Chapter 2

2003 Words
What happened a week ago is like a stab in my heart. Paulit-ulit kong nararamdaman iyong pagkapira-piraso ng puso ko, ramdam ko iyong pighati at pangungulila ko bawat araw na nagdaraan. Animo'y isa akong bilanggo ng kahapon. Kasabay nito na para bang sirang plaka iyon na kusang nagpe-play sa utak ko, kaya hindi ko magawang makalimutan. Hindi ko magawang mabuhay nang maayos, ni kahit ang pagpikit ay napakahirap gawin. Ano mang pagtulog ang gawin ko sa gabi ay hindi ko magawa, para lang akong ikinulong sa isang espasyo na walang sulok. My life is in hell, my heart crushed, just like my dream collapsed in an instant. Sa bawat paglipas ng araw ay walang puwang sa akin ang kasiyahan, hindi ko magawang maging masaya at tanggapin ang kasalukuyang nangyayari. I am drowning in a sea of grief, I felt helpless and useless. Ano pang saysay ng buhay ko ngayon? Wala akong kasama, wala akong mayakap, wala akong maiyakan at wala akong karamay. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, sana in the first place, hindi na ako pumayag na sumama sa kanila. Sobrang sama ng loob ko, bawat parte ng katawan ko ay nagagalit, pero ano mang galit ko ay hindi ko iyon magawang mailabas. Lahat iyon ay kinikimkim ko sa puso ko na para bang sa pagdaan ng araw ay iyon na lang ang bumubuhay sa akin. They are giving me food and water, but what's the point of it? What's the point of living anyway? Gusto ko na lang ang mamatay, gusto kong mawala na parang bula, katulad kung paano ako pagkaitan ng tadhana. I even felt worthless, wala akong halaga at importansya sa mundo. Kaya nga ganoon na lamang ako ipatapon dito sa bahay-ampunan na gaano man kadaming bata ang gustong makipaglaro sa akin ay ayoko. Hindi ko ma-appreciate iyong pakikipagkaibigan nila, sa tuwing nakakakita ako ng tao ay tatakbo ako palayo at magtatago sa madilim na lugar. Ayokong makakita ng tao, kasi pakiramdam ko ay sila ang mitsa sa buhay ko. Just like what my mother said, huwag akong sasama sa ibang tao. Hindi dapat ako nakikipag-usap, lalo kung alam kong ikapapahamak ko. Dala-dala ko iyon hanggang ngayon na kahit kailangan ko ng karamay ay mas gusto kong mapag-isa. "Hoy, bata!" sigaw ng isang lalaki mula sa hampa ng pintuan kung saan ako naroon. Saglit ko itong nilingon at katulad ng parating ginagawa ay sinamaan ko siya ng tingin, iyon ang paraan ko para matakot sila sa akin at tatakbo sila palayo sa akin ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko. Bagkus ay walang takot itong lumapit sa gawi ko, nangunot pa ang noo ko nang mapagtantong kaedad ko lang din siya. Kagaya ko ay isa rin siyang bata na itinapon sa lugar na ito at para bang tuta na handang ipagbigay. "Lumabas ka," utos ko rito sa malamig na boses. "Ayokong nakakakita ng tao at kumausap ng hindi ko kilala." "Hindi mo ako kilala?" maang na pagtatanong nito, kaya bulgar na nangasim ang mukha ko. Hindi ako nagsalita dahil totoo na ayokong kumausap ng ibang tao, ayokong magsayang ng laway dahil wala naman silang halaga sa akin. Tangkang tatalikuran ko ito upang bumalik sa kama ko ay muli siyang nagsalita. "Oh, sige na nga, ipapakilala ko na ang sarili ko— ako si Jake, ang sabi nila ay dinala ako rito ng magulang ko dahil hindi nila ako kayang buhayin. Ikaw ba? Anong kwento mo?" "Umalis ka na lang." Nilingon ko ito sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Hindi ako kailan man mag-aaksaya ng panahon para makipagkaibigan, lalo sa isang kagaya mo." "Ang sakit mo naman magsalita, pero sige... simula ngayon ay friends na tayo." Napipilan ko siyang tinitigan. Ano ba ang hindi nito maintindihan sa sinabi ko? Is he kind of deaf? Lumukot ang mukha ko, pero hindi ko na ulit iyon pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad ko. "Basta friends na tayo, ah! Kapag malaki na ako ay hahanapin kita, okay?" pahabol nito, nang malingunan pa siya ulit ay nakita kong patakbo silang lumabas ng kwarto ko. Kumibot ang labi ko bago naupo sa dulo ng kama at saka pa ipinatong ang dalawang paa sa gilid nito, kapagkuwan ay mahigpit kong niyakap ang mga binti ko at isinubsob ang mukha sa parehong tuhod ko. Suminghot ako nang magsimula na namang umalpas ang 'di mapapatawarang luha ko, walang katapusan iyon at hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong umiiyak. Tahimik ko lang din na kinakalma ang sarili ko. Sarili ko lang din ngayon ang kaibigan ko, ang masasandalan ko, kasi literal na ayokong magtiwala sa kahit sino. Minsan na akong pinangakuan ng isang babae, pero harap-harapan niya ring ipinako iyon. Hindi na rin lingid sa kaalaman ko na sila ang lulan ng kotseng bumangga sa amin noong araw na iyon, kung ano na ang nangyari sa kanila o kung nasaan man sila ay hindi ko na alam. Wala na akong naging balita pa sa kanila. Ang huling alaala ko sa kanila ay iyong araw na dinala nila ako rito, matapos iyon ay hindi na rin sila nagpakita o kahit ang bisitahin ako. Ngunit ano nga ba ang inaasahan ko? Sila ang may kasalanan sa nangyari. They felt guilty leaving me here alone and dumbfounded. So, what do I expect from them? Bulaklak para sa pagkamatay ng magulang ko? Huminga ako nang malalim, saka pa umahon sa pagkakasubsob ko para lang matulala sa carpented floor. Maganda ang napuntahan kong bahay-ampunan, maaliwalas sa mata ang iba't-ibang kulay at disenyo ng paligid ngunit masyadong malaki ang pighating nararamdaman ko para maging masaya. "Vannessa." Dinig kong pagtawag sa akin ng isang babae na siyang kapapasok lang sa kwartong kinasasadlakan ko. Mabilis ko itong nilingon, hindi na bago sa akin na paulit-ulit na may nagpupunta rito para lang i-check ako at kung humihinga pa ba ako. Wala akong naging emosyon nang tingnan ko ito kung saan deretso siyang naglakad papasok. "Kumusta ka na? Okay ka lang?" tanong nito na para bang hindi nakaabot sa kaniya na kamamatay lang ng magulang ko— am I fine? "Of course not. How am I supposed to be happy when you know what happened to me?" sigaw ko nang manuot ang galit sa akin. Siya namang pagpapakalma nito sa akin. "Alam ko kung ano ang pinagdaraanan mo. Ganiyan din ang nangyari sa akin noon, ganiyang edad mo rin noong mawala ang magulang ko, pero kita mo naman 'di ba? I am still here standing in front of you, masaya na kinakausap ka." "So, matagal ka nang nandito?" bulalas ko at hindi maiwasan na mas matakot pa sa katotohanang na rito na ako habambuhay. "Yes, ang saya kaya rito," nakangiti niyang tugon, kapagkuwan ay hinawakan ang isa kong kamay. "Pero huwag kang mag-aalala, hindi ka naman matutulad sa akin na lalaki rito sa bahay-ampunan." Bahagya niyang pinisil ang palad ko, rason para magbaba ako ng tingin doon. Namalayan ko na lang din na unti-unti niya akong pinapatayo sa pagkakaupo ko, nang makatayo pa ay hinila niya ako palabas ng kwarto. "What do you mean by that? Where are we going?" takang pagtatanong ko. Hindi siya nagsalita, bagkus ay dere-deretso lang itong naglalakad habang ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Kaya wala akong magawa kung 'di sundan ang bawat hakbang nito, kalaunan nang pareho kaming mapahinto. Sa tila sala ng bahay-ampunan ay naroon sa pahabang sofa ang isang babae at lalaki, ang mag-asawang minsan ko nang nakita. Kaagad silang napatayo sa kanilang pagkakaupo nang masilayan ang pagdating namin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko, pilit din akong kumakalas sa pagkakahawak ng babae ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Nagulat na lang din ako nang harapin niya ako at saka siya lumuhod sa harapan ko. "Hindi ka na mag-iisa, kasi may bago ka ng pamilya at magulang na kikilalanin," mababang boses na pahayag nito na naging mitsa upang itulak ko siya. Tangkang tatakbo ako palayo at palabas ng bahay-ampunan nang humarang sa daanan ko iyong lalaki na kasama ng babaeng isang beses kong pinagkatiwalaan. Kaagad ako nitong hinawakan sa balikat ko. Sa bigat ng kamay nito ay wala sa sariling pumirmi ako sa pwesto ko, saka siya lumuhod dahilan para magkapantay ang mukha naming dalawa. Masaya itong ngumiti kung kaya ay mas lalong nawala ang mata niya. Singkit ito na hindi maipagkakaila ang lahi niyang intsik, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko sa ngiti niyang iyon ay hindi ko magawa. Sumunod na lumuhod iyong babae na tinabihan ang kaniyang asawa. "Hello there, young lady." Ngumiti ito ng ubod ng tamis. "Nandito kami para kunin ka, para maging isa sa pamilya namin at maging anak, para rin may kalaro ang unico hijo namin sa bahay. Gusto mo ba iyon, hmm?" Hindi ako nagsalita, maigi ko lang silang pinagmamasdan. Ayokong bigyan sila ng karapatan para lokohin ulit ako, ayokong magpa-ampon sa kanila ngunit ano bang magagawa ng isang bata? Huli na para ma-realize ko na nilisan namin ang lugar na iyon, narito na ako ngayon sa back's seat ng panibago nilang kotse. Katabi ko iyong babae na yakap-yakap ang ulo ko dahil pilit niya akong inaalo sa paghikbi ko. "It's all now okay, hija. Everything will be fine," anang babae, kalaunan nang huminto ang sasakyan sa isang mala-mansion na bahay. "Let's go. Excited na akong ipakilala ka sa anak ko." Mabilis nitong binuksan ang pinto sa tabi niya, sa kawalan ko pa sa sarili ay wala akong maintindihan sa nangyayari. Mayamaya lang nang makapasok kami sa loob ng bahay, sa sala ay kamuntikan pa kaming matalisod nang bumungad sa amin ang manipis na tali sa bandang paanan namin. "Paul Shin!" malakas na sigaw ng matandang lalaki, kasunod naman nito ay ang paghagikhik ng isang bata na naroon lang sa gilid namin. Nakaupo ito na animo'y nagtatago sa hamba ng pintuan, nang amba siyang hahabulin ng kaniyang ama ay maagap itong kumaripas ng takbo. Ang mapang-asar niyang pagtawa ay siyang umalingawngaw sa kabuuan ng sala. Samantala ay maang ko lang siyang pinapanood. Totoo ba na sa ganitong edad namin ay marami ang mga batang insensitive? Hindi na ako magtataka, magulang nga pala nito ang pumatay kina Mommy at Daddy. "Naku talaga! Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, sadyang makulit lang talaga," pahayag ng babae. "Anyway, simula ngayon ay dito ka na titira. Ang itatawag mo na rin sa akin ay Mommy at sa kaniya naman ay Daddy." Itinuro nito iyong lalaki na siya ngayong hawak sa kamay iyong bata na tuwang-tuwa sa nangyari, nang masipat pa ako ng tingin ay kusang umarko pataas ang kilay nito. Just like his father, singkit din ang parehong mata niya. Malamig ko naman siyang sinuklian ng tingin. Of all the heartaches, akala ba nito ay masasaktan pa niya ako sa mga trip nito? Napabuntong hininga ako sa kawalan ko ng pag-asa sa katotohang nangyayari. "Come here, hijo. May ipapakilala ako sa 'yo," dugtong ng babae. Nang magkatapat pa kami ng batang lalaki ay natanaw ko ang pagkakangisi niya. Nagulat pa ako nang hatakin nito sa ulo ko ang suot kong headband na may disenyong anghel kung kaya ay napatili ako, ganoon pa man ay hindi ko magawang umiyak. "Paul Shin!" muling sigaw ng kaniyang ama, imbes na sumunod ay isinuot niya iyon sa sariling ulo na para bang nang-aasar lang. "Who's that rat pretending to be an angel?" takang pagtatanong nito at saka pa ako itinuro. "Look at her eyes, para siyang si Esther. Nakakatakot!" "My God, Paul. Your foul-mouthed, child!" angil ng kaniyang ina at saka pa marahas na napabuntong hininga. "Hija, this is Paul Shin, our son— and Paul, this is Vanessa. Ang magiging little sister mo." "But I don't like little sister," nakangusong banggit nito. "Ayaw mo man o sa gusto ay wala ka nang magagawa. So, please, behave. Magpakabait ka rin at huwag mong aawayin ang kapatid mo." Naging kibit ang balikat ni Paul Shin. "Hmm, okay. Hello, rat. My name is Paul, I will be your master and you will be my slave for the rest of your life. And of course, welcome to hell."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD