Adi's POV
Sa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas, pero hindi pa rin panatag ang loob ko, naaalala ko ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag roon at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.
Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot kung saan si Leigh at dukutin ako.
Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko iyon ginawa. Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang isang iyon!
"Hindi ako mag-oovertime sa trabaho ko mamaya. Susunduin kita dito pagkatapos ng duty mo." paalala ni Kuya Hideyo nang nasa tapat na kami ng Supermarket na pinagtatrabauhan ko.
Hinalikan muna niya ako sa noo bago ako tumango. "Mag-iingat ka, kuya." bilin ko ko. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay umalis na siya.
Napansin ko ang iilang taong nakikiusyoso sa amin sa labas at kabilang na doon ang tatlong matatangkad at nag-gagwapuhang triplets na nakatayo sa tabi ng nakaparadang kotse nila sa parking lot.
Seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha habang nakatitig sa akin, ako naman ay kaagad umiwas ng tingin. Hindi ko matagalan ang pagtitig nila dahil sa nakaka-intimidate nilang mga awra.
Marahil ay nagpark lang ang mga ito sa parking lot ng Supermarket dahil mukha namang hindi pa sila nakakapasok sa loob. Alas-siyete pa lang ng umaga at kakaunti pa ang mga taong dumarating sa Supermarket para mamili.
Inayos ko ang dala kong bag at pumasok sa loob ng Supermarket. Hindi ko maiwasang isipin ulit ang gwapong mukha ng triplets na iyon lalo na iyong lalakeng may kulay blue-grey na mga mata.
Ipinilig ko ang ulo ko at inayos ang sarili. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Iska at Jiro maging pati si Jose at ang iba pa naming mga katrabaho. Bandang 7:30 a.m ay nag-umpisa na kaming magtrabaho nang may padating ng mga customer at kabilang na ang triplets na pumasok sa loob.
Nakarinig ako ng pagtili mula kila Iska at sa iba pa naming mga katrabahong babae na nasa cashier counter nang mapansin nila ang triplets.
"Hala? Ang popogi naman ng triplets na 'yan! Mga artista ba 'yan? Bakit parang ngayon ko lang sila nakita dito?" kinikilig na bulong sa akin ni Iska nang pumasok ang triplets sa grocery haul at mukhang may hinahanap.
Nahuli ko pa ang iba naming mga katrabahong babae na pasimpleng kinukuhanan ng litrato ang triplets. Kapag nahuli talaga sila ng manager namin sa ginagawa nila ay siguradong mapapagalitan sila.
"Baka hindi sila taga-rito at dayo lang." sabi ko naman.
"Girl! Nakatingin sila sa atin! Kinikilig ako my goodness!" halos mangisay na si Iska sa kilig habang sinasabi ito.
Nang tinignan ko ang triplets ay nahuli kong nakatingin sila sa direksyon namin at mukhang ako ang tinitignan nila.
Ano kayang problema ng mga 'to? Kahit mga gwapo sila at may yummy na pangangatawan ay nakakatakot pa rin na tinitignan o tititigan ka ng mga taong ngayon mo lang nakita.
"H-hayaan mo na nga 'yang mga 'yan. Magtrabaho na tayo at may paparating ng customer." sagot ko kay Iska at nang dumating ang isang customer na may hawak na basket ng grocery ay inasikaso ko na ito.
Dumami na ang mga customer na namimili kaya naging abala na ako sa pagtatrabaho maging pati n si Iska. Hindi ko na rin inalala pa iyong triplets at mukhang wala na rin sila.
Mga bandang alas dose ng tanghali nang mag-lunch break kami. Kaagad kaming pumwesto nina Iska at Jiro sa isang table sa Cafeteria at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ang triplets sa kabilang table na busy sa pagkain ng burger habang nakatingin ang mga ito sa direksyon namin. Iyong dalawa sa tatlong triplets na lang pala ang nakatingin sa akin dahil iyong isa ay parang iniiwas ang tingin at tahimik na lang na kumakain ng burger na hawak nito.
Napansin sila ni Iska kaya tumili ito ng mahina. "Nandito pa pala sila? Kung sinuswerte ka nga naman, oh! May magandang view tayo ngayon habang kakain ng lunch." nakangising sabi niya. Umiling si Jiro.
"Tsk! Mas gwapo pa ako sa mga 'yan, e. Mukhang mayayaman lang sila pero kaya ko pa ring tapatan 'yang mga 'yan pagdating sa pagwapuhan!" pagmamayabang ni Jiro na ikinaikot ng mga mata ni Iska.
"Yuck, Jiro! Keep dreaming!" nang-aasar na sabi ni Iska na ikinatawa na lang namin ni Jiro.
Si Jiro na ang umorder ng lunch namin at nagbigay na lang kami ni Iska ng pambayad sa kanya. Tatlong set ng menudo, kanin, lumpiang ubod at softdrinks ang inorder niya para sa aming tatlo. Nagkwentuhan lang sila habang kumakain kami at ako naman ay tahimik lang. Ilang na ilang ako sa triplets na nasa kabilang table dahil ramdam ko na nakatingin sila sa akin. Ginawa ko ang lahat para iignora sila hanggang sa matapos kaming kumain nina Iska at Jiro at muling bumalik sa mga trabaho namin.
Ginugol ko ang oras at atensyon ko sa pagtatrabaho hanggang sa mag-alas siyete ng gabi at natapos na ang duty ko. Hindi ko na nakita pa iyong mga gwapong triplets at siguradong nakaalis na ang mga iyon. Nagtext si Kuya Hideyo at sinabi niyang malapit na siya sa Supermarket para sunduin ako. Kakatapos lang rin ng trabaho nito at kaagad siyang didiretso sa Supermarket.
Nasa labas na ako ng Supermarket at hinihintay si Kuya Hideyo. Nakaalis na sina Iska at Jiro nang masigurado nilang nauna nang umalis si Jose para hindi na ako nito malapitan pero nagkakamali ako dahil hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jose habang nakangiti ito at nakapamulsa.
"Hinihintay mo 'yung sundo mo?" tanong niya.
May kaba mang nararamdaman dahil kaharap ko na naman siya ay tumango ako at sumagot. "Oo. Parating na rin siya." sabi ko.
"Boyfriend mo?" nang-uusisa niyang tanong.
"Oo." sagot ko para tigilan na niya ako. Kaunti na lang talaga at baka masabunutan ko na siya nang dahil sa inis ko.
"Mabuti at pumayag siyang maging step-father ng anak mo pero pakiramdam ko ay ayaw niya sa anak mo dahil hindi naman niya 'yon tunay na anak at kunwari lang na tanggap niya dahil sa'yo." malisyosong saad ni Jose kaya hindi ko na napigilan ang inis ko.
"Ang judgemental mo rin, ano? Jose, baka nakakalimutan mong katrabaho lang kita at wala kang pakialam sa buhay ko? Lumayo ka nga sa 'kin dahil hindi tayo close!" pagtataboy ko sa kanya na mahina niyang ikinatawa.
"Adi, obvious naman siguro sa'yong type kita pero alam kong iniiwasan mo ako. Bakit? Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga katrabaho natin na playboy ako at maloko? Seryoso ako sa'yo, Adi at sana-"
"Adi!"
Laking pasasalamat ko nang biglang dumating si Kuya Hideyo at kaagad niya akong nilapitan. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya at nginitian siya.
"Honey, uwi na tayo?" malambing kong sabi kay Kuya Hideyo na ikinagulat niya.
Nang palihim ko siyang pinandilatan ng mga mata ay kaagad niyang nakuha ang punto ko at saka ito ngumiti kay Jose na biglang sumama ang timpla ng mukha nang makita si Kuya Hideyo.
"Katrabaho ka ba ng girlfriend ko? Ako nga pala si Hideyo, boyfriend niya." Pagpapakilala ni Kuya Hideyo kay Jose na sinamaan siya ng tingin at bigla na lang nagwalk-out. Doon lang ako nakahinga nang maluwag at binitawan ang braso ni kuya.
"Kinukulit ka ba ng lalakeng 'yon?" tanong ni kuya habang nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa mall na nasa tapat ng Supermarket at para bilhan ng pasalubong sila Blair.
"Oo, kuya at mabuti na lang na dumating ka na kundi ay baka nasabunutan ko na ang lalakeng 'yon dahil sa inis ko sa kanya!" sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
"Kaya tama lang na ihatid-sundo kita dito sa pinagtatrabauhan mo. Delikado at baka guluhin ka rin ulit ng Leigh na 'yon." nag-aalalang sabi ni Kuya Hideyo.
"Salamat, kuya..." nakangiti kong sabi.
"Wala 'yon, Adi. Kapatid kita kaya dapat lang na protektahan kita laban sa mga siraulong lalake na nasa paligid mo." nakangiti rin niyang sabi na ikinatawa ko.
Bumili kami ni Kuya Hideyo ng ube roll cake sa Red Ribbon bilang pasalubong at siya na ang nagbayad nito. Siya na rin ang bumili at nagbayad ng Wintermelon milktea na para naman sa amin nila, Mama, Lola at Haru. Pagkatapos naming bumili ng pasalubong sa mall ay nag-abang kami ng jeep sa labas.
"Nililigawan ka ba ni Nikolai?" tanong ni Kuya Hideyo na ikinagulat ko.
"Ha? Hindi, ah. Magkaibigan lang kami ni Nikolai at saka hindi naman siya nanliligaw, no! Hindi kaya niya ako type," natatawa kong sagot.
Hindi na sumagot si Kuya Hideyo hanggang sa may humintong jeep sa harapan na patungo sa lugar namin kaya kaagad kaming sumakay rito. Ilang minuto rin ang biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakaparada na naman ang pulang kotse ni Leigh sa labas kaya alam kong nandito siya na ikinabahala ko.
Naunang pumasok si Kuya Hideyo sa loob ng bahay namin na sinundan ko. Naabutan namin na nakaupo sa sofa ng sala si Leigh habang karga si Blair sa kandungan niya. Kaagad kong kinuha si Blair sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" madiin kong tanong kay Leigh.
"Adi, dinalaw ko lang ang anak natin dahil kahit anong gawin mo kay anak ko pa rin siya-"
Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Kuya Hideyo kay Leigh at kwinelyuhan ito.
"Ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita pa kay Adi at sa bata! Wala ka nang karapatan sa kanila dahil simula nang iniwan mo sila ay doon na nagtapos ang lahat sa inyo!" galit na sigaw ni Kuya Hideyo kay Leigh na nginisian siya.
Natatarantang lumabas mula sa loob ng kusina sila Mama, Lola at Haru at nagulat sa sigaw ni kuya.
"Hideyo, bumabawi lang ako sa mag-ina ko. I'm still Blair's biological father at kung tutuosin nga ay pwede ko siyang kunin sa inyo nang walang kahirap-hirap but I won't do that dahil mahal ko si Adi at ayoko namang ilayo siya kay Blair. Kung ayaw ninyong mawala sa inyo si Blair ay pakitunguhan n'yo ako ng maayos." nakangising sabi ni Leigh.
Doon ay unti-unting binitawan ni Kuya Hideyo si Leigh at bumuntonghininga ito.
Kilala niya rin si Leigh at lahat ng ibinabanta nito ay nagkakatotoo. Marahil ay natatakot si Kuya Hideyo na baka nga kunin sa amin ni Leigh si Blair sa pamamagitan ng pera at kapangyarihan ng pamilya nito.
"I know it's all my fault, and I want to make amends with Adi and Blair. Hindi ko naman kukunin sa inyo si Blair but don't take my responsibility as Blair's father. Kung pwede lang rin, pakisabihan naman si Nikolai na lumayo na sa mag-ina ko kung ayaw niyang ingudngod ko siya sa putikan. He's playing knight-in-shining armor for my family at nakakainis lang!" naiiritang sabi ni Leigh at muling umupo na parang hari sa sofa.
"Ano, Leigh? Pinapalayo mo sa amin si Nikolai? Siya ang nandyan sa tabi ko noong mga panahong ipinagbubuntis ko pa lang si Blair hanggang sa manganak ako kaya hindi pwede 'yang sinasabi mo!" madiin kong saad.
Kung makaasta siya ay akala niya na kung sino siyang batas na kapag gusto niya ay masusunod. Kaya niya pa ring kontrolin ang mga taong nasa paligid niya makuha lang ang gusto niya.
Umirap lang si Leigh at hindi na ito nagsalita. Itinuro niya sa akin ang mga paperbag na nakalapag sa gilid ng inuupuan niyang sofa na dala rin nila ni Laarni noong unang beses silang magpunta sa bahay.
"Take that stuffs. Para sa inyo 'yan at may mga laruan para kay Blair. Isipin mo na lang na bumabawi lang ako sa anak ko at karapatan niyang magkaroon ng magagandang damit at mga laruan." sabi ni Leigh bago pa man ako makapagreact sa sinabi niya.
Bumuntonghininga ako dahil wala na rin akong magagawa pa huwag lang niyang kunin sa akin ang anak ko.
"Daddy, laruan?"
Daddy?
Biglang nagpababa mula sa pagkakarga ko si Blair at tumakbo ito papunta kay Leigh. Kinandong ni Leigh si Blair sa hita niya at binuksan nito ang isang paperbag na may lamang laruang crocodile stuff toy at binigay ito kay Blair.
"Yes, this is for you, baby. Nagustuhan mo ba 'tong toys mo?" nakangiting tanong ni Leigh kay Blair na tinanguan nito.
"Opo. Salamat, daddy!" masayang saad ni Blair habang nilalaro ang hawak na crocodile stuff toy.
Hindi ko inaasahan na magkasundo na kaagad sina Leigh at Blair. Hindi maipagkakaila na mag-ama talaga sila dahil magkamukha sila at pareho ang kulay ng mga mata. Nangungulila na noon pa man sa kalinga ng ama si Blair na natagpuan niya kay Nikolai. Ngayong nakikita kong magkasama sina Leigh at Blair, kahit papaano'y masaya na rin ako para sa anak ko. Hindi man kami okay ng ama niya ay ayos na sa aking maibibigay ni Leigh ang lahat ng pangangailangan ni Blair habang lumalaki ito.
Iniwan na muna namin ng pamilya ko sa sala sina Leigh at Blair. Kinausap naman ako nina Mama at Lola nang magtungo kami sa loob ng kusina. Si Kuya Hideyo ay walang imik na nagpunta na sa loob ng kwarto nito. Katulad ko ay wala rin siyang magawa para maiwasan namin si Leigh.
"Anak, sana ay magkasundo na lang kayo ni Leigh alang-alang sa anak n'yo. Tama siya, kahit anong gawin natin ay ama pa rin siya ni Blair at responsibilidad niya ito. Kilala natin siya, maaari niyang kunin sa atin si Blair kung patuloy nating siyang ilalayo sa bata. Hindi ko kayang mawalay sa apo ko, anak..." umiiyak na sabi ni Mama habang pinapatahan ni Haru.
Pinag-isipan ko ang sinabi ni Mama. May punto siya. May galit man ako kay Leigh at kinasusuklaman ko siya dahil sa pag-abandona niya sa amin ni Blair ng limang taon ay kailangan ko siyang pakisamahan para na rin sa financial support ng anak ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral si Blair at hindi pa sapat ang kinikita ko sa trabaho para mapag-aral ko ito hanggang kolehiyo. Kailangan namin si Leigh para doon.
Muli akong bumalik sa sala at kinausap si Leigh tungkol sa plano namin kay Blair. Pumayag ako sa agreement niya na any time ay dadalawin niya sa bahay si Blair at pasasalubungan ito ng mga damit at laruan. Magbibigay rin siya ng sustento kada buwan at para na rin sa pag-aaral ni Blair ng kindergarten sa susunod na taon.
"Adi, I'm still in love with you. Pwede namang tumira kayo ni Blair sa bahay para-"
"Nakipagkasundo lang ako sa'yo para sa anak ko, Leigh at wala akong balak na makipagbalikan." pagsabat ko sa sasabihin pa niya. Hindi na nakapagsalita si Leigh at nagtiim-bagang na lang.
Isang oras ang tinagal niya sa bahay bago tuluyang umalis. Sinabi pa ni Blair kay Leigh na kaagad itong bumalik sa bahay para magdala ng maraming laruan para sa kanya. Nangako naman si Leigh na babalik siya na maraming dalang laruan.
Iniwan ko na sa sala sila Mama, Lola at Haru na kinakain ang pasalubong namin ni Kuya Hideyo para sa kanila. Si Blair ay patuloy pa ring nilalaro ang mga laruang dinala ni Leigh habang nakadapa sa sofa at sinusubuan ng cake ni Mama.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin ni Blair. Kaagad akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.
Wala na akong magagawa. Kung ayaw kong malayo sa amin si Blair ay kailangan kong pakisamahan ng maayos si Leigh. Bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang mukha ng tatlong gwapong triplets na iyon.
Bakit ba bigla ko na naman silang naalala? Malaki ba ang gagampanan nila sa buhay ko kaya naiisip ko sila?
Sino ba sila para isipin ko nang ganito?