sawayin pero kalaunan ay nagustuhan na rin niya. Para kasing kumakalma ang loob niya sa ginagawa nito. “I’m the Budget Officer of our town.” Sagot niya rito. “Uhm, sa Pilipinas?” “Yeah,” tipid niyang sagot. There was a long silence before she earned the courage to speak. “Bakit marunong kang magtagalog?” usisa niya rito. Tumigil ito sa pagguhit sa kanyang likod. Saglit na tumahimik ang silid. Matapos ang ilang saglit naramdaman niya ang paglapit ni Vaughn sa kanya. Yumakap ito mula sa likuran niya at hinagkan ang kanyang balikat. “Anong ginagawa mo dito sa Dublin?” tanong nito sa kanya. Hindi siya nagsalita dahil iniisip niya kung bakit hindi nito sinagot ang kanyang tanong. “Vacation?” He whispered again while gently nibbling her shoulder. Napatango na lamang siya. Nararamdaman na naman niya ang paglukob ng pagnanasa sa katawan niya sa ginagawa ni Vaughn sa balikat niya. s**t! What is this man doing to her? “My mother is a Fil-Am.” He said after a while. His right hand is still clasped around her waist. Tumihaya siya sa pagkakahiga at tiningnan ito. Hindi man nito sinagot ng diretso ang tanong niya kanina alam niyang iyon na ang kasagutan nito. Iniangat niya ang kumot para takpan ang hubad na katawan. She stared at his green eyes. Kanino kaya niya namana ang mga ito? “My father is half-Irish and half-Spanish.” Parang narinig nito ang tanong sa isip niya. She was right about the American-Spanish-Irish features. Wala itong traces ng pagka-Filipino maliban sa tatas nitong magsalita ng tagalog. “Is this your house?” tumagilid siya at humarap sa lalaki. Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. It is very spacious. May bar at sofa set sa kabilang side. On the walls are the mini-theater set. Krema ang kulay ng walls at ang mga kurtina at kasangkapan ay puro gray. Even the bed sheet and comforter are gray, pati ang mga lampshades sa magkabilang gilid ng kama. “Yes,” umangat ang sulok ng labi nito. “Is that how you smile?” napapantastikuhan niyang tanong rito. “You think so?” Lumapad ang ngiti nito. Natigilan siya sa kaguwapuhan nito. He even looks hotter knowing that he is naked under the sheet. Napalunok pa siya. “Getting wet again, Lianna baby?” he whispered smiling. His right palm landed on her butt. Sa init ng palad nito ay parang biglang bumalik ang init na nararamdaman niya kanina habang magkaniig sila. Ngunit agad iyong napalitan ng pagkahiya. Kailan pa siya naging mahilig sa gano’n? “May iba pa bang tao rito?” she asked averting her gaze. Bigla niya kasing naalala ang mga damit nilang nagkalat sa sala. Nakita niya kanina ang laki ng bahay nito mula sa labas at imposibleng mag-isa lang ito rito. Paano pala kung nandito rin ang parents ng lalaki? “Ako lang,” tipid na sagot ni Vaughn. Napatango siya. Gusto niyang itanong kung nasaan ang mga magulang nito pero nanahimik na lamang siya. “So, what do we do next?” Vaughn asked. Nagkibit-balikat siya. Napadako ang tingin niya sa wall clock. Alas-tres na ng hapon, malamang nakaalis na ang tourist coaster na magpapasyal sa kanya at ng iba pang mga turista rito sa Dublin. She loves Dublin. Matagal na niyang pangarap makapunta rito. Napapanood niya ito sa mga movies at sobrang ganda ng lugar. Kaya naman pinag-ipunan nila ito ng kapatid niya. They both paid for their tour and hotel reservations kaya lang ay na-deny ang visa application ng kapatid niya. Mas maliit kasi ang kinikita nito kaysa sa kanya at walang masyadong laman ang mga bank accounts. Sayang naman ang binayaran niya sa mga reservations kaya tumuloy na lamang siyang mag-isa. Today is her third day in Ireland pero sa halip na mamasyal ay nagpatangay siya sa makarismang tingin ng lalaking ito. “What are you thinking?” tanong nito sa kanya. Saka lamang siya nagising mula sa malalim na pag-iisip. “Nothing,” napapailing niyang sagot. “I thought you are thinking about this,” siniil siya ng halik ng lalaki at agad na kinubabawan. Her hands automatically wrapped around his neck and welcomed his expert tongue. Before she noticed it, she is again buried under the man’s sensual moves. *** “You can stay for the night,” saad ng lalaki nang magpaalam na siya rito. Napailing siya, enough of her stupidity for the day. Sobra-sobra nang kasalanan ang nagawa niya sa pakikipagniig sa isang lalaking ngayon lang niya nakita. Ayaw na niya itong humaba pa. The man held her arms nang akmang bubuksan na niya ang pinto. Saglit siyang napapikit dahil sa higpit ng hawak nito pero bago pa man siya magmulat ng mga mata ay sinakop na nito ang mga labi niya. She felt the urge to kiss him back but she restrained herself. She’ll be burned in hell if she doesn’t stop. “If you change your mind, you know where to go back,” he whispered to her before releasing her arm. Napatingin siya sa brasong namumula sa higpit ng hawak nito. Binuksan niya ang pinto at walang lingon-likod na umalis ng bahay. Napahilamos siya ng mukha habang nasa taxi nang pabalik na sa tinutuluyang hotel. Hindi siya makapaniwalang nawala siya sa sarili ng ilang oras. Ngunit hindi niya maikakaila na ang ilang oras na iyon ang pinakamasarap na pangyayari sa buhay niya. The man is incredibly sumptuous. And all his movements and touches gave pleasure to every fiber of her being. Pati yata nang hawakan siya kanina ng mahigpit sa braso ay parang nasarapan pa siya. She shook her head and stopped herself from imagining the man when she felt her core getting wet again. s**t! Nakakabaliw ang lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD