Ika-Apat na Bahagi

1065 Words
Muling Pagbigyan Gabi na nang ihatid siya ni Vaughn sa hotel na tinutuluyan niya. Marami pa silang pinasyalan gaya ng St. Anne’s park kung saan talagang hinangaan niya ang napakalawak nitong rose garden. Nakamamangha rin ang pagkakaayos ng mga halaman papunta sa Clock Tower garden. Naglakad-lakad din sila sa seaside ng North County kung saan kitang-kita ang Eye Island at Irish sea. Kahit hindi masyadong nagsasalita ang guwapong lalaking kasama niya naging masaya naman ang pamamasyal nila lalo na kapag napapansin niyang hinahapit siya nito sa baywang kapag may nakatingin sa kanyang ibang lalaki. Para makaganti, lumalapit din siya rito kapag may nakatitig dito na ibang babae. Akala niya ay sasama pa ito sa hotel suite at mangyayari ulit ang nangyari kaninang umaga sa bahay nito pero agad naman itong nagpaalam. Inihatid lamang siya hanggang sa lobby ng hotel. Hindi niya alam kung bakit parang nalungkot siya pero iwinaglit na lamang niya ang isiping iyon. *** Maaga siyang bumaba ng lobby para hintayin ang tourist coaster na susundo sa kanya. Kahit hindi siya halos natulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari nang nagdaang dalawang araw, pinilit niya pa ring bumangon. Sayang naman kasi ang binayaran niyang tour package kung hindi siya sasama. Isa pa, hangga’t maaari ayaw na niyang pumunta sa bahay ni Vaughn. She enjoyed every bit of him but she knew very well how wrong it is. Pinalaki siya ng maayos ng mga magulang niya. Kahit pa sumakabilang-buhay na ang mga ito apat na taon na ang nakararaan, nahihiya pa rin siya. Ano na lang din ang sasabihin ng kapatid niyang Principal at Doctor? Naturingan pa siyang CPA at tinitingala sa kanilang bayan. Mabibigat ang mga hakbang niyang sumakay ng coaster. Kahit naman kasi itanggi niya, umaasa siya na magpapakita si Vaughn sa kanya sa hotel. Sabagay wala naman silang pinag-usapang ganoon. Hindi pa nga yata sila nakapag-usap ng matino. He is too silent and she is too shy to ask anything. Siguro hanggang doon na lang talaga ang parte niya sa bakasyong ito. Ilang araw na rin lang din naman ay babalik na siya ng bansa. Huminga siya ng malalim. Hindi siya dapat nakararamdam ng lungkot. Pagbalik niya ng Pinas, magiging isang ala-ala na lamang ito sa kanya. Isang magandang ala-ala na dadalhin niya habambuhay. *** “This is the Blarney Castle. It was built during the Medieval Times…..…” Wala na siyang naiintindihan sa sinasabi ng tour guide dahil busy na siya sa pagkuha ng pictures gamit ang cellphone niya. The castle is breathtaking. Mas lalo siyang nawili sa pagkuha ng litrato nang akyatin nila ang tuktok nito at kitang-kita ang ilog sa baba na napapalibutan ng trimmed grasses. She was engrossed in taking pictures when someone hugged her from the back. Only one person has that sensual scent. “You should have waited for me,” Vaughn whispered. She was stunned when he bit her earlobe. Umakyat ang init sa katawan niya. Agad siyang napaharap dito. Sinalubong ng malamlam nitong mga mata ang tingin niya. “s**t, Lianna! What did you do to me?” He cursed. Ito pa talaga ang nagtanong ng ganoon? Hindi ba dapat siya ang nagtatanong kung ano ang ginawa nito sa kanya? Bakit sa tuwing lumalapit ito ay umiinit ang katawan niya? At paano nito nalaman na nandito siya? “Let’s get out of here,” mabilis siya nitong hinila palapit sa in-charge ng tour at ipinagpaalam na hindi na siya sasama sa kanila. Hihilahin na sana siya nito pababa sa pabilog na hagdanan nang bigla itong bumalik. “You have to kiss the blarney stone. Sayang ang punta mo rito,” saad nito. Napakunot-noo siya. Hindi kasi niya naintindihan ang sinasabi kanina ng tour guide pero parang may narinig siyang pinapaliwanag ito tungkol doon. “Winston Churchill once kissed the stone. According to Irish folklore, it will give you the gift of eloquence,” saad nito. May nakita siyang inaalalayang humalik sa bato. Nakahiga ito patihaya at nakahawak sa railings habang may nakaalalay. “You need to kiss it upside down,” saad ni Vaughn sa kanya. She can’t believe this man believes in folklore. Tsk! This is modern times. Paano kapag nahulog siya doon sa gilid? May siwang kasi ito at kitang-kita ang ibabang bahagi ng kastilyo. Nakiusap ito sa ibang turista na paunahin siya kaya siya na agad ang sumunod na humalik. Pinagbigyan na lamang niya ito. Pagkatapos ay hinila na siya nito pababa ng kastilyo. He immediately took her to his car and drove fast. “You’re overspeeding. Baka mahuli tayo?” Lianna asked him. Saglit lang siyang tiningnan ni Vaughn pero hindi nagbago ang speed nito. Ipinagpasalamat niya na wala masyadong sasakyan dito sa Ireland. The highways are wide, hindi katulad sa Pilipinas na lahat yata ng daan ay may traffic pati sa mga provincial roads. “Where are we going?” tanong niya rito nang lumiko ang sasakyan papasok sa isang cattle farm. “To one of my properties,” he answered without glancing. Malawak ang nadaanan nilang pastureland na napapalibutan ng iba’t-ibang puno. Pagkatapos ay dumaan ito sa isang pathway na may mga puno sa gilid. Napanganga siya nang makita ang isang Villa house. It is made out of bricks. Parang yung napapanood lang niya sa movies. Hindi niya ito nakita kanina nang papasok sila dahil sa naglalakihang mga puno sa paligid nito. She thought this part is a forest. “Is this really yours!?” namamangha niyang tanong. Tatlong palapag ang Villa house. Ilang kuwarto kaya mayroon ito? She was about to ask him pero hinila na siya nito papunta sa maindoor. He looked at the small blue screen, tumunog ito at bigla na lang bumukas ang maindoor. The moment the maindoor opened, agad na siya nitong hinalikan ng walang sere-seremonya. Ni hindi na niya nakita ang itsura ng loob ng bahay dahil napapikit na lamang siya sa sensasyong dala ng mga labi nito. He is an expert kisser, no doubt. O baka hindi lang siya sanay sa halik kaya napapaliyo siya bawat galaw ng labi nito. Before she could even blink an eye, binuhat na siya nito papunta sa sofa. Hindi na rin niya napigilang labanan ang bawat halik nito habang nakakandong siya rito. This guy really has the power to bury her rationale under his kisses. Bumigay na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD