10

1538 Words
Chapter 10 3rd Person's POV; "Kyaah ohmygosh! Sissy." Tili ng dalagang si Shane ng makita si Astrid na nagulat matapos siyang sunggaban ng yakap ng dalagang si Shane kasama si Ashley na natatawang yumakap din kay Astrid. "Ohmygod! Kailan pa kayo nakabalik?" React ng makita sina Ashly at Shane na may mga kasunod na ilang gwardya. "Last week lang ohmygod hindi ko iniexpect na dito ka namin makikita, anong oras tapos duty niyo ha?" Natutuwang sambit ni Shane. "Mamayang hapon pa ang tapos ng dut---." "Kung bibilhin ko lahat ng cosmetics dito may free time kana?" Humahagikhik na sambit ni Ashly na kinalaki ng mata ng dalaga. "Wag nga kayo mabuti pa pumunta na lang kayo sa bahay before mag 5pm tapos na duty ko nun." Sagot ng dalaga ng---. "Salves oras ng duty mo ngayon tama na ang chitchat." Sita ng excutive manager ng departments ng mapadaan ito sa store nila. "Sorry ma'am." Ani ni Astrid. "Sungit costumer din kaya kami." Pabulong bulong na sambit ni Shane na kinatawa ng dalaga. "Iaassist ko na kayo tara na." Yaya ng dalaga ng makitang inassist na din ng kasamahan yung sunod na costumer na pumasok. "Girl totoo ba? Pangalan ng new president niyo dito Lake Acosta?" Bulong ni Shane na kinatingin ng dalaga na pumipili ng perfume para irecommend sa mga kasamang babae. "Yes bakit?" Tanong ng dalaga na kinatinginin nina Ashly at Shane. "Natanong lang namin akala kasi namin dalawa lang successor ng mga Acosta tatlo pala." Sagot ni Ashly. "Nakatanggap kasi kami ng invitation galing sa mga Acosta kaya napabalik kami ng philippines para sa welcome party ni Lake." Dagdag ni Shane matapos tumayo ni Astrid. "Wala bang sinasabi sayo si Cadmus?" Tanong ni Ashley. "Wala akong gaanong alam sa mga Acosta mukhang iniiwasan din naman ni Cadmus na mag open about dun, minsan naitanong ko na din yun kay Cadmus yung about kay Lake nag away lang kami." sagot ng dalaga na kinatinginan nina Shane. --- "Nice nakukuha mo na." Natutuwang sambit ni Lake ng marinig ang pagtugtog ni Cross ng makabalik siya sa opisina niya. "First verse palang nakukuha ko." Sagot ni Cross matapos ibaba ang hawak nitong flute. "Kuya Lake surename mo Acosta diba?" Tanong ni Cross matapos ibagsak ni Lake ang katawan niya sa sofa na katabi ng batang lalaki. "Hindi ba halata?" Natatawang sambit ni Lake. "Sinabi mo din na kapatid mo si Daddy Cadmus its means uncle kita?" Tanong ni Cross ba kinawala ng expression ng binata ng ilang minuto. Hindi yun napansin ng batang lalaki kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Narinig ko kasi sina mommy at daddy nag aaway sila kahapon kasi gusto ni daddy na dalhin ako sa palasyo at ipakilala daw sa lolo ko." Kwento ni Cross bago lingunin si Lake na nakatingin sa kawalan at may kung anong iniisip. "Kiddo gusto ko magpromise ka sakin." Seryosong sambit ni Lake bago salubungin ng tingin ang batang lalaki. "Kahit na anong mangyari wag na wag kang aalis sa tabi ng mommy mo." Bilin ni Lake na kinakunot ng noo ng batang lalaki. "I'm freaking 6 years old pa din kuya Lake at gustuhin ko man umalis sa tabi ni mommy hindi ko kay---." Napatigil ang batang lalaki ng pitikin siya sa noo ng binata. "I'm serious here kiddo." Putol ni Lake na kinaismid ng batang lalaki bago umisod palayo sa binata habang hinihimas himas ang noo. "Stop talking nonsense kuya Lake, dahil wala akong balak iwan ang mommy ko. Hindi ko gagawin yun dahil inutos mo o dahil sa sinabi ng ibang tao, she's my mommy by the way." Banat ng batang lalaki na kinataas ng gilid ng labi ng binata. "Sir.Lake" napatingin ang dalawa sa pinto ng opisina ng may kumatok at nag bukas ng pinto. "Sir.Lake gusto daw kayo makausap ng ilang staffs galing sa productions." Ani ng excutive assistant ng binata. "Hindi pa ba sila tapos karereklamo?" May inis na sambit ng binata bago tumayo at tingnan ang batang lalaki. "Gusto mo sumama?" Tanong ni Lake na kinatango ng batang lalaki bago tumayo at walang imik na sinundan ang binata palabas kasunod ang ilan pang staffs. --- "What do you mean? May naaksidente nanaman?" Nakakunot ang noong ulit ni Lake. "Last week inutusan ko na ang maintenance department na icheck ang elevator na yun diba? Pati na din yung stockroom." Ani ni Lake na kinatinginan ng ilang staff na lalaki. "President nasira ulit." Sagot ng isa sa mga staff. "Pablo pakitawag ang ilan sa mga nasa maintenance staff ako na mismo ang pupunta." May inis na sambit ng lalaki bago talikuran ang mga staffs na agad din namang sumunod sakanya. "Cross sa office kana lang masyadong delikado sa pupunta---." "I want to check it that place too kuya Lake, i heard na dun din mag wowork si mommy bukas." Putol ni Cross na kinatahimik ni Lake. "No gagawa ako ng paraan hindi pwede mapunta dun ang mommy mo." Ani ni Lake matapos ang ilang minuto. "Magagalit si mommy, im sure." Sagot ni Cross na kinailing na lang ng binata habang naglalakad sila pababa ng isang escalator. --- "Panong may nabagsakan ng estante dito?" Nakakunot ang noong tanong ni Lake habang nakatayo sa pinaka pintuan ng stockroom. "President katulad ng inutos niyo, inayos namin yung pinakisame ng stockroom nung isang araw. Hinanay namin ng ayos yung mga gamit katulad ng nakikita niyo nasa ayos na ang laha---." "Hindi yun kusang bumagsak." Sabat ni Cross na nakatayo sa pinakagitna ng mga shelves at nakatingala. "Cross lumayo ka diyan." Ani ni Lake na hindi alam ang gagawin kung papasok ba siya o hindi. "Bata bawal ka dito." Ani ng lalaking na ngangalang Pablo matapos buhatin si Cross at dalhin palapit sa binata na nag aalalang nakatingin kay Cross. "Ikaw na bata ka kita mo ng may harang pumasok ka---." "Sabi niyo may nabagsakan dun bakit hindi ako nabagsakan kung same din kami ng tinayuan?" Putol ni Cross kay Lake at nakatingin sa ilang staffs na nagrereklamo kay Lake. "Bata usapan ito ng matatanda bakit ka nakikisabat?" Nakakunot ang noong tanong ng isa sa mga lalaking nagrereklamo. "Ini organize na ng maintenance staffs ang mga estante na nasa taas. Nakakapagtaka talagang dikit dikit ang mga yun isa lang ang bumagsak.=_=" pokerface na sambit ng binata. --- "Cross saan ka pupunta pagabi na." Naiinis na sambit ng dalaga ng makitang papalabas ang anak. "I'm going home before 6pm mommy." Sagot ni Cross. "Cross!" Tawag ng dalaga pero sinarado na ng bata ang pinto at tumakbo palabas. "Gosh wala pa din sinusunod di Cross." Natatawang sambit ni Ella habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang batang lalaki. "Buti girl hindi ka nakakalbo sa batang yun." Biro ni Ashley na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Matigas lang ang ulo ni Cross pero bukod naman dun wala na akong pinoproblema sakanya." Depensa ng dalaga. "Ngayon na lang tayo nagkasama sama, sayang walang si Aila." Nakasimangot na sambit ni Cherry. "May hinaharap na problema si Aila siguro skype na lang natin siya minsan." Ani ni Ashley bago tingnan si Astrid na bahagyang natahimik. "Ikaw Astrid wala ka bang balak sabihin kay Cross ang totoo?" Tanong ni Ella dahilan para sikuhin siya ng mahina ni Shane sa tagiliran. "Wag ka ngang ano Shane tinatanong ko lang girl kasi nabalitaan ko ang ginawa ni Arkhon ng malaman niya." Ani ni Ella matapos niyang tingnan si Shane na agad siyang pinanlakihan ng mata. "Hindi naman kasi ganun kadali Ella lalo na malaki ang possibility na kunin ng mga Acosta ang anak ko sakin." Bulong ni Astrid. "Girl yung anak mo Acostang- Acosta ang datingan sa tingin mo walang maghihinala sa miyembro ng mga Acosta kung alam ng lahat ang relationship niyo ni Fafa Cadmus?" Hirit ni Cherry. "Malaki ang responsibility na haharapin ni Cross in future kaya dapat diba iready mo na siya bilang mommy niya?" Kalmadong dagdag ni Ashley. "Girls intindihin niyo na lang si Astrid." Depensa ni Shane kay Astrid na ngayon ay nakayuko na. Hindi umimik si Astrid ng ilang minuto hanggang sa bumuga ito ng hangin. "Aware naman ako dun girls, may dugong Acosta si Cross pero hindi ganun kadali mag adjust specially ... hindi galing sa kilalang pamilya ang mommy ni Cross which is me." Bulong ng dalaga. "Since ng magsimula ako mag aral sa C-lite ang dami ko ng naranasang pangbubully, yung pagmamaliit at pag tingin nila sakin dahil galing ako sa low class ... ayokong maranasan yun ni Cross." Dagdag ng babae bago tingnan ang mga kaibigan. "Masyado pa ding bata si Cross kahit gaano siya katalino, ka matured mag isip ... mas malaki pa din ang possibility na kainin siya ng sarili niyang mundo in future." "Itatago mo na lang ba kay Cross lahat?" Tanong ni Ashley na kinatahimik ng dalaga ng ilang segundo. "Hinihintay ko lang yung tamang pagkakataon para sabihin ang totoo." Sagot ni Astrid na kinatinginan ng mga babae. "Yung about naman sainyo ni Cadmus? Wala pa ba kayong balak magpakasal?" Pag iiba ni Shane ng makitang napepressure na ang dalaga. Pero mukhang yung topic na naisip niya mas nagpabigat ng atmosphere dahil sa pagdaan ng lungkot sa mukha ng dalaga. "Gusto ko muna maging stable ang lagay ni Cross bago ako magpakasal." Bulong ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD