Chapter 3

2532 Words
Kleo Today was an ordinary day. Just like an old days gumising ako ng maaga to prepare para ipasyal si Bria, ang bunso kong kapatid. It's Sunday, day off ko sa trabaho. Pasado ala-sais na ng umaga ng magmulat ang aking mga mata at nanatiling nakahiga. Agad kong kinuha ang aking cell phone para tingnan kung may text message si Bria. Nandito ako sa apartment ko ngayon at uuwi lang sa amin kung araw ng Linggo to spend quality time for the family. I checked my social media accounts and I received a new notification saying Dylan Smith sent you a friend request. Namilog ang aking mga mata sa aking nabasa. Grabi yung kilig! Agad kung binuksan ang messenger to check and I closed my eyes for just a second and slowly opened my eyelids when I noticed that I had a new message request.Call me assuming dahil nag-eexpect talaga ako na si sir Dylan to. Promise!Agad kong binuksan ang message at napawi ang aking mga ngiti ng mga sandaling iyon. Hi ate Kleo, gising ka na naki-chat lang ako sa kaibigan ko dahil sira ang phone ko. See you ate, I love you -Bria- Do not expect masasaktan ka lang ika nga. Nilagay ko sa na sa maliit na table katabi ng aking kama ang phone ko. Akma na sana akong tatayo ng muling tumunog ang cell phone ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad tungo sa banyo ngunit by forcing an intangible force bumalik ako sa kwarto expecting na nagmula sa message ni Dylan ang beep ng phone ko. Mabilis pa sa alas-kwatrong nahagip ko ang cell phone ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kilig ng mga sandaling mabasa ko ang expected message ko this morning. Nag freeze ang mga tuhod ko na halos hindi makahakbang sa tuwa. Kahit na medyo nakakahiya, nilakasan ko ang loob ko at marahang pinikit ang aking mata at pinindot ang call button. Alam niya namang kalog ako kaya hindi na mag-iisip ng kung anu-ano 'yun.Natural na sa akin pakikitungo sa mga lalaki ng ganoon. "Good morning, honey," malambing na tugon ko na may halong pagbibiro. "Hmm, morning." Hays ang cold niya pero..bwahahahaha! Sa dinami-dami ng lalaking nakausap ko via call, boses pa lang kinikilig na ako. Naibato ko sa ding-ding ang kulay yellow na emoji pillow sa tuwa. Muli akong humiga just to enjoy the moment with him. "Hi sir, papayag ka na ba?" malambing kong sabi. "Tss." "Hahahaha! Choosy ka din eh no, kaya wala ka sigurong girlfriend sir," pagbibiro ko kasabay ng malutong na tawa. "Uhmm, (clears throat) bakit ang aga mo gumising?" pag-iiba niya sa usapan. "May lakad tayo di ba?" pabirong banat ko. "Paano mo alam? I will invite you to go on a date pa lang sana eh, pwede ba?" nahihiya ang tono ng boses niya mula sa kabilang linya. "Oh bakit hindi ba?" I answered. "Ganyan naman kayong mga lalaki gagawa ng first move tapos sa huli mang-iiwan." "Tss. Kleo!" singhal niya dahilan para mapangisi naman ako.I find you very cute talaga sir Dylan kapag nagsusungit ka. "I'm serious Kleo," napakislot ako ng bahagya ng marinig kung nasa high pitch na ang boses niya. "Oh ano?" "Puwede ba kitang i-date ngayon?" "Hmm. May lakad kami ni bunso today, so maybe tomorrow?" nakangiting sagot ko. Seriously? Going on a romantic date? That was my first time it is happened. "So, saan tayo?" Dylan asked. "Where do you want ba?" "Wherever you want?" sagot niya. "Hmm, hindi ako mahilig lumabas kaya wala ako masyadong alam na romantic place dito." "Why me? Ikaw itong nagyaya eh," gulat na tanong ko. "Ikaw itong labas ng labas kaya marami kang place na alam" pagsusungit ni Dylan tila ba nagseselos na madalas akong lumalabas kasama ng iba.Kumunot ang noo ko. "Sa motel lang naman ang alam ko, dinala na kita doon kaso choosy ka." Napapikit ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig when I realized na manager ko pala ang kausap ko. Hindi ko lubos maintindihan kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na magbiro sa kanya. "Kleo, stop that!" sambit niya. Natigilan ako sa tinuran niya, I cannot express what I feel kung bakit sumusunod ako sa utos niya na wala namang kinalaman sa trabaho. Hindi ako ganito sa pagkakaalam ko. Madalas akong tumatanggap ng invitation ng boys ng may kapalit. One night stand kapalit ng pera, 'yan ang kilalang Kleo sa mundong ginagalawan ko. I don't really understand kung bakit ganoon na lang ang concern ni Dylan sa buhay ko. He always defended me from bullies. Ginugulo niya ang puso't isip ko, bakit pumapayag akong makipag-date sa lalaking ito na hindi ko alam ang papel sa messy life ko. "Hmm, sige na. Magkita na lang tayo bukas," paalam ko kahit ayaw kong ibaba ang linya. "Puwede ba kitang sunduin?" tanong niya. "Send me the address." "No!" mariin na sagot ko. Gusto ko pero hindi puwede. Malabong mangyari! "Tss. Why? May magagalit ba?" "Bye." sabi ko. Ibinaba ko agad ang linya Pasado ala-siyete na ng gabi ng makauwi kami ng bahay ni Bria. Pinasyal ko siya sa park pakatapos ng misa. Tiyak naman na na nag-enjoy siya. The phone suddenly rang. I was at the kitchen table,eating peanut butter and slowly putting on a rice cake , so that it would be time for supper before I'd even started to go to my apartment. My mama's hands were wet, rinsing the broccoli kaya sinagot ko ang telepono. "Hello?" "Hi, it's me Dylan. Did you miss me?" nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Ikaw ang tumawag tapos ako ang tinanong kung miss kita.Kung alam mo lang kung gaano ako k-excited makita ka! "Sino nasa telepono anak, si Tyler ba yan?" tanong ni mama.Bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kaba sa tanong ni mama ngunit hindi ako nagpahalata. I turned my back."Work mate ko po mama" sagot ko. "Hi sir," I said. "Uh, nandito pa ako sa bahay hindi pa ako umuuwi sa dorm. Why?" "Wow! parang ang behave mo ngayon ah, nakakapanibago." "Shhh.. ngayon na nga lang kokontra ka pa" ngiting sabi ko. " Like a sweet baby girl ka pala ha, hmm pag nasa bahay niyo lang!' malutong na tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Sweet naman talaga ako, ikaw lang nagsasabing amasona ako" pagbibiro ko. Walang mapaglagyan ang aking saya kapag kausap siya. "Isn't it about time to start packing your things para makauwi ka ng mas maaga sa dorm mo instead of talking na hindi naman totoo?" he exclaimed. " Doon lang tayo sa true, di ba amasona ako sa tingin mo?" " Tss. No!"Nagmamaldito na naman ang loko-lokong to.Hahaha!"Sige na, I have to go" I said. "See you tomorrow." I hung up. Nagising ako ng maaga kinabukasan ng tumunog ang aking alarm clock.Pinatay ko ang alarm na iyon bago tuluyang bumangon saka uminom ng tubig. Humikab pa ako saka naghanda upang pumasok sa trabaho.Kung dati rati ay wala akong huwisyo pumasok sa trabaho ngunit ang pakiramdam ko ay tila ba excited sa bawat pangyayari sa loob ng opisina. Naalala ko na naman ang mga pangyayari sa amin ni sir Dylan. Pakiramdam ko ay lagi siyang nakatitig sa akin habang nararamdaman ko ang pagtindig ng balahibo sa aking braso. Mag aalas-otso na ng umaga ng makarating ako sa opisina. Sout ang v-neck top na sumisiwang ang aking cleavage sa bahagyang dibdib na tinernohan ko ng isang black coat with matching 1.5 inches na black shoes. Mabilis akong naglalakad sa hallway patungo sa pinapasukan kong trabaho ng may pamilyar na mukha akong nasilayan. Sakay ng black lamborghini car, bumaba ang isang gwapong lalaki wearing american sout with necktie na tinernohan ng black shoes na bumagay sa kayumanggi niyang balat. A total package of tall, dark and handsome. Nagpatuloy ako sa paglalakad tungo sa aking cubicle na hindi man lang nililingon si sir Dylan. Lumipas pa ang mga oras, hindi ko manlang halos naramdaman ang presensiya ni Dylan. Hindi naman siya ganito sa akin noon pa man, ngunit bakit hinahanap ko ang kakulitan niya at kapilyuhan niya sa tuwing kausap ko siya sa telepono. Kahapon lang niyaya niya ako to go on a date pero parang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang seryoso niyang mukha sabay ng pagkunot ng noo niya. Dahil sa ipinakita, ipinagsawalan bahala ko iyon. Wala naman kaming label para magtanong at lalong wala akong karapatang magalit sa kanya. Siguro nag-expect lang ako sa ipinapakita niya towards me. Hindi ko siya masyadong kinikibo , inaabala ko ang sarili ko sa pag-eencode at pagbrowse online during breaktime pero sinisiguro kong nakikita ko rin ang mga kilos at galaw niya.Stop it Kleo! you are just assuming.' Mukhang bumalik na naman na naman 'yung dating Dylan na hindi palakibo, nuknukan ng tahimik, hindi lumilingon at always keeping himself busy sa trabaho. Gabi na kami ng makalabas sa opisina ng wala pa ring bumabasag sa katahimikan. Maski mga katrabaho namin ay walang umalma sa tahimik niyang mundo. Unti-unti ng nagsiuwian ang mga katrabaho ko habang patuloy naman kaming naglalakad ni Dylan patungo sa parking area. Marahil sasakay siya ng kanyang sasakyan habang ako naman ay magaabang nang jeep. As usual, binilisan ko ng lakad upang mauna at hindi kami magkasabay. "Hoy" Napasigaw ako nang bigla niya akong sigawan mula sa aking likuran malapit sa aking tainga. "Ang bastos!"singhal ko.Matalim siyang napatingin sa akin. "Tabi." "Ha?" "Basta tabi, dadaan ako" sabi niya sa seryosong mukha.Namilog naman ang aking mga mata saka inirapan at itinuro ang daan na nuknukan ng luwag."Ayan ang daan oh, kahit doble mo kasya pa!" 'At nakuha niya pa talagang tumayo sa aking harapan' I rolled my eyes again saka itinabi ang sarili ko to give way para makadaan siya.Tahimik siyang nagpatuloy sa paglalakad at agad din nagmaneho. Pinaharurot niya ang kanyang lambhorgini car dahilan upang liparan ako ng alikabok sa likuran mula sa rough road ng parking lot. Laking gulat ko ng bigla siyang bumalik at huminto sa aking kinatatayuan. "Sakay!" sigaw niya. "Isasakay mo ako, seryoso?" "Bilisan mo na baka malate tayo" Agad naman akong sumakay. Sino ba naman ako na tumanggi pa? Bukod sa first time kong sasakay sa magarang sasakyan ay libre pa ang pamasahe. Mula sa pwesto ko ay nalalanghap ko ang air freshener na sadyang nakaka relax ng mga sandaling iyon. Bago niya iistart ang makina ng sasakyan, ibinaling niya sa akin ang kanyang mukha dahilan upang maamoy ko ang mabango at mainit niya hininga. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mukha niya na papalapit sa akin saka itinukod ang kanang kamay sa pagitan ng aking hita. Dahil sanay ako aa ganoong set up ng mga lalaki, marahan akong pumikit muli at ininguso ang aking sexy lips. "What are you doing?" nagtatakang tanong niya. Namilog naman ang mata sa gulat at kahihiyan dahil akala ko hahagkan niya ako. "I-I thought you would,.." ugtol ugtol na wika ko. Napangisi siya ng bahagya at agad rin namang inayos ang seat belt saka itinuon ang kanyan pansin sa pagmamaneho.Pigil hininga ako ng paharurutin niya ang sasakyan at baybayin ang sea side view. Parang bituka ang daan na 'yun pero ang tuloy pa rin ang bilis niya sa pagmamaneho. Akma ko siyang kukurutin sa tagiliran ngunit sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ang masama kong binabalak ay napalitan ng kilig kaya I just feel the moment na kasama siya kahit halos mamatay na ako sa nerbiyos. Iba ang pakiramdam ko sa tuwing si Dylan ang kasama ko na anumang oras ay safe na safe ako. Binuksan ko ng bahagya ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin. Ilang oras rin ang biyahe kung kaya't hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Lamig ng simoy ng hangin ang nanunuot sa aking balat dahilan upang imulat ko ng dahan-dahan ang aking mata. Tumambad sa akin ang isang magarang Korean Grill Restaurant na napapalibutan ng bermuda grass. Sa harap nito ay ang beach, matatanaw ang papalubog na araw. Tinitigan ko ang magandang tanawin na iyon, nakakarelax. Sana laging ganito, sana si Dylan ang kasama ko sa lahat ng oras.Napakislot ako ng kilitiin niya ang bewanng ko. "Let's go?" ani niya.Napansin kong medyo formal ang sout with this coat kaya tinanggal ko. I hang it on the car chair saka sumunod sa kanya. Marami-rami rin couples ang makikita sa bawat table at isang grupo ng kalalakihan na umiinom ng soju. Itinali ko ang mahaba kong buhok upang lumitaw ang collar bone ko. I'm wearing spagghetti top at bahagyang lumuwa ang cleavage ko kaya hindi mukhang haggard kahit kakagaling lang sa work. Dumeretso kami sa bandang dulo ng restaurant. Nang mapansin kong nagbubulungan ang mga tao habang nakatingin sa akin. Marahil ay kilala o pamilyar ako sa kanila. Alam kong naririnig ni Dylan ang mga bulungan pero maski isa sa kanila ay wala siyang nilingon, habang ako naman ay panay ang kembot sa paglalakad tila nangaakit. Hindi ko ikakapangit kong pagtsismisan niyo ako.You better shut up! Inggit lang kayo, Gosh! "Oohh, di ba siya 'yung Kleo?" hindi talaga nakatiis ang mga tsismoso kaya naman nangibabaw ang tinig ng isa sa kanila. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin ngunit napalingon si Dylan. "Ang balita ko ay bayaran ang babaeng, yuck!" Masakit sa akin iyon, pero hindi nila alam kung bakit nagawa ko ang mga bagay na 'yon. "Oo. At mukhang isang mayaman na naman ang biktima niya ngayong gabi" saad pa ng isa. Nagulat ako ng huminto sa paglalakad si Dylan saka lumingon sa kung saan nakapwesto ang mga tsismosong walang alam kundi kumuda. Lalo pang namilog ang aking mata at namula ang aking mga pisnge ng hubarin niya ang kanyang coat at ipinasout sakin. Hindi naman na ako tumanggi sa ginawa niya, para na rin sa ikakatahimik ng mga tao doon. "Wear it babe, I love you," bulong niya sa kaliwang tainga ko, that's why I had goosebumps. "Babe? Legit ba narinig ko?" Akma na akong aalma pero hinayaan ko na lang, baka namali lang ako nang dinig. I just go with the flow na lang, wala namang mawawala. Pakiramdam ko ay lalangamin kami sa kasweetan. Habang naglalakad ay nakaakbay siya sa akin at mas piniling umupo sa dulo ng restaurant. "Ang ganda ganda naman dito, salamat ha?" pagbabasag ko sa katahimikan. Laking tuwa ko na hindi alam ang nararamdaman. Mabilis ang t***k ng aking puso ng ngumit siya. Iyon ang unang ngiti niya sa araw na iyon. "I'm sorry," maikling sabi niya saka bumuntong hininga. "Sorry for what?" "Sa pagiging suplado ko kanina" he explained. "Hm, sanay na ako lagi ka namang ganyan eh" pagbibiro ko kasabay ng malutong na tawa. Tumingin siya sa akin ng masama sandali saka ngumiti at tumawa na rin."Nakakainis kasi boss Tyler, hindi tayo pinayagan mag out ng maaga" kunot noo'ng wika niya. "Yun lang? Mukhang biyernes santo na agad mukha mo!" pagbibiro ko. "Mahaba-haba sana ang oras na kasama kita" pambobola niya na kinilig naman ako.Ilang oras pa ang lumilipas at nagkakapalagayan na kami ng loob. Nagtatawanan, naghaharatun na tila ba matagal na kaming magkakilala. Mabait si Dylan, sweet at mapagbiro ibang-iba ang ugali ng isang Dylan Jacob Ford sa opisina na tahimik, emotionless at lalo't higit sa lahat masungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD