Teasing IT was almost two hours when we arrived at the airport in Davao City. Paglabas namin ng airport ay naramdaman ko kaagad ang init sa lugar. Tirik na tirik ang araw kaya napapikit ako sa sinag na tumatama sa mga mata ko. I was about to open my bag para kunin ang shades ko roon nang may maglagay na ng salamin sa mga mata ko. Sino pa nga ba kung hindi ang pilyong kasama ko na si Leighton. Pagbaling ko ay nakangiti siya sa akin na parang proud na proud siya sa paglalagay ng shades sa mga mata ko. Napailing ako. This is not the Leighton that I knew when we were young. Parang nagkapalit kami ng personality noong mga bata kami. He's now the always happy one and I am the grumpiest one. "Sir Klode!" Isang sigaw ang nakaagaw ng pansin namin. "Welcome back to Davao, Ser..." "Good to