NAUNA silang makatapos sa mag-asawa kaya’t kaagad naman siyang bumalik sa pag-aayos ng iihawin nila. Hindi na siya nag-abala pang magpaalam pa kay Diablo na nawalan din ng imik at hindi na siya kinukulit. “Ayos lang ba kayong dalawa?” Napatingin si Marie sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ni Maica. “Bakit?” takang tanong niya sa kaibigan. “Narinig ko kasing nag-aaway na naman kayo kanina at tignan mo nga mukha ni insan ‘o, parang naluging insik,” humahaba ang ngusong pahayag ni Maica at tinuro pa si Diablo na ngayon ay tumutulong kay Malvin magtipon ng kahoy. “Hayaan mo na siya baka namiss lang niyan ang mga babae niya kaya ganiyan,” tugon niya at pinaypayan na ang uling para naman makapagsimula na silang mag-ihaw. “Hay naku, wala na iyang mga babae ngayon. Matagal na i