22

1413 Words
Chapter 22 3rd Person's POV; Habang nasa ilalim ng shower humahagulhol si Astrid habang pilit na kinukuskos ang katawan. Diring diri ito na halos mamula ang balat sa kapupunas nito sa bahagi ng katawa niya kung saan siya hinawakan ng mga lalaki. Ganitong scenario ang naabutan ng lalaki ng makapasok siya sa bathroom dala ang mga susuutin ng dalaga. "Salves tama na." Pigil ni Lake matapos saluhin ang mga kamay ng dalaga na hindi man lang alintana na hubad ito na nasa harap ng binata. "Diring diri na ako sa sarili ko Lake, nasusuka ako at galit na galit ako ... bakit kailangan itong paulit-ulit na mangyari saakin? Anong kasalanan ko?" Hunahagulhol na sambit ng dalaga dahilan para yakapin siya ng binata mula sa likod ng babagsak ang dalaga. Pareho silang basa at hindi yun pinansin ng binata ni magsalita hindi nito ginawa. Iyak lang ng iyak ang dalaga habang nakakulong sa mga bisig ng binata. "Ito ang tatandaan mo Salves." Bulong ng binata sa likod ng tenga ng dalaga na umiiyak. "Mahulog man ang bituin sa langit,hindi mababago nun na minsan na siyang nanggaling sa kalangitan ... kasing linaw at ganda ka man ng perlas na nanggaling sa karagatan tandaan mo Salves mapunta ka man sa putikan, lupa at buhanginan, perlas ka pa din na hinahangaan at patuloy ko pa ding iingatan." Bulong ni Lake na kinatigil ng dalaga. "H-Hindi ka ba nadidiri saakin Lake?*sob* si Callius at ngayon muntikan na ako m-marape ng mga hayop na yun ... Lake hinaw---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng hawakan ng binata ang panga niya at walang kaano anong hinalikan ng binata. "Habang ikaw si Astrid Salves, walang estado,bagay, past at panahon ang makakapag pabago ng nararamdaman ko." Sagot ni Lake na kinahikbi ng dalaga ng iharap siya ng binata at haplusin ang pisngi ng babae. "L-Lake." Umiiyak na sambit ng dalaga matapos idikit ng binata ang noo niya sa noo ng dalaga katulad ng palagi nitong ginagawa. "Kung kinakailangan burahin ko lahat ng bakas nila sa katawan mo gamit ang mga halik ko gagawin ko Salves. Willing ako halikan ang bawat parte ng katawan mo para paulit-ulit mong maalala na akin ka at tuwing hihiga ka sa kama ng iba ako lang ang tanging mong maalala." Dagdag ng binata na kinatulo ng luha ng dalaga matapos siyang halikan ng binata at maramdaman ang pagbuhat nito sakanya palabas ng bathroom. --- "Anong nangyari sa mga pinagawa ko sainyo kahapon?" Walang emosyong tanong ni Lake. Kahit kasi naging okay na si Astrid hindi pa din maganda ang mood ng binata lalo na ng makita niya ang ginawa ng mga ito sa kaisa isang babaeng pinahahalagahan niya. "Siguradong hindi na uulit mga yun." Bored na sagot ni Regulus habang may kinakalog na mint candy sa isang lalagyan. "Kung hindi man sila macoma sa ginawa namin panghabang buhay na pag confine naman ang mangyayari sakanila sa ospital." Sagot ni Nyro. "Yung babae namang mastermind hihi 100% akong nagbyebye na ang pamilya siya sa shop na pag mamay ari nila at nakakulong na sa mental hospital yung babae." Ani ni Tori matapos makipag apir kay Worth na pangisi ngising tiningnan sina Nyro na nakakunot ang noo na nakatinging sakanila. "Nagpatawag na din pala ako ng mga pulis para pumunta dito ngayong araw." Ani ni Regulus. "Pulis?" Ulit ni Nyro na kinangisi ng binata. "Uubusin ko ang mga anay sa production, sibat muna ako may kakausapin lang ako." Paalam ng binata bago naglakad paalis. "Sasama ako Reg!" "Ako din kuya!" Matapos sumunod nina Worth at Tori nakapamulsahang tinitigan ni Nyro si Lake na kasalukuyang iniikot ikot ang hawak na baso. "What's that face Acosta? =_=" tanong ni Nyro ng makita ang pagkatulala ng binata sa basong hawak. "Iniisip ko lang sa paano kong paraan matatapos ang kalokohan ni Callius ng hindi siya sinasaktan at madadaan siya sa magandang usapan." Ani ng binata na kinakunot noo ni Nyro. "Ni minsan hindi ko pa nakakausap o nakakaharap yang Callius na yan pero base sa kwento mo at nakikita ko ... hindi tipo ng kakambal mo ang nadadaan sa magandang usapan." Banat ng binata na kinatahimik ni Lake. Astrid Salves's POV; Matapos ang nangyari mas pinili kong manatili sa apartment at gawing busy ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Matapos kong linisin ang living room pumasok ako sa kwarto kung saan dating natutulog si Cross. Katulad ng mga nakaraang araw matapos ko itong linisin ganun pa din ang ayos nito walang nabago. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto hanggang sa mapako ang tingin ko sa ilang medals,trophys and certificates na nakalagay sa isang estante at sa ibabang bahagi nun ang tatlong silver medal na kumpara sa mga award na nasa taas, wala itong alikabok at naka organize ng maayos na mukhang si Cross ang gumawa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko yung araw ng graduation niya nun sa kindergarten. 5 years old siya nun that time. Flashback "Grrr panong nagkaroon ng Medal si Arkhon? Pati ba second place may medal." Naiinis na bulong ni Cross na kinatingin ko. Nakatingin siya kay Arkhon na pinalilibutan ng mga kaklase niya. Kumpara kay Cross nasa tatlo lang ang nakuha ni Arkhon at mukhang kasalanan yun ni Cross. Nabalitaan ko kasi na tuwing sumasali daw si Arkhon sa mga contest sa school sumasali daw si Cross at nakikipag kompetensya kay Arkhon kahit ang taga ibang school naman ang kalaban nila. Kaya ang tendency tuwing may contest sa iba't ibang school naka reserved na ang 1st at 2nd place sa dalawa dahil mga hindi talaga nagpapatalo ang mga ito. "Anak bakit ba ganun na lang ang galit mo kay Arkhon? Mukha naman siyang mabait." Ani ko na kinagusot ng mukha ni Cross matapos ako ismiran. "Nabubwisit ako sa mukha niya." Sagot ng anak ko na kinailing ko na lang. Kung ikukumpara ko si Arkhon kay Cross masasabi kong magaling makisama si Arkhon at totally opposite talaga sila ni Cross. Marunong magpakumbaba si Arkhon kumpara kay Cross na parang hari kung magpasunod pero maniwala man kayo sa hindi, magbestfriend ang dalawa hindi man nagkakasundo. "Oy Cross tara treat kita may nakita akong ice cream sa labas, congrats pala." Nakangiting sambit ni Arkhon na kinangiti ko. "Nangaasar ka ba?" Napakunot ang noo ko ng tabigin ni Cross ang kamay ni Arkhon ng makikipagkamay ito. 'Ang sama talaga ng ugali ni Cross.' "Cross ano bang ginagawa mo?" Saway ko sa anak ko lalapitan ko siya ng hawakan ako ni Aila na nasa tabi ko pala. "Sissy hanggang ngayon ganyan ka pa din makareact sa attitude ng anak mo." Komento ni Aila na kinagusot ng mukha ko. "Hindi maganda ang ginagawa ni Cross." Sagot ko. "Ayoko ng mga ito." Napatingin ang ilan sa mga teacher at bisita ng itapon ni Cross lahat ng medal niya sa sahig. "Umariba nanaman ang pagka spoild ni Cross." May inis na sambit ko. "Pinaghirapan mo ito Cross bakit mo tinapon?" Balewalang tanong ni Arkhon bago kuhanin ang mga yun at tingnan pabalik si Cross. "May nakuha ka pa din at naiinis ako." Nag gigitgit na sagot ng anak ko. "Cross ano bang attitude yan? Wag kang masyadong greedy, matalino at magaling din si Arkhon deserve niya ang bagay na yan." Naiinis na saway ko kay Cross ng makalapit kami sa mga bata. "Hindi mo naman kailangan magalit dahil lang sa mga ito." Ani ni Arkhon na kinatigil ko ng hubadin niya yung tatlong silver na medal at iabot yun kay Cross. "Ayan sayo na, naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit ... hindi ko deserve ang kahit na ano dahil nanalo ka pa din at nangunguna ... pero balang araw kukuhanin ko din ng mga yan at sa susunod magiging number 1 na ako." Ani ni Arkhon na kinatinginan namin ni Aila ng pabalyang kinuha yun ni Cross at isuot bago walang imik na umalis. "Tita yung medals ni Cross." Ani ni Arkhon matapos iabot sakin ang mga medal ni Cross at ng makuha ko yun tumakbo na din paalis si Arkhon at mukhang susundan si Cross. "Minsan inisip ko sana hindi na lang naging matalino si Cross, yung average lang ganun." Ani ko na kinatawa ni Aila bago yakapin ang braso ko. "Malayo yun mangyari lalo na isa siyang Acosta." Natatawang sambit ni Aila na kinabuga ko ng hangin. End of the flashback. "Ano na kaya ginagawa ng batang yun ngayon?" Nakangiting sambit ko matapos haplusin ang salamin ng estante kung nasaan ang picture naming dalawa ni Cross nung graduation.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD