Third Person's POV
"Marry her."
"W-wait—who?"
"Wala akong ibang hiling sa 'yo Marco kun' di ang pakasalan mo si Venus."
Tila nagpanting ang tenga ni Marco sa narinig mula sa ina. "M-mom, alam kong hindi ko tunay na kapatid si Venus, but—hindi naman pwedeng pakasalan ko siya dahil 'yon ang gusto niyo." reklamo niya sa ina na nakaupo sa wheel chair. Nasa terrace sila ng mga oras na ito. Nakatanaw sa ibaba.
Mula sa kanilang kinaroroonan ay tanaw ang labas ng gate.
Umuwi ngayon sa bahay ng mga magulang si Marco dahil tinawagan siya at pinakiusapan ng kaniyang ina na umuwi dahil gusto siya nitong makausap. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang hilingin nito sa kaniya na pakasalan ang hindi tunay na kapatid.
Mula sa ibaba ay natanaw nila ang babaeng naka-uniform ng white longsleeve at maikling palda bumaba mula sa taxi.
Papasok na sana ito sa gate nang mapatingala ito sa kanilang kinaroroonan. Ngumiti ito tsaka kumaway ng kamay.
"Mommy!" masayang bati nito. Nakatingin sa kaniyang ina. Ngumiti ang Ginang.
Mala-anghel ang mukha nito at ang ngiti nito ay napakatamis. Isang inosenteng babae. Familiar ang mukha nito para kay Marco.
"Si Venus." pakilala ng kaniyang ina.
Hindi niya akalaing masyado na pala siyang matagal na hindi umuwi dito dahil hindi niya man lang nakilala si Venus.
"V-Venus?" hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi siya makapaniwalang si Venus ang nakikita niya.
Noong umalis siya sa bahay na ito ay batang-bata pa ito pero ngayon—napakagandang dalaga na. Maputi, makinis ang balat, sa malayo pa lang ay halatang-halata niya ng kutis porcelana ito. Maganda ang katawan at mahaba rin ang buhok.
"Nagulat ka ba, hijo?" tanong ng ina.
Napailing siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang si Venus nga ang babaeng kumaway sa kaniyang ina kanina.
"Gusto kong pakasalan mo si Venus dahil gusto kong ikaw ang makasama niya, Marco. Please, son, matanda na ako. Bago ako mawala dito sa mundo, sana makita kong nasa maayos na kalagayan si Venus. May mag-aalaga sa kaniya at gusto kong ikaw 'yon, son."
"Ginawa niyo pa akong tagapag-alaga." inis na sagot niya sa ina.
Isa sa dahilan kung bakit umalis siya sa poder ng ina dahil mas mahal pa nito ang ampon kaysa sa kaniya na tunay na anak.
Hindi niya nga alam kung bakit inis na inis siya kay Venus? Siya lang ang nakakaalam na hindi sila magkapatid.
Hindi niya alam kung nasabi na ba ng Mommy niya na hindi ito tunay na anak.
—
Venus' s POV
Iika-ika ako na bumaba ng taxi. Dumaan pa ako sa drug store para bumili ng gamot sa hang-over. Nagtambay pa ako ng ilang oras para pag-isapan kung ano ang idadahilan ko kay Mommy.
Nasa gate na ako nang maagaw ng pansin ko si Mommy, nasa terrace nakatanaw mula roon sa akin. Nginitian ko pa rin kahit na alam kong magagalit ito dahil naumagahan akong umuwi.
Pero sino yung kasama ni Mommy?
Dahil na-curious ako kung sino ang lalaking 'yon. Nagmadali akong pumasok sa loob at halos takbuhin ko na rin ang terrace kahit medyo masakit pa ang pagitan ng aking mga hita. Gusto ko na kaagad marating ang terrace para makita o makilala kung sino ang lalaking kasama ni Mom.
Pagpasok ko pa lang ay nanuot na kaagad sa aking ilong ang gamit nitong perfume. Bakit tila familiar iyon sa akin.
Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako.
"Mommy!" nagmadali akong lumapit kay Mommy tsaka niyakap siya. Ganun naman ang palagi kong ginagawa kapag umuuwi ako galing sa school.
"Bakit naumagahan ka na umuwi?"
"Ah—ahm... k-kasi nag-sleep over ako sa bahay nila Cheska. Sorry, Mom hindi ako nakapagpaalam sa iyo."
"Are you sure?"
"O-opo, Mommy."
Mabuti na lang naniwala ito.
Pagkatapos kong yakapin ito ay unti-unti akong kumalas sa kaniya para tingnan ang bisita.
Napaawang ang labi ko nang masilayan ang kaniyang mukha sa malapitan.
Matangos ang kaniyang ilong, makapal ang kaniyang mga kilay at may kissable lips. Bakit lahat ng description na iyon ay katulad ng lalaking — never mind. Inaalis ko na sa isip ko ang lalaking iyon.
Muli ko itong sinulyapan.
Tamang-tama lang din ang form ng kaniyang panga. In short he is so perfect for me.
"M-mommy, s-sino siya?"
Nagkatinginan ang dalawa. Habang ako walang idea kung sino ang lalaking nasa harapan ko. I already, describe him.
"Siya ang kuya Marco mo. Yung palagi kong kinukwento sa 'yo. Maaaring hindi mo na siya natatandaan dahil bata ka pa lang ng umalis ang Kuya Marco mo. Ngayon nga lang siya umuwi dito." sagot ni Mommy kaya napapikit ako at pilit na inaalala kong may natatandaan ba ako about sa kaniya.
K-kuya Marco?
"Kuya pala kita." sabi ko na lang.
"Yup, taga palit ng underwear mo noon." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"M-mommy? Totoo ba sinabi niya?"
Ngumiti si Mommy kaya alam ko na ang sagot. Nakakahiya! Kahit Kuya ko siya nakakahiya pa rin.
Lalo na malalaki na kami ngayon.
Sa hiya ko ay tumakbo na lamang ako. Kahit masakit ang pagitan ng aking mga hita ay pinipilit kong hindi nila iyon mahalata.
Narinig ko pa ang pagtawa ni Kuya Marco.
Dumiretso kaagad ako sa kwarto at nagkulong. Muli na naman nag-flashback sa isip ko ang nasilayan ko kaninang umaga.
Bakit tila familiar sa akin ang mukha ni Kuya Marco?
Nasabunutan ko ang aking buhok dahil hindi ko alam kung bakit mukha ni Kuya Marco ang nakikita ko.
"No! No! H-hindi pwede!"
Natakpan ko ang bibig ko nang ma-realized ko ang lahat.
Si Kuya Marco, siya yung lalaking nasilayan ko kaninang umaga paggising ko sa kama.
Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko.
Hindi pwede. Magkapatid kami. Kapatid niya ako. H-hindi.