bc

The Revenge Of A Billionaire (DYLAN ANDERSON)

book_age16+
368
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
contract marriage
HE
friends to lovers
powerful
sweet
bxg
campus
office/work place
musclebear
like
intro-logo
Blurb

"Don't forget that you're my wife now, Nadine. And I take responsibility as your husband."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Balesin Island NAPAPIKIT ng mariin si Dylan habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin. Malaking kaginhawaan ang hatid niyon sa kanya. Kaytagal na rin niyang nais na maramdaman ang ganoon dahil mula nang mamalagi na sa ibang bansa ang nakatatanda niyang kapatid na si Jaxon ay siya na ang humalili bilang CEO at Presidente ng AGC. Bagama’t malaking responsibilidad ang i-manage ang kanilang kompanya, maluwag niyang tinanggap ang tungkuling iyon bilang tulong na rin sa kanyang big brother. Nais niyang maging masaya ito kasama ang asawa at mga anak nitong matagal ring nawalay. Mabuti na lang at nanatiling nakaalalay sa kanya ang mga kaibigan nitong sina John at Zendrick gayundin ang mag-asawang Zeny at Lenard. Nilinga niya ang paligid. Halos wala pa ring ipinagbago ang kabuuan ng isla. Nadagdagan lamang ito ng ilang cottages malapit sa dagat. Kanina pa niya nais na magbabad sa malamig na tubig ngunit naalala niyang kailangan pa niyang tawagan ang kanyang magulang lalo na ang kanyang ina na tiyak na nag-aalala na sa kanya sa oras na iyon. Madalas siya nitong hanapin simula nang manirahan na sa ibang bansa ang kanyang Kuya Jaxon. Nawala sa isip niya ang makapagpaalam sa ina ng dahil sa matinding pagod sa trabaho. Mabuti na lang talaga at laging consistent si Xian na maaasahan niya. Ito ang piloting naghahatid sa kanya sa Balesin maging sa kanyang Kuya noon. “Mom,” sagot niya pagkatapos pindutin ang green button ng mobile phone. “Dylan, where are you?” Kanina ka pa namin hinihintay ng Dad mo!” halos pasigaw na sabi ng kanyang Mommy. “Nasa Balesin po ako, Mom.” “Nasaan ka? Sa Balesin? Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?” Tila hindi makapaniwala ito na siyang inasahan na niyang mangyayari. “I’m sorry, Mom. May kailangan lang akong gawin dito. Sorry, hindi ako nakapagpaalam sa inyo ni Dad.” “Ano pa nga ba ang magagawa namin, eh nandiyan ka na? Atleast panatag na ang loob ko dahil alam ko na kung nasaan ka. Sa susunod Dylan, magsabi ka muna ha? Dahil kung hindi isusumbong na talaga kita sa Kuya mo! Tingnan ko lang kung hindi ka sermunan ‘nun!” “Mom naman…” “Magbabakasyon ka ba riyan? Sana sinabi mo sa akin ng maaga para nakasama kami ng Dad mo. Miss ko na rin ang dagat diyan.” “Pwede naman kayo sumunod dito, Mom. Anytime.” “Titingnan ko. Kakausapin ko ang Dad mo. Magtatagal ka ba sa Balesin?” Narinig niyang kinausap nito ang Dad niya. “Hmmn, maybe a week, Mom.” “Alright, then. Alam ko naman na busy ka sa trabaho these past few weeks. Make sure to rest well, hmmn? Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Dad mo.” “Thanks, Mom.” “Okay, ingat ka riyan.” Nawala na ito sa linya. His Mom became so caring. Bunso man ang tingin sa kanya ng magulang, ramdam niyang proud ang mga ito sa mga achievements na nakamit niya. Lalo pa ngayon na siya na ang nagma-manage ng AGC. Malaki ang tiwala ng mga ito na kaya niyang gampanan ang tungkulin na dati ay si Jaxon ang may hawak. His big brother Jaxon was so vocal also about what he can do for their company. He was so proud of him. Hindi ito pumapalya sa pagtawag sa kanya overseas kaya naman lalo lamang niyang nami-miss ito. Dagdagan pa sa tuwing naririnig niya ang mga boses ng kanyang mga pamangkin. Siguradong magli-leave siya sa trabaho sa oras na magbakasyon ang mga ito sa Pilipinas. Susulitin niyang panggigilan ang mga pisngi nina Jace at Casey. Miss na miss na niya talaga ang mga ito. Napangiti na lang siya nang mapansin ang madilim na kapaligiran. Halos hindi niya namalayan ang oras. Gabi na pala kaya bahagya na siyang nakaramdam ng gutom. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kitchen area. Sunud-sunod siyang binati ng mga staff na naroon saka hinayaan na siyang kumuha ng nais niyang kainin sa hapunan. Sanay na ang mga ito sa kanya kaya hindi na nag-abala ang mga ito na i-assist siya. Iyon kasi ang bilin niya sa mga ito. He’s a total opposite of his brother. Matapos niyang makakuha ng makakain ay lumabas na siya. Napili niyang pumwesto sa lugar kung madalas silang kumakain noon ni Jaxon, Celine at ng iba pa nilang malapit na kaibigan. Nakasunod na pala ang isang staff na may dalang orange fresh juice na lagi niyang nire-request. “What a nice view,” bulong niya habang kumakain nang makita ang isang babae na naglalakad malapit sa dalampasigan. Humakab ang suot nitong roba sa kurba ng katawan nito. Mahaba ang tuwid na buhok nito na mayroong magandang pangangatawan. Pwede itong maging isang modelo kung pagbabasehan ang height nito. Napansin niyang wala itong kasama. Patuloy lamang ito sa paglakad hanggang sa tumigil sa isang malaking bato kung saan humahampas ang alon na mula sa dagat. “Marahil ay nais lang magpahangin,” aniya saka ibinaling ang atensiyon sa pagkain. Bigla siyang napatayo nang hindi na niya maaninag ang bulto ng babae. Hindi naman siya namamalikmata lang. Imposibleng bigla na lang itong nawala sa maikling sandali. Sinipat niya ang paligid. Kanina lang ay nasa malaking bato ito. Hindi kaya – Hindi siya nagdalawang isip na tumakbo palapit sa bahagi kung saan niya huling namataan ang babae. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ulo na lang nito ang nakalitaw sa madilim na tubig ng dagat. “s**t!” Walang anu-ano’y nilusong niya ang tubig saka lumangoy. Nais magpakamatay ng babae! At kung hindi siya magmamadali ay baka hindi na niya ito maabutang buhay. Muli siyang napamura saka binilisan pa ang paglangoy. Wala ng malay ang babae nang datnan niya ito. Mabuti na lang at hindi ito lumubog kung hindi ay mahihirapan siyang hanapin ito sa dilim. Kanina lang na naglalakad ito ay may liwanag pa siyang naaninag subalit kay bilis na kumalat ang dilim kaya kahit sino ay hindi agad ito mapapansin. Paano na lang kung hindi niya ito nakita? Marahil ay laman na ito ng balita kinabukasan at madadamay pa ang pangalan ng Balesin dahil sa plano nitong pagpapakamatay. Maingat niyang inihiga ito sa buhanginan. Kinapa niya ang pulso nito at nang masigurong normal ang pintig niyon ay agad niyang binuhat ito. Bago siya humakbang ay muli niyang sinulyapan ang mukha nito na bagama’t walang malay ay nangingibabaw pa rin ang kagandahang taglay. Dumako ang paningin niya sa dibdib nitong nawalan na ng takip dahil nakalaylay na ang suot nitong roba. Sunud-sunod siyang napalunok saka napamura.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook