MR. WALTON SMALL OR BIG

2434 Words

Habang kinukwelyuhan ni Marco si Alden ay dumating naman si Zeke at Allen. "What's going on here?" puno ng pagtataka na tanong ni Allen. Habang si Venus ay kinakabahan na baka suntukin na lang bigla ni Marco si Alden. Binitawan ni Marco si Alden at nilapitan si Allen. "Pagsabihan mo 'yang kapatid mo. Hinalikan niya ang kapatid ko." inis na sabi ni Marco sa kaibigang si Allen. Biglang natawa si Allen. "Ano naman kung hinalikan ni Alden ang kapatid mo? Walang masama roon. Single si Alden, siguro naman single rin ang kapatid mo." sagot ni Allen habang may kasamang tawa. Sinulyapan nito si Venus ngunit nakayuko ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. "She's off limits." umiigting ang panga na sagot ni Marco tsaka tinalikuran si Allen at nilapitan si Venus para hilahin ito paalis roon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD