Kabanata 18 (SPG) NAPAKUNOT ang noo ni Marie nang hindi niya naririnig na sumasagot si Diablo sa likuran niya kaya’t lumingon siya sa gawi ng lalaki. “Nangyari sa iyo?” nalilitong tanong niya nang makitang parang hindi na huminga ang lalaki. “Huwag, huwag kang lumapit sa akin at pakidala na lang ng mga natirang sangkap sa loob ng resthouse at ako na bahala dito,” mabilis na sabi ng lalaki at hindi pa nga siya nakakasagot na sinasabi nito ay tinalikuran na siya ng lalaki kaya’t naiwan siyang napatitig sa likuran nito na ngayon ay mabilis na kumikilos para buhatin ang niluto nila. “Anyare doon?” bulalas niya at napailing na lang. Bumuntonghininga siya at nagdesisyon na ayusin na ang mga sangkap na natira at mga kalat nila. Mayamaya pa ay nasa loob na siya ng resthouse nina Maica at