Chapter 3

2216 Words
Adi's POV "Harley Ruvin," madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya ang best friend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan. Nabaling ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila. "Ano ba 'yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!" naiinis niyang sabi nang lumapit ito. Mahina kong piningot ang tainga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko. "Hoy! Anong oras na? 8:00 p.m na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?" masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot ng batok. "Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay," sabi ni Haru at pinalapit nito si Noah na nagpeace sign lang at ngumiti ng napipilitan. "Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball game sa kabilang baranggay. Sayang naman ang 15k cash prize ng mananalo na sponsor ni Mayor kung hindi kami sasali sa paliga. Sige na, ate? Hayaan mo na munang magpractice kami nila Haru." sabi ni Noah at inakbayan si Haru kahit pawis na pawis na sila mula sa paglalaro ng basketball. Bumuntonghininga ako dahil wala na rin akong magagawa. "Okay, pero kapag hindi pa kayo umuwi ng 9:00 p.m sa mga bahay ninyo ay malalagot kayo sa'kin lalo na sa Mama at Papa mo, Noah." banta ko kay Noah na mukhang natakot doon. Kaclose ng pamilya namin ang mga magulang ni Noah kaya kapag may ginawang kalokohan itong anak nila ay paniguradong wala lang sa mga ito kung pagalitan o pagsabihan ko si Noah dahil talaga namang napakapasaway ng batang ito katulad ni Haru. "P-Promise po, Ate Adi! Uuwi kami kaagad sa bahay bago mag 9:00 p.m." sagot ni Noah at nagbow pa sa akin. Napailing ako. "Sabi n'yo 'yan, ah?" "Mama!" Bigla ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin ang anak kong si Blair at kasunod nito sina Eiselle at Cristina na parehong namula ang mga mukha nang makita sina Haru at Noah. "Baby ko!" masaya kong saad nang makalapit si Blair at kinarga ko ito. "Lalaro basket si Tito Haru?" curious na tanong ni Blair na ikinatango ko. "Yes, baby. Naglalaro ng basketball ang Tito Haru mo at ayaw pa niyang kumain sa bahay dahil busy sila sa paglalaro." sagot ko kay Blair at hinawi ang bangs nitong nakatabon sa mga mata niya. "Maglalaro muna ng basketball si Tito, baby. Mamaya na tayo maglalaro sa bahay." nakangiting sabi ni Haru kay Blair at pasimpleng sumulyap kay Eiselle na napayuko sa ginawa ni Haru. "Baby Blair, bukas ay papasalubungan kita ng marshmallow pag-uwi namin ng Tito Haru mo galing sa school. Maglalaro muna kami, okay?" sabi ni Noah kay Blair at pasimple nitong sinulyapan si Cristina na yumuko rin dahil sa hiya. Pumalakpak at tumango ang anak ko sa sinabi ng dalawang ito na ikinailing ko na lang. Nang bumalik sa basketball court sina Haru at Noah ay nag-umpisa na silang magpractice ulit. Niyaya ko na sina Eiselle at Cristina na umuwi sa bahay dahil gabi na rin at mahamog na. "Satisfied na ba kayo at nakita n'yo na 'yang mga crush ninyo?" nakangisi kong tanong kina Eiselle at Cristina na namula na naman ang mga mukha. Si Eiselle ay may crush kay Haru habang si Cristina ay may crush kay Noah. Magka-edad lang sina Eiselle at Haru. Isang taon naman ang tanda ni Noah kay Cristina. Alam ni Nikolai na may pagtingin ang mga kapatid niyang babae kina Haru at Noah at ayos lang iyon sa kanya. Hindi rin niya pinagbabawalan na magkaboyfriend ang mga ito basta't alam ng mga ito na pag-aaral pa rin muna ang first priority nila. Malaki ang tiwala ni Nikolai sa mga kapatid niya at hindi ito istriktong kapatid. "Syempre at satisfied na satisfied kami, no! Mas lalo yatang pumopogi 'yang kapatid mo, Ate Adi. Nai-inlove tuloy ako lalo sa kanya." Ma-dreamy na sabi ni Eiselle. "Si Noah din. Bagay sa kanya 'yong new hairstyle niya na may highlights!" nakangiting parang timang namang sabi ni Cristina. Hindi ko mapigilang matawa. Alam ko namang may gusto sa kanila sina Haru at Noah, kaso nga lang ay ubod ng pagkatorpe ang dalawang magbestfriend na iyon kaya hindi nila mapormahan ang dalawang babaeng ito. Nagkwentuhan kami nina Eiselle at Cristina sa sala habang sinusuklay ko ang buhok ni Blair. Kakatapos ko lang siyang paliguan at palitan ng pajamas na Disney Princess ang design kaya maya-maya ay matutulog na kami. "Ate Adi, salamat sa time mo, ha? Dinalaw ka talaga namin dahil nami-miss na namin kayong dalawa ni baby Blair. Minsan ay dumalaw rin kayo sa bahay at sure akong matutuwa si Kuya Nikolai." nakangising sabi ni Eiselle. Si Cristina naman ay nakangisi rin kaya alam ko ang iniisip nila. "Kayong dalawa talaga, oh? Magkaibigan lang kami ng Kuya Nikolai n'yo at imposibleng-" "Oo na, Ate Adi! Ito naman, defensive agad? Siya at aalis na kami. Regards na lang kay Haru. Bye!" tumatawang sabi ni Eiselle at nagflying kiss pa bago lumabas ng gate namin. "Regards na lang din kay Noah kapag nagpunta siya dito sa inyo, Ate Adi. Bye na din!" pagpapaalam naman ni Cristina at sinundan si Eiselle. Napangiti na lang ako dahil sa magkapatid na ito. Naalala ko pa noong high school pa lamang ako na nagkaroon ako ng puppy love at iyon ay si Leigh. Sa tuwing nakikita ko siya sa school namin ay gumagaan at sumasaya ang buong araw ko. Sikat siya sa buong school namin dahil bukod sa gwapo ito ay mayaman at kilala rin ang pamilya niya sa lugar namin. Isang araw ay bigla na lang niya akong niligawan at hindi ko alam kung bakit. Dahil crush ko na siya noon pa ay hindi rin nagtagal ang panliligaw niya sa akin at sinagot ko na siya kaagad. Alam ko na playboy siya at hindi ako seseryoshin pero sumugal pa rin ako dahil minahal ko na siya at umasang ako na ang endgame niya pero naging tanga talaga ako sa pag-ibig at sumugal lang sa wala. Sa huli ay nasaktan at nabigo lang ako. Kung may ipinagpapasalamat man ako kay Leigh, iyon ay ang binigyan niya ako ng anak na babae na tanging nagpapasaya at kumukompleto ngayon sa buhay ko. Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa trabaho. Hindi ko na pinapansin si Jose na balak yatang lumapit ulit sa akin kaya panay ang pagsama ko kina Iska at Jiro para hindi ako mapag-isa. Naiintindihan naman ako ng dalawa at maging pati sila ay gusto rin akong protektahan kay Jose dahil kilala na raw nila ang lalakeng iyon na playboy at maloko pagdating sa babae at baka mabiktima lang ako nito. Nag-overtime kami ng tatlong oras sa pagtatrabaho hanggang sa matapos kami. Kanina pa nakauwi si Jose kaya panatag na ang loob kong umuwing mag-isa. Naghiwa-hiwalay na kami ng dadaanan nina Iska at Jiro. Sarado na din ang mall dahil 10:00 p.m na kaya balak ko na lang bilhan ng pasalubong na tinapay sa bake shop si Blair at ang pamilya ko. Pinuntahan ko ang bake shop na malapit lang sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko at bumili ng isang balot ng Chocolate crinkles at Ensaymada. Pagkatapos kong bumili ay hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya. Lumabas si Kyrie mula sa loob ng kanyang kotse na nasa tapat ko habang nakangiti ito sa akin. Ngumiti rin ako at hindi ko mapigilang hindi siya puriin sa isip ko dahil napakagwapo niya lalo na kapag ngumingiti. "Uuwi ka na?" tanong ni Kyrie nang makalapit ito sa akin. "Ah, oo. Naghihintay na lang ako ng masasakyang jeep," sagot ko. "Ihahatid na kita pauwi. I'm glad that I saw you here. Kakatapos ko lang puntahan sa ospital na malapit dito ang Mom ko at babalik ako bukas ng umaga para bantayan ulit siya. Ang lola ko ang nagbabantay sa kanya ngayon." sabi ni Kyrie. Wala akong nagawa dahil pinapasok na ako ni Kyrie sa loob ng kotse niya. Nang pinaandar niya ang kotse ay muli akong nagsalita. "Bakit naospital ang Mom mo?" tanong ko. "Nag-away sila ni Dad at naitulak ni Dad si Mom sa hagdanan ng bahay namin. My Mom collapsed after that incident. Mabuti na lang at mababa lang ang baitang ng hagdan na nabagsakan ni Mom, at kaya mo ako nakitang may sugat sa labi kagabi ay dahil pinagtanggol ko lang si Mom kay Dad and yeah, nasuntok ako ni Dad." nakangiting sabi ni Kyrie. Medyo humihilom na ang sugat nitong ginamot ko kagabi sa loob ng mall. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya. Mayroon nga silang family problem ng pamilya niya. Nakikita kong napakabuti ring anak ni Kyrie. "Sorry kung naitanong ko pa 'yon," paumanhin ko. "It's okay, Adi. Matagal na rin namang hiwalay sina Mom at Dad pero ngayon ay ginugulo kami ni Dad dahil nakikipagbalikan siya kay Mom. Ayaw na ni Mom sa kanya kaya nagalit si Dad at naitulak niya si Mom sa hagdanan." Huminga ng malalim si Kyrie matapos sabihin iyon at mas humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Hinawakan ko ang balikat ni Kyrie at mukhang nagulat ito sa ginawa ko. "Magiging maayos din ang lahat. May pinagdaraanan rin ako pero nagpapakatatag na lang ako para sa pamilya ko. Ganoon ka rin sana, Kyrie." seryoso kong sabi. Tumingin sa akin si Kyrie at saka ito tumango at ngumiti ulit. "I had no idea you cared so deeply about me kahit kakakilala lang natin sa isa't-isa. Thank you, Adi. You're making me feel better right now." sabi niya ng mariin. "Wala 'yon at hindi ba't friends na tayo?" nakangising tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "Of course, we're good friends." nakangisi na ring sabi ni Kyrie. Itinuro ko sa kanya ang daan pauwi sa bahay hanggang sa makarating na kami dito. Tahimik ang buong bahay at siguradong tulog na ang buong pamilya ko nang ganitong oras. Lumabas ako sa loob ng kotse ni Kyrie at sumunod din siyang lumabas. "Thank you at hinatid mo 'ko dito sa bahay namin. Bukod sa pogi ka ay ang bait mo rin pala." sabi ko ng pabiro. Ngumiti siya nang malawak at ilang segundo pang tumingin sa akin. "You're beautiful..." seryoso niyang saad. Doon ay bigla akong natahimik at alangang ngumiti. "U-umuwi ka na at delikado ang daan ngayon." sabi ko at itinulak na siya sa tapat ng kotse niya. "Ahm... bago ako umalis, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" nahihiyang tanong ni Kyrie at inilabas mula sa bulsa ng suot niyang coat ang cellphone niya na iPhone. "Sure," sabi ko at tinype sa contacts nito ang cellphone number ko. Pagkatapos no'n ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. "Thank you, Adi. Thank you..." mahina niyang sabi at ipinatong ang mukha niya sa balikat ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Nabalik lang ako sa huwisyo nang binitawan niya ako at nginitian ako. "Goodnight, Adi." huling sabi niya bago pumasok sa loob ng kotse niya at pinaandar ito paalis. Mariin akong pumikit at umiling at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay. Nilagay ko na muna sa ref ang binili kong pasalubong na tinapay para sa pamilya ko dahil tulog na sila. Nang nasa loob na ako ng kwarto ko at natapos nang makapagbihis at maglinis ng katawan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang message ng isang unknown number at galing iyon kay Kyrie. From: +639771756+++ Good night, Adi. I hope we can meet again. You made my day. - Kyrie May load naman ako pero hindi ko magawang replyan pabalik si Kyrie. Ewan ko ba pero bigla akong nailang sa kanya nang niyakap niya ako kanina. Muling tumunog ang cellphone ko at si Nikolai naman ang nagtext. From: Nikolai Kakauwi ko lang galing sa afternoon shift ko. Matulog at magpahinga ka na dahil bukas ay kakailanganin mo ng energy dahil guguluhin kita diyan sa bahay n'yo hehehe! Siraulo talaga ang lalakeng 'to kahit na kailan. Nireplayan ko naman siya. To: Nikolai Ewan ko sa'yo. Ang pangit mo! :D Ilang segundo lang ay nagring ang cellphone ko at tumatawag si Nikolai. Sinagot ko naman ito. ["Bakit gising ka pa, ha?"] tanong niya kaagad sa kabilang linya. "Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko. Nag-overtime ako kaya ginabi na ako ng uwi." sagot ko. ["Gano'n ba? Magpahinga ka na at i-save mo 'yang energy mo para bukas. Wala akong pasok bukas dahil inadvanced ng team leader namin ang off ko pero sa Sunday ay may shift ako."] sabi ni Nikolai. Natawa ako. "Oo na po, basta't hintayin mo akong makauwi bukas sa trabaho ko. Good night na nga at matulog ka na. Ibababa ko na 'tong tawag para makapagpahinga na tayo. Bye na-" ["Mag-iingat ka palagi, Adi. Nandito lang ako sa tabi mo. Sana ako lang at 'wag ka nang maghanap ng ibang kaibigan sa buhay mo na yayakap at mag-aalaga sa'yo. Good night..."] seryoso niyang sabi. Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi niya nang kaagad niyang pinutol ang tawag. Ako naman ay naguluhan sa huling sinabi ni Nikolai. Ano'ng ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD