Third Person POV "Sir, sir!" nagmamadali na naglakad si Lyda para maabutan si professor Alden. Papasok na kasi ito sa pagmamay-ari nitong kotse. Medyo nabawasan sila ng twenty student dahil hindi pinayagan na sumama ang iba. Lumingon si Alden at puno ng pagtatakang tiningnan si Lyda. "Yes, bakit Lyda?" tanong ni Alden sa kaniyang estudyante. "Sir, baka po puwedeng daanan natin si Venus." pakiusap ni Lyda. Sandaling natigilan si Alden at napakamot sa batok. "Mukhang hindi siya makakasama." sagot ni Alden. "Pero sir —Pwede naman po natin daanan. Kapag dinaanan po natin 'yon. Mahihiya na po yung tumanggi." pamimilit pa rin ni Lyda. Muli na naman hindi nakaimik si Alden. "Are you sure about that?" "Yes, sir." kaagad na sagot ni Lyda. "Then... what are we waiting for? Let' s go! Bumal