PABAGSAK na inilapag ni Yzel ang hawak na folder sa kanyang hita. Pagod na pagod na siya dahil sa malayong nilakad. Pansamantala muna siyang naupo sa isang bench na nalililiman ng puno sa tabing kalsada. Nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan dulot ng pagod at sobrang init ng paligid. Tanghali na ng mga sandaling iyon kaya natural lang na santing ang init ng araw.
Pinahid niya ang namumuong pawis sa noo at agad na dinukot ang wallet sa bulsa ng kanyang dalang bag. Napabuga siya ng hangin ng makitang sampung piso na lang ang laman ng kanyang wallet. Kahit siguro bumili siya ng softdrink sa tindahan ay hindi niyon kayang matanggal ang uhaw at gutom na nararamdaman.
"Paano pa ako makakahanap ng matinong trabaho kung pati pamasahe ay wala na ako?" Nanghihinang napasandal siya sa inuupuan. Pumikit siya at sandaling nanalangin.
Lord, sana po magkaroon ng himala. Sobrang kailangan ko po ngayon ng trabaho. Kahit ano siguro papatusin ko basta kumita lang ng pera.
Kung wala lang ngayon sa ospital ang kanyang ama ay kaya niyang magtiyagang magtrabaho sa palengke kung saan tinutulungan niya ang kanyang ina. Hindi siya nakatapos ng koleheyo dahil salat sila sa pera. Unang taon lang ang natapos niya at hanggang ngayon nga na twenty five na siya ay hindi pa rin iyon nasusundan. Kaya hindi ganoon kadali na matanggap siya sa mga hotel na pinag-a-apply-an. Kahit nga sa ibang kumpanya ay hirapan din siya. Ganoon nga talaga siguro kapag hindi nakatapos ng koleheyo. Hirapan sa paghahanap ng trabaho.
Inatake sa puso kamakailan lang ang kanyang Tatay Edi at kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon dahil nagkaroon ng komplekasyon ang puso nito. Wala silang sapat na pera kaya hindi ito magawang operahan. Kaya heto siya at aligaga sa paghahanap ng trabaho.
Siya ang panganay sa apat na magkakapatid at siya lang din ang inaasahan na gagawa ng paraan bukod sa kanyang ina para maoperahan ang kanyang ama. Wala ng iba pa. Wala silang aasahan kung aasa sila sa kanyang nakababatang kapatid, lalo na kay Shane na sobrang tamad at puro kaartehan lang sa katawan ang alam. Ni hindi nga ito mabigla na kailangan nila ng malaking halaga para maoperahan ang kanilang ama. Katwiran nito ay wala itong aasahan sa mga kaibigan nitong mayayaman. Yes, social climber ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-aasam na makakakuha ng mayamang boyfriend na mag-aahon dito sa kahirapan. Sarili lang nito ang iniisip nito na kahit sa pangarap nito ay hindi sila kasama.
Napabuntong hininga siya ng magmulat ng mga mata. Gutom na talaga siya at uhaw pa. Gayon pa man ay kailangan na niyang kumilos para makahanap ng trabaho.
Tumayo na siya at pinilit maglakad sa gitna ng initan. Napatigil siya sa paglalakad ng biglang umikot ang kanyang paningin. Napalunok siya.
"Hindi ako puwedeng mag-collaps ngayon. 'Wag ngayon, please," anas niya na marahang humakbang. Wala pa nga pa lang laman ang kanyang sikmura buhat kaninang umaga dahil inagapan niya ang alis sa kanilang bahay para makapaghanap ng trabaho. Tanging tubig lang ang kanyang ininom kanina.
Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya.
NANG idilat ni Yzel ang kanyang mga mata ay may kalabuan ang kanyang naaaninag. She close her eyes once more then open it again. Saka lang rumihistro ng malinaw sa kanyang paningin ang paligid.
Nasa isa siyang silid na hindi pamilyar sa kanya. Hindi iyon kalakihan. Saka lang niya napagtanto na nakahiga siya sa isang mahabang sofa na kulay pula. Hawak ang ulo na marahan siyang bumangon at muling pinagmasdan ang kinaroroonan.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa loob siya ng isang dressing room. May salamin pa roon na bawat gilid ay may ilaw na nakakabit.
"Ano ba itong lugar na ito?"
Napalunok siya. Tuyo pa rin ang kanyang lalamunan. Nakaramdam na naman siya ng gutom.
Sumandal siya at sandaling pumikit. Napamulat lang siya ng marinig ang pagbukas at sara ng pinto.
"Mabuti naman at gising ka na," magiliw na bungad sa kanya ng baklang kay tingkad ng kolorete sa mukha.
Sandaling pinagmasdan ito ni Yzel. Lumunok siya. Tuyo pa rin ang lalamunan niya. "N-Nasaan po ako?"
Nakangiting naupo ito sa tabi niya. "Nakita kita kanina habang papunta ako rito sa Club ni Mamasan. Nawalan ka ng malay kaya nagmagandang loob ako na tulungan ka kaysa kung mapaano ka pa lalo sa labas. Alam mo naman ang mga tao sa panahon ngayon," napasulyap ito sa babaeng pumasok sa bumukas na pinto. May dala iyong tray ng pagkain. "Bueno, putla ka pa rin kaya ang mabuti pa ay kumain ka muna bago tayo muling mag-chikahan. Sige na 'wag ka ng mahiya."
Naramdaman niya ang pag-aalburoto ng mga alaga niya sa tiyan ng makita ang isang piraso ng pork chop. May sabaw din na umuusok pa at malamig na tubig. Sinulyapan niya ang baklang mukhang mabait naman. Tinanguan siya nito.
"Kain ka na."
Napakamot siya sa kanyang baba. "Nakakahiya naman po?"
"Kaysa naman mahimatay ka ulit?"
Wala na siyang nagawa pa kundi ang kainin ang pagkain na nasa tray. Gutom na gutom na talaga siya at sa ngayon ay wala ng puwang pa ang salitang hiya sa kanya. Taimtim din siyang nagpasalamat sa Diyos.
Matapos kumain ay kinuha nito ang tray at dinala sa labas. Bumalik din naman agad ito.
"Nakita ko 'yung laman ng dala mong envelope. Mag-a-apply ka pala?" Magiliw nitong simula ng maupong muli sa tabi niya. "Pasensiya na kung tiningnan ko. Hindi kasi kita kilala at kung taga saan ka ba. Kaya sinilip ko na rin."
Nailang man sa kaharap ay pinilit niyang ngumiti. Nagpasalamat muna siya ritong muli para sa kinain niya. Huminga siya ng malalim pagkuwan. "Okay lang po. Ah, opo. Naghahanap po ako ng trabaho. 'Yung tatay ko ho kasi nasa ospital ngayon. Kailangang maoperahan dahil nagkaroon ng komplikasyon sa puso. Ayaw simulan ang opirasyon hanggat wala kaming naibibigay kahit na paunang bayad." Napangiti siya ng mapait. "Malala na nga ginaganoon pa nila kami. Kaya heto at nagbabakasakali ho ako na magkaroon ng trabaho. Kahit ano na nga lang ho tatanggapin ko na para lang mapaoperahan si tatay." Mabilis niyang pinahid ang kumuwalang luha sa mata niya. "Pasensiya ho pala sa abala."
Napabuntong-hininga ang bakla na hanggang ngayon ay hindi niya kilala. "Ganoon ba? May alam akong trabaho kaso baka hindi mo kayanin. Ilang taon ka na ba?"
"Twenty five ho."
Sumandal ito at pinagmasdan siyang mabuti. "Birhin ka pa ba?"
Naumid yata ang dila niya sa klase ng tanong nito. Hindi siya sanay na pag-usapan ang bagay na iyon. Nakakailang.
Napatawa naman ito sa reaksiyon niya bago nagseryoso. "Masyado yata akong direct to the point. Pasensiya na. May iaalok kasi sana akong trabaho sa iyo. Sigurado akong isang gabi lang magkakaroon ka agad ng pambayad sa ospital para mapaoperahan ang tatay mo. Iyon nga lang baka 'di mo kayanin? Kaya tinatanong kita kung birhin ka pa o hindi na."
"K-Kahit boyfriend po, eh, wala ako kaya-"
Natutop nito ang bibig. "Birhin ka? Naku, pag-isipan mong mabuti ito. Gusto ko lang din na matulungan ka kasi mahirap talagang magkaroon ng trabaho ngayon. Kahit na with pleasing personality ka pa. Maganda ka naman at malakas ang dating. Siguro ay lalo na kung maaayusan ka. Kung gusto mong magkaroon ng halagang kailangan mo ay pag-isipan mo ito. Mamayang gabi ay dagsa ang mga big time sa Pleasure Club, palibhasa ay araw ng Biyernes, kung hindi ka pamilyar ay iyon ang kinahuhumalingang Club ngayon ng mga mapeperang lalaki dahil sa game room na tinatawag. Mga mayayaman lang ang nakaka-afford sa game room. Kilala ko rin ang manager doon at puwede kitang irekomenda sa kanya kung nanaisin mo. Sigurado akong malaki ang mapepera mo kung papayag ka. Nasa kamay mo rin ang desisyon kung magkano ang isang gabi mo. Kapag sa tingin mo ay sapat na upang mapaoperahan mo ang tatay mo ay gora ka na. Sayang ang chance."
Napalunok siya. Never in her wildest dream na gagawin niya iyon. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para gawin iyon.
Pero kailangan ng tatay mo ng malaking halaga para maoperahan. Isang daang libo Khlaryzel! sigaw ng isip niya.
"Pag-isipan mo. Isang gabi lang. Kapag nagkaroon ka na ng halagang iyon ay kahit hindi ka na bumalik doon. Ito lang ang alam ko na madaling paraan para matulungan ka. Kung uutang ka kasi sa akin ay wala naman akong malaking halaga para ipautang sa iyo. Hindi rin kita ibinubugaw. Ikaw pa rin ang magpapasya. Pasensiya na at iyon lang talaga ang alam kong paraan."
Napatitig siya rito. Parang hindi niya masikmura na magpagamit sa isang DOM o kahit kanino pa.
Marahan siyang umiling. "P-Pasensiya na pero hindi ko kaya." Napayuko siya.
Umangat ang kamay ng bakla at marahan siyang tinapik sa balikat. "Ganoon ba? Pero kapag nagbago ang isip mo ay bumalik ka lang dito para masamahan kita roon. Dito kasi sa Club ni Mamasan ay sigurado akong 'di mo makukuha ang halagang nais mo sa loob lang ng isang gabi. Hindi kagaya sa Pleasure Club. Para sa tatay mo. Nakalimutan ko, ako nga pala si Donita. Donato noong bagong labas pa lang ako sa mundo," biro nito na nakipagkamay sa kanya.
"Yzel po."
"May oras ka pa para mag-isip. Maaga pa naman."
Kinuha niya ang dalang bag at envelope. Sinulyapan niyang muli si Donita. Magulo pa ang isip niya. May bahagi na gusto niyang tanggapin kahit na kapit na sa patalim ang desisyong iyon. May bahagi naman na ayaw dahil ang puri niya ang nakasaalang-alang doon. Naisip na naman niya ang amang nahihirapan ngayon sa sakit nito.
Sa huli ay ipinasya na muna niyang umalis para makita ang ama.