Chapter 1

2310 Words
Adi's POV Mahirap maging batang ina. 16 years old pa lamang ay maaga na akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina. Tanging puso lang ang pinairal ko noon at hindi na naisip ang pamilya kong umaasa sa akin makapagtapos lang ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo at makakuha sana ng magandang trabaho. Bugso ng damdamin. Masyado akong nagpadala rito at hindi na inalala ang mga negatibong komento tungkol sa ex-boyfriend ko noon na ama ng anak kong si Blair na si Leigh Davidson. Si Leigh ay high school classmate ko noon. May lahi itong half German at German ang Dad nito kaya mestiso ito, may kulay abuhing mga mata, matangkad at sige na nga, gwapo siya! Kumbaga sa balikbayan box ay all in one package na. Iyon nga lang ay ubod ito ng pagkababaero. Tanging magagandang babae lang ang nagiging girlfriends nito sa school namin at hindi naman niya siguro ako papatulan kung hindi ako maganda, hindi ba? Ako kaya ang Muse representative ng buong school noon at pambato sa mga pageant. Si Leigh ang nakauna ng lahat sa akin. Alam kong playboy at maloko na siya noon pa pero hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi ako humanga at magkagusto sa kanya. Noong niligawan niya ako ay sinagot ko siya kaagad. Nagtagal ng dalawang buwan ang relasyon namin hanggang sa may nangyari sa amin sa loob ng kwarto niya. Sobrang minahal ko siya na dumating sa puntong pati ang virginity ko ay ibinigay ko sa kanya dahil nagtiwala at umasa pa rin ako na mahal niya ako. Umasa akong magbabago siya para sa akin, na ako lang ang tanging babaeng magpapatino sa kanya dahil ako ang pinakamatagal niyang naging girlfriend pero nagkamali pala ako. "Leigh, buntis ako..." umiiyak kong sabi kay Leigh habang nakaluhod ako sa harapan niya at nagmamakaawang huwag niya akong iiwan. Sinabi niyang aalis na sila ng pamilya niya papuntang Germany para doon manirahan at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. May kaya ang pamilya nila pero nag-aaral siya sa public school namin dahil malapit lang dito ang subdivision na tinitirhan nila. Hindi niya ako pwedeng iwanan ngayon dahil buntis ako at siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Tumawa si Leigh sa sinabi ko at nginisian ako. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Panagutan 'yan? Abort it; I don't need a child." Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi man lang ba niya ako minahal sa loob ng dalawang buwan kaya baliwala lang ako sa kanya at sa magiging anak namin? "H-Hindi ko kayang gawin 'yon, Leigh. Anak natin 'tong nasa sinapupunan ko-" "Shut up! Kung gusto mo edi buhayin mo 'yang bata pero hinding-hindi ko 'yan pananagutan! We're leaving at hindi na kami babalik dito sa Pilipinas!" sigaw ni Leigh at akmang papasok na sa loob ng bahay nila nang hinawakan ko ang kaliwang braso niya at tiningnan siya nang may pagmamakaawa. "Leigh, m-minahal mo ba talaga ako?" tanong ko at hindi na napigilang mapahikbi. "No, Adi, I don't love you; you're just one of my trophy girlfriends. Kung hindi ka lang maganda at sexy ay hindi naman kita papatulan. Sa tingin mo ay seryoso ako sa'yo? Nagtagal lang tayo ng two months para inggitin ang mga katropa ko na nagnanasa at nagagandahan sa'yo. Please don't be so desperate, okay? Buhayin mo 'yang ipinagbubuntis mo if that's what you want, but don't expect me to take responsibility for your s**t!" Padarag na binitawan ni Leigh ang braso niyang hawak ko at nagsimulang humakbang paalis na muntik kong ikinatumba sa sahig. Simula noong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa loob ng kwarto ko. Sobrang nag-aalala na ang mga kapatid kong sina Kuya Hideyo at Haru, Mama Encar at Lola Andeng sa sobra kong pag-iyak araw-araw at pag-iisip ng hindi maganda dahil baka makasama raw iyon sa ipinagbubuntis ko. Isang buwan rin ako naging ganoon hanggang sa matauhan ako. Kung ayaw na sa akin ng isang tao ay huwag ko ng idepende at iasa ang sarili ko dito. Dapat ay tumayo na ako sa sarili kong mga paa alang-alang sa magiging anak ko na siyang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kasama ko pa ang pamilya ko na nagmamahal sa akin. Ang Lolo Ponce kong namayapa na at ang Papa ko namang sumakabilang-bahay na at may iba nang pamilya na hindi ko na pala dapat i-mention dahil galit ako sa kanya. Nahinto ako sa pag-aaral para matutukan ko ang pagbubuntis ko. Tumayong mga ama ang kapatid kong mga lalake na sina Kuya Hideyo at Haru sa ipinagbubuntis ko. Si Kuya Hideyo ay nagtatrabaho bilang isang chef sa karinderya samantalang si Haru ay Grade 7 student na noong mga panahong iyon. 2nd year college lang ang natapos ni Kuya Hideyo sa kurso nitong Electrical Engineering at hindi na nakatapos ng pag-aaral dahil maaga itong nagtrabaho para sa pamilya namin. Wala na kaming aasahan kay Papa kaya siya na ang may pasan ng responsibilidad nito. Naging pabigat ako kay Kuya Hideyo dahil nabuntis pa ako at kakailanganin ng malaking halaga para sa mga gamit at gatas ng magiging baby ko idagdag pa ang gastos para sa panganganak ko. Hindi iniintindi ni Kuya Hideyo ang gastusin sa akin. Nag-oovertime pa siya sa karinderyang pinagtatrabauhan niya at suma-sideline ito bilang tricycle driver para lang kumita nang mas malaki. Maraming tao ang kasundo ng kuya ko idagdag pang gwapo ito at malakas ang tindig kaya hindi na mahirap sa kanya ang makahanap ng trabaho dahil sa karismang taglay niya kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Sina Mama at Lola naman ay nagtitinda ng mga kakanin sa harap ng elementary school kung saan ay doon kami grumaduate nang tatlo kong mga kapatid. Pandagdag ipon rin daw ang kikitain nila doon para sa amin ng magiging baby ko sa oras na manganak ako. Nang manganak ako at isinilang ang malusog at healthy kong baby na si Blair ay napawi ang lahat ng sakit at pighati sa dibdib ko. Si Blair ang tanging yaman na iingatan ko, mamahalin at pangangalagaan ng panghabangbuhay. Hindi ko na inisip at inintindi si Leigh. Bahala siyang magpalaki ng b*yag sa Germany kung gusto niya! "Ate, may nakita ka bang guitar necklace dito? Hiniram ko lang 'yon kay Noah, eh?" tanong ni Haru habang hinahanap sa maliit naming sala ang guitar necklace na tinutukoy niya. "Nilagay ko dyan sa stroller ni Blair. Pinaglalaruan niya kanina. Mabuti na lang at nakita ko. Ewan ko ba sa'yo, Haru at napakaburara mo talaga pagdating sa mga gamit!" umiiling kong sabi habang tinuturuang magkulay sa coloring book si Blair. Napakamot sa batok si Haru at dinampot sa stroller ni Blair ang guitar necklace ni Noah. Si Noah ay bestfriend ni Haru na kapitbahay lang namin. Grade 12 Senior high school student na ang bunso kong kapatid. 18 years old na ito at magkokolehiyo sa susunod na taon. Katulad ni Kuya Hideyo noong elementary at high school pa lang ay palaging nominated as Escort sa buong school si Haru. Varsity player din ito sa basketball at dahil doon ay maraming babae ang nagkakagusto rito dahil bukod sa gwapo ay athletic pa sa sports. "Kain na tayo mga anak!" rinig kong sigaw ni Lola Andeng sa may bandang kusina. Nandoon rin si Mama na tinulungan si Lola sa pagluluto ng dinner. Niligpit ko na ang coloring book at mga krayola ni Blair at hinila ito papunta sa kusina kasunod si Haru. "Kain na tayo yey!" masayang sigaw ni Blair na nagpangiti sa akin. Nagluto ng Chicken Curry at Pinakbet sina Mama at Lola na paborito naming ulam. Wala pa si Kuya Hideyo at baka mamaya pa ito makauwi dahil mukhang nag-overtime na naman sa trabaho niya. "Nanliligaw ba sa'yo si Nikolai, anak?" biglang tanong ni Mama na muntik kong ikinasamid. "Ha? Hindi po, Ma. Kaibigan ko lang po si Nikolai katulad nina Eiselle at Cristina." sabi ko at muling sinubuan ng pagkain si Blair. "Ang sabi sa akin ng dalawang kapatid niyang babae ay may gusto raw sa'yo si Nikolai, apo. Wala akong tutol kung maging boypren mo man siya. Napakabait na bata no'n at minsan ay pinapakyaw pa ang mga paninda namin ng Mama mo sa iskul n'yo!" sabi ni Lola nang nakangiti. "Nagpapalakas lang 'yon sa inyo para mapormahan niya si ate." pagsabat ni Haru kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bineletan niya lang ako habang natatawa kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Nako Mama and Lola, friends lang talaga kami ni Nikolai, okay? Saka wala akong gusto do'n, no! Ang lakas kaya mang-asar no'n palagi sa'kin." sabi ko ng nakasimangot. Walang araw na hindi ako aasarin o pagti-tripan ni Nikolai. Wala talaga sa maamo at mukhang suplado niyang mukha ang pagiging madaldal, maingay at mahilig mang alaska sa amin nina Eiselle at Cristina. Ewan ko rin kung bakit ang hilig niyang sumama sa mga lakad namin ng mga kapatid niya imbes na makihalubilo na lang siya sa mga lalakeng katrabaho niya sa call center. Baka kasama sa federasyon si Nikolai kaya mas gusto niya ang girly time namin ng mga kapatid niya pero imposible iyon dahil lalakeng-lalake naman siya kung manamit at kumilos; idagdag pang every Saturday at Sunday ay hindi no'n makakalimutang mag-gym. "Natutuwa lang talaga ako sa batang iyon, Adi. Magalang iyon at palaging nakikipagkwentuhan sa amin sa tuwing nakikita niya kami." nakangiting sabi ni Mama kaya umiling na lang ako. Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Nikolai. Tama naman sila, kahit makulit, maingay at pala-asar si Nikolai ay isa ito sa pinakamabait at mabuti kong kaibigan. Kababata ko ito kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Eiselle at Cristina. Natutuwa rin ako na pagdating sa panlilibre sa akin ay hindi siya kuripot kaya mas bet ko talagang palaging magpalibre sa kanya dahil hindi niya ako matanggihan. Pagkatapos naming kumain ay si Haru na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Si Lola ay nagdilig ng mga halaman sa bakuran ng bahay namin habang si Mama naman ang umasikaso muna kay Blair para paliguan at turuan na itong magbasa sa edad na 4 years-old pa lang. Nagtext si Nikolai at sinabi niyang nasa labas siya ng bahay namin at may dalang tatlong boxes ng pizza. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang nakatayo sa may gate bitbit ang boxes ng pizza kaya binuksan ko ang gate at pinapasok siya sa loob ng bahay. "Ang init sa labas kahit gabi na, grabe!" nakangiwing sabi ni Nikolai habang tinatanggal ang suot na itim na sumbrero at jacket. Naka plain black t-shirt na lang ito. "Anong meron at naka all black ka? Member ka na ba ng kulto niyan?" natatawa kong sabi kaya inirapan niya ako. "Dinalhan na nga kita ng paborito mong Hawaiian pizza tapos inaasar mo pa ako, no? Napakabuti mo namang kaibigan!" sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko. "Eto naman hindi mabiro, oh! So, bakit ka nga nandito at may dala kang favorite kong pizza?" seryoso ko nang tanong habang nakangiti. "A-ano, wala lang. Wala naman kasi akong magawa sa bahay dahil off ko tapos gumala pa sina Cristina at Eiselle kaya naburyo akong lalo sa bahay at pumunta na lang dito. Kahit nakakasawa 'yang pagmumukha mo dahil araw-araw ko na lang nakikita ay pagtityagaan ko na lang hindi lang mabored." sabi niya at nagsimula na namang asarin ako. "Nakakasawa ang pagmumukha ko sa sobrang ganda ba?" nakakaloko kong tanong. "Ang kapal mo ateng, ha!" sagot ni Nikolai at nagsalita pa ng tunog pangbeki na nagpatawa sa akin. "Hoy! Hindi bagay sa'yo ang magsalita ng gamyan dahil ang lalim ng boses mo!" tumatawa kong sabi at inumpisahang buksan ang isang box ng pizza na nakapatong sa lamesang gawa sa kahoy. Pinaabot ko kay Haru ang dalawang boxes ng natirang pizza at sinabing ibigay ito kina Mama at Blair na nasa loob ng kwarto. Sinabi ko ring tirhan nila ng pizza si Lola na nagdidilig pa rin ng mga halaman sa bakuran. "Okay ba 'yong workplace mo kung saan kita ni-refer?" tanong ni Nikolai habang kumakain na ng binili niyang pizza. "Okay naman. Kering-keri lang ang pagiging cashier ko sa Supermarket na iyon." nakangiti kong sabi. "Pasalamat ka talaga at may gwapo at macho kang kaibigan na handang tumulong sa'yo," nakangisi niyang sabi at ipinakita pa sa akin ang braso niyang may muscles kahit papaano. "Yeah, whatever!" inirapan ko siya ng pabiro na ikinatawa niya. Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpaalam na si Nikolai na uuwi na at matutulog ng maaga dahil 2:00 am raw ang shift niya bukas bilang isang Technical Support sa pribadong call center company na pinagtatrabauhan niya. Hinatid ko siya sa labas ng bahay at nakasalubong pa nito si Lola sa bakuran na mukhang naglaba ng mga punda ng unan at kumot namin sa gilid ng bahay dahil may mga nakahanger na sa sampayan naming gawa sa alambre. Nagmano at nakipag-usap saglit si Nikolai kay Lola bago ito tuluyang umalis sa bahay. Sabay na kaming pumasok ni Lola sa loob ng bahay. Dumiretso na ito sa loob ng kwarto niya para magpahinga habang ako naman ay tumambay muna sa sala para manood ng tv. Hinayaan ko na muna sina Mama at Blair sa loob ng kwarto ko. Habang nanonood ako ng TV ay biglang tumunog ang messenger ko sa cellphone kong android na second hand phone ni Kuya Hideyo. Tiningnan ko kung sino ang nagmessage sa akin na nakalagay sa message requests inbox dahil hindi ko ito f*******: friend. Nang tuluyan kong nabasa ang pangalan ng sender at nabasa rin ang message nito ay biglang nanlamig ang mga kamay ko at kinabahan habang hawak ang cellphone ko. From: Leigh Johann Davidson Hello there, babe! How are you and our child doing? We'll see each other soon. Just wait for me. I miss you and I love you! :) Bakit pa siya nagparamdam kung kailan ay maayos at tahimik na ang buhay namin ng anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD