HINDI PA RIN SI JAXON PUMASOK NG OPISINA KINABUKASAN. Doon niya napagpasyahang magtrabaho sa kanyang study o office room sa loob ng mansion. Iyon ang pinaka-tagong silid sa loob ng kabahayan. Ayaw niya kasi ng kahit na kaunting istorbo kapag nagtatrabaho lalo pa at wala siyang kahit isang assistant na kasama. Si Zendrick at John ang nag-aasikaso at tumatanggap ng mga proposals mula sa mga Board Members. Kabaligtaran ang nangyari. Ang mga ito ang nagkakandarapang magbigay ng suhestiyon dahil sa napaka-laking offer ng mga Williams. Kahit pa may pinal na siyang desisyon ay kailangan pa rin niyang i-consider ang mga punto ng mga ito. Bukod pa doon ay hindi niya maiwan ang asawa na ayaw yatang mahiwalay sa kanya kahit na sa pagtulog. Ilang beses siyang nagtangkang bumangon upang bisitahin san