Broken ALICE One... Two... Three... Then I lost count. Hindi ko mabilang kung gaano katagal nakadampi ang labi niya sa labi ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. Kahit nang humiwalay siya ay nakikinikinita kong may bahid pa rin ng gulat ang mukha ko. Nakatitig lang siya sa akin at nang bumaba ang tingin niya sa labi ko ay dali-dali akong tumalikod. Napahawak ako sa labi ko at napalunok ako nang maramdaman ang tila pangangapal non. Iyong pakiramdam na nandoon pa rin ang labi niya na nakadaiti sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang malakas na t***k ng puso ko. This is not my first kiss. It's not the first time that someone kissed me without asking for my permission. But its the first time...that I didn't push that person away or slapped him. Ayon ang mas ikinagugulat ko.