Chapter 2
3rd Person's POV;
"Cadmus?" Ani ni Astrid ng makapasok siya sa apartment kasunod ang anak.
"Tito Alcide!" Sigaw ni Cross bago nanakbo palapit sa Blacksphere na kinatawa ng mga bata.
"Hey little Cadmus how are you?" Tanong ni Venedict bago lumuhod para makapantay ang batang lalaki.
"I'm fine tito Venedict."
"Kamusta kayo ni Cross dito?" Tanong ng binata matapos bigyan ng halik sa pisngi ang dalaga.
"Ayoa lang naman kami Cadmus ikaw? Kamusta dapat kinontak mo man lang ako para nasundo namin kayo sa airport." Ani ng dalaga ng makita ang pagod sa mukha ng kasintahan.
"Biglaan din naman kasi ang pag uwi namin at isa pa siguradong mahihirapan kang dalhin ang batang yan sa Airport maraming tao dun." Natatawang sambit ni Cadmus bago tingnan si Cross na buhat na pinagkakaguluhan bg blacksphere.
Astrid Salves's POV;
"Aalis ka ba ulit?" Tanong ko na kinatingin sakin ni Cadmus.
"Don't worry baby hindi na, I'll stay here for good marami lang talaga akong inasikaso sa U.S this past few months kaya sorry kung palagi akong wala." Sagot ni Cadmus na kinangiti ko ng naglalambing na niyakap ako ni Cadmus sa likuran.
Isang taon ang lumipas since ng makagraduate kami ng college napunta lahat kay Cadmus ang responsibilidad bilang succesor ng nga Acosta matapos mamatay ni Callius.
Once or twice a month umaalis siya ng bansa para asikasuhin ang business niya so far wala naman naging problema dun si Cadmus. Paloko loko ito nung college pero ngayon sobrang laki na ng pinagbago niya na hindi naman nakakapagtaka lalo na yun lang ang paraan para makabawi siya sa ama.
"Daddy! Binilhan mo ba ulit ako ng mga books?" Tanong ni Cross matapos yumakap sa hita ng ama na gawin niya na pag may kailangan.
"Siyempre naman yun pa makalimutan ko?" Ani ni Cadmus matapos guluhin ang buhok ni Cross.
"Nasa compartment ng kotse, Venedict paki kuha yung mga dala natin." Utos ni Cadmus.
"Mukhang pagod na pagod ka pahinga ka na muna kaya." Ani ko.
"Nagpapahinga nanaman ako." Sagot ni Cadmus habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
"Anong nagpapahinga nakayakap---."
"Kayakap ang mahal ko at katabi siya, pagpapahinga na yun para sakin." Putol ni Cadmus na kinangiti ko.
Hindi na lang ako umimik at nanatili kami sa ganung posisyon.
"Yung papa mo? Nagkausap na kayo?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Ilang besea ko sinubukang kausapin si papa pero wala." Mababa ang boses na sambit ni Cadmus na kinabuga ko ng hangin bagi humarap at sapuin ang pisngi niya.
"Magiging maayos din ang lahat Cadmus." Bulong ko.
"Mommy look!" Napahiwalay ako kay Cadmus ng dumating si Cross at pinakita saamin ang mga dala niyang book.
"Seriously? French book? Hunger games--- Cross hindi na pang 6 years old yang binabasa mo." Ani ko kay Cross na kinangiwi ng anak ko.
"Mommy alangan naman ipabili ko kay daddy, children story, alphabet etc its so boring." Sagot sakin ni Cross na kinahilot ng sintido ko.
"Anak---."
"Hey sweety hayaan mo na si Cross, matalino ang anak natin natural lang na mag explore pa siya at iexpand yung mga bagay na para sakanya interesting." Putol ni Cadmus.
"Cadmus ayan ka nananan iniispoild mo masyado si Cross kaya lumalaking matigas ang ulo." Ani ko.
"Mommy, I can handle myself ... this is a book lang naman." Sagot ni Cross.
3rd Person's POV;
"Kung hindi ko lang alam at wala ako nung araw na yun iisipin kong anak ni Cadmus si Cross." Bulong ni Alvis.
"Habang lumalaki si Cross mas nagiging kasing ugali niya si Cadmus.=_=" sabat ni Dwayne ng makita ng mga binata ang pagsagot ni Cross sa mga magulang.
"Alcide bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ni Venedict ng makita ang pagtingin ni Alcide sa kina Astrid.
"Nothing may naalala lang ako." Sagot ni Alcide bago tumalikod at naglakad paalis.
"Nag away ba sila ni Aila?" Tanong ni Dwayne.
"Hindi ko alam pero mukhang may pinagdadaanan din si Alcide nalaman ko kasi na gusto ni Allen kuhanin si Arkhon." Sagot ni Venedict.
"Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na yun. Si Alcide na ang tumayong ama sa batang yun diba? tapos kukuhanin ni---."
"Hindi yun ang inaalala ni Alcide." Putol ni Venedict.
"Galit si Arkhon kina Alcide at Aila, hindi nila sinabi ang totoo sa bata." Dagdag ni Venedict na kinatahimik nina Alvis at Dwayne.
---
"Lake." Ani ng matanda matapos itong mapatayo ng makita ang binata.
"Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka."kalmadong sambit ng matanda matapos lumapit ang lalaki kasunod ang ilang tauhan.
"Biglaan din naman dad." Sagot ng binata.
"May kailangan ka ba kaya ka napapunta dito?" Tanong ng matanda.
"May gusto kasi akong lupa dad, squater area nahihirapan akong kausapin yung may ari." Ani ng lalaki.
"Yun lang ba? Hayaan mo bukas papaasikaso ko na yun sa tauhan ko. May kailangan ka pa?" Tanong ng matanda.
"I'll stay for good na dito dad at gusto ko sana na dito ako magstay kasama niyo." Ani ng lalaki na kinangiti ng matanda.
"Kung yan ang gusto mo anak sige, yun din naman sana ang sasabihin ko sayo." Sagot ng matanda.
Matapos magkamustahan ang dalawa aalis na ang binata ng may maalala ito at hinarap ang ama.
"Dad." Ani ng binata na kinatingin ng matanda na ngayon ay nakaupo na sa swilve chair nito.
"Napag isipan ko na ang sinabi niyo last 2 years and nag decide na akong tanggapin ang offer niyo sakin in one condition." Ani ng binata.
"What is it son?" Tanong ng matanda.
"This is about my son." Sagot ng binata na kinakunot noo ng matanda.
Astrid Salves's POV;
"Uuwi na ba kayo?" Tanong ko kina Cadmus kinagabihan ng magpaalam na ang blacksphere.
"Pagabi na din kasi." Sagot ni Cadmus bago ako halikan sa noo at guluhin ang buhok ni Cross.
"Bye daddy." Paalam ni Cross.
"Isara niyo ang pinto at ikaw Cross wag kang masyadong pasaway sa mommy mo." Bilin ni Cadmus na kinasimangot ng anak ko.
Matapos magpaalam ni Cadmus umalis na din ito.
Kung iniisip niyo na nagsasama na kami ni Cadmus sa iisang bahay isang malaking 'NO' hindi ako pumayag. Hindi porket may anak ako at boyfriend ko si Cadmus may delikadesa pa din naman ako at nirerespeto yun ni Cadmus.
Gusto ko kasi na bago kami mag decide na tumira sa iisang bahay gusto ko kasal na kami. Pero mukhang imposible pa yun dahil kay Cross na ayaw talaga ako ipakasal kay Cadmus.
Nang marinig ko mula dito sa itaas ang ingay ng kotse nina Cadmus paalis sinara ko na ang pinto habang si Cross na matigas ang ulo. Mabilis na umupo sa sofa at nagbasa ng mga libro galing sa ama ... buti kung related sa studies niya eh hindi naman.
Aalis na sana ako para sa kusina ng may kumatok sa pinto.
"Tita*sob*" napatigil ako at agad na binuksan ang pinto ng marinig ko ang boses ni Arkhon.
"Tita."
"Arkhon bakit ka umiiyak? Anong ginagawa mo dito? Jusko pano ka nakarating dito kaalis lang ng daddy Alcide mo." Tarantang sambit ko matapos ko lumuhod sa harapan ng anak ni Aila at punasan ang pisngi nito.
"He's not my daddy tita*huk*"
Nakagat ko ang labi ko bago tumayo at ayain papasok si Arkhon.
"Ano ba kasing nangyari? Alam ba ng mommy mo na nandito ka?" Tanong ko bago umupo sa isa sa mga upuan dito sa living room at harapin si Arkhon.
"No." Umiiyak na sagot ni Arkhon.
"Kaya ka umalis dahil nalaman mong hindi ka anak ni Alcide ganun ba?" Tanong ko na kinatango ni Arkhon habang nakayuko.
"Kung ako sayo irereserve ko ang pag iyak ko once na gusto nang mommy ko na ibalik ako sa tunay na daddy ko." Sabat ni Cross.
"Cross!" Saway ko ng mas lalong maiyak si Arkhon.
Habang nakatingin ako ngayon kay Arkhon hindi ko maiwasang maawa sakanya ... 7years old lang si Arkhon at nakikita kong nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan. Si Alcide na ang kinilala niyang daddy minsan nga nagrereklamo na si Aila na pag umuuwi daw si Alcide hindi na daw siya pinapansin ni Arkhon dahil laging nakabuntot sa kinilalang ama.
"Para kang bata tigilan mo nga yang kaiiyak mo nagbabasa ako!" Pagsusungit ni Cross.
"Cross! Ano ba?! Sumusobra kana!" Galit na saway ko kay Cross na kinatahimik nito.
Ilang minuto kaming nagkatitigan bago naiinis na umalis sa living room at pumasok sa kwarto niya.
"Stop crying kiddo, bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan ang lahat." Ani ko bago yakapin si Arkhon na umiiyak.
Gusto ko iexplain ang side nina Aila pero wala ako sa lugar para gawin yun. Kung may tao man na dapat mag explain sina Aila at Alcide na.
"Maligo kana then dun kana matulog sa room ni Cross pag pinaalis ka sumbong mo sakin patay sakin ang batang yun." Ani ko na kinatango ni Arkhon bago naglakad papasok ng bathroom.
"Cross! Dalhan mo ng pamalit si Arkhon pahiramin mong damit mo." Sigaw ko mula dito sa living room.
"No way!" Sigaw ni Cross pabalik.
Hindi na ako umimik dahil alam kong maya maya dadalhan din nun si Arkhon kaya imbis makipagtalo pa kay Cross pumasok na ako sa kusina para magluto kay Arkhon.