CHAPTER 50

1731 Words

PASADO alas-nuebe na nang makauwi sila sa condo niya. Bagama’t wala na naman siyang nakitang media sa labas, sa likod sila.n nag-park ng sasakyan si Matt at doon pa rin sila sa back door ng building dumaan. “Sige na. Uwi ka na at baka ma-traffic ka pa,” taboy niya kay Matt nang nasa tapat na sila ng condo unit niya. “Are you sure, you want me to leave?” medyo nakakunot-noong tanong nito. Matipid siyang ngumiti at umiwas ng tingin dito bago siya tumango at tumalikod para buksan ang pintuan. “Magpapahinga na rin ako,” katwiran niya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung papaano siya makakatulog mamaya sa pag-iisip kung makakaya ba niyang magpatuloy na maging palaging panakip-butas na lang. Na habang lumilipas ang panahon ay bumababa ang self-confidence niya at natatakot siya na dumati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD