18. WHO ARE YOU?

715 Words

“It’s not what you think. I will marry Laize, Texo’s sister so I can finally have a share at Texo. There’s no need for ate to meet her. Laize’s just like… a business partner.” Napanganga si Mayet. Hindi niya alam kung mabibilib dito o madi-disappoint. Biglang-bigla, tila nawalang tuluyan ang Devon na nakilala niya. Sa paningin niya ay isa na lamang itong matinik at mautak na negosyanteng walang pakialam kahit isangkalan ang sarili para makamit ang pangarap nito… Parang nakikita niya ang sarili dito labing tatlong taon ng nakararaan. Punong-puno siya ng pangarap at nagaalala siya. Batid niyang ang ganoon kaugalian ay walang patutunguhan. Nanggaling na siya doon: sobrang tayog ng pangarap niya kaya ubod sakit ng naging pagbagsak niya ng hindi iyon natupad. “H-Hindi mo siya mahal?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD