Unang Sulyap
His eyes are as green as meadows. He has pointed nose, a typical Irish’ nose, but I am more than sure he is not a pure-blooded Irish. He has well-defined lips. His lower lip looks like freshly bitten and his little less than square jaw adds more masculinity in him.
Ang tangkad niya, at ang katawan ay halatang alagang-alaga. He has a broad chest that any woman would die for.
Hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya sinundan hanggang dito sa loob ng restaurant.
Guwapo siya, oo, pero kailan pa ako naging stalker? Kahit nga sikat na artista sa Pilipinas hindi ko sinusundan kapag nakita ko silang dumaan.
Maybe it has something to do with the man’s aura or the way he gazed at me from the other side of the road. There is something in his gaze that is mysterious and hypnotizing.
Ilang segundo lang ang sulyap niyang iyon mula sa kabilang kalsada na sampung metro ang layo. Namalayan ko na lang na sumasabay na ako sa mga taong naglalakad sa tawiran habang nakasunod ang tingin sa kanya. May kung anong puwersa ang nagtulak sa akin para sundan siya nang pumasok sa isang restaurant.
Napasinghap ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at lumingon sa akin. Nalanghap ko pa ang samyo ng pabango niyang ngayon ko lang yata naamoy sa tana ng buhay ko. I almost had goosebumps inhaling his manly scent. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya bago siya tumalikod at umupo sa silya.
“Take a seat.” His voice is deep and low. It would have been creepy to hear if it wasn’t for his handsome face.
Napalingon ako para makita kung sino ang kausap niya pero napakunot-noo ako nang makitang ako lang ang taong nakatayo malapit sa mesa niya.
Ako ba ang kausap niya? Weird. Bakit naman niya ako pauupuin sa mesang okupado niya? Hindi naman niya ako kilala.
Nang tumingin ako sa kinaroroonan niya ay nakatungo na siya at may tinitingnan sa phone niya.
“The chair is waiting for your ass,” he said while looking at his phone. Tumingin ulit ako sa paligid para makasiguradong ako nga ang kausap niya.
“A-are you talking to m-me?” doubtedly I asked.
Bakit ba ako nauutal?
Dahan-dahang umangat ang tingin niya sa akin. Sobrang guwapo pala talaga niya sa malapitan at ang berde niyang mga mata ay napakamisteryoso ang dating.
“May iba pa bang tao rito na nakatayo?” Umangat ng kaunti ang sulok ng labi niya.
“Marunong kang magtagalog?” mangha kong tanong. He doesn’t look like a Filipino. Mukha siyang Spanish-American na may halong Irish blood. Hindi ko inaasahang magsasalita siya ng tagalog lalo na’t nasa Ireland kami.
At paano naman siya nakasisigurong Filipino ako para kausapin ako ng tagalog?
“Take a seat. I’ll order food,” saad niya sa halip na sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kagustuhan niya at umupo na lang sa katapat niyang silya.