CHAPTER 2 – A PURE BLISS

1127 Words
It is indeed a dream come true. Kahit pa ilang beses at paulit-ulit ni Jaxon na pagmasdan ang asawang natutulog ay hindi pa rin siya makapaniwala na isa ng tunay na Anderson si Celine. Naalala niya ang kanilang unang pagkikita na kahit hindi sinasadya ay masasabi niyang itinadhana. Sa dinami-rami ng mga babaeng halos ipagtulakan ang sarili sa kanya ay sa huli sa isang katulad ng kanyang asawang tahimik na natutulog siya umibig. Marahan niyang hinawi ang buhok na tumakip sa magandang mukha nito.Sadyang hindi kailangan pa ng kahit na anong pampaganda ito dahil talaga namang si Celine ay isang natural beauty.Gusto niyang bantayan ito hanggang sa oras na magising ang pinakamamahal. Hindi niya mabilang kung ilang beses niyang inangkin ang asawa bago hinayaang niyang matulog ito. Buong puso naman itong nagpaubaya. He can make love to her endlessly. Ganoon ang pakiramdam niya. Her wife is like a goddess of kryptonite. Kahinaan niyang hindi ito maangkin. Unti-unti itong gumalaw dahilan upang humulagpos ang nakatabing na kumot sa katawan nito. Napalunok siya ng makitang lumantad ang dibdib ng asawa.Nakaramdam siya ng init na lumulukob sa kanyang buong katawan. “Go…od morning, sweety.” Nakangiting sabi ni Celine. Dahan-dahan nagmulat ng mga mata ang asawa. Inabot niya ang kumot upang ibalik sa hubad nitong katawan. “Good morning, my love.” Hinagkan niya ito sa mga labi. Mariin at Mainit. “Mukhang hindi ka natulog. Hindi ka ba inaantok?”sambit ni Celine matapos ang pinagsaluhang halik.Nag-iiba na naman ang pakiramdam niya at alam niyang nararamdaman ito ng kanyang maybahay. “Natatakot ako na magising sa pinakamagandang panaginip sa buhay ko, my wife.”Pinaulanan niya ito ng mumunti-munting halik sa labi. “I’m scared to lose you,”madamdamin niyang sabi. Sinapo nito ang kanyang mukha saka hinaplos. Napapikit siya sa ginawa nito. “I’m not going anywhere, sweety.” Pinaglandas nito ang isang daliri sa kanyang labi. ”I will always with you, wherever you are.” Kinabig siya nito saka siniil ng isang malalimna halik. Ang nakaliliyong pakiramdam ay muli na naman dumaloy sa kanyang mga ugat. Hindi niya basta-basta kailangang balewalain ang damdaming iyon dahil pakiramdam niya anumang oras ay maaari niyang ikamatay iyon. “I love to hear that Mrs. Anderson.” Pinipigilan niya ang sarili. Alam niyang pagod pa ito at hindi niya pa nakakatulog ng maayos. “But - ” Hindi niya natapos ang sasabihin ng muli siya nitong siilin ng halik at dahil doon ay hindi na niya kayang tiisin pa ang nararamdaman. “You don’t have to say anything, my dear husband. It is always my pleasure to make you happy.” Wala anu-ano ay tinanggal nito ang nakatabing na kumot sa katawan saka mabilis na idinikit ang hubad na katawan sa kanya. “I was born to be yours.” Iyon na ang naging hudyat niya upang ikulong itong muli sa kanyang mga bisig habang naglalakbay ang kanyang mga kamay sa kabuuan nito.Humahaplos din ang maiinit nitong mga palad na lalong nagpasidhi ng apoy sa kanyang p*********i. “If you say so,”tugon ko. Hindi na niya matagalan pa ang nag-uumapaw na damdamin. Ang pagmamahal niya sa asawa ay walang katulad. “I can’t wait.” Ngumiti ito sa pagitan ng halik. Mas lalong hindi siya makapaghintay sa sayang nararamdaman. Ramdam ni Celine ang labis na pagmamahal ni Jaxon. Kung dati na lihim pa ang kanilang pagiging mag-asawa ay ayaw nitong malayo sa kanya, mas lalo pa na legal na sila at buong mundo na ang nakakaalam ng kanilang pag-iisang dibdib. Hindi nito nais bitiwan man lang ang kamay niya kahit saan sila magpunta. Binuhat siya nito mula sa kama patungo sa banyo upang sabay na maligo. Pagkatapos ay binihisan siya nito at gamit ang hair blower ay pinatuyo ang kanyang basang buhok. Ang tangka niyang pagpunta sa kusina upang maghanda ng kanilang makakain ay hindi niya nagawa. “Hey, where are you going?” Mahigpit siya nitong hinawakan at marahang hinapit ang kanyang baywang upang mapalapit lang sa katawan ng asawa. “Magluluto sana ako ng breakfast, sweety.” Awtomatiko niyang pinaikot ang mga kamay sa leeg ng lalaki. “I’ll take care of it.” Makahulugan itong ngumiti. “Why?” “What do you mean why?” Bahagyang kumunot ang noo ni Jaxon. “Gusto ko lang naman ipagluto ang napakagandang kong misis,”dagdag na sabi nito. “Alam ko.” Biglang nasabik ang kanyang puso. “What I mean is that, I wanted to serve my only love. Kaya nais ko sana na ako ang magluto.” “No need, mi amore. Just reserve all your strengths later.”Mabilis itong kumindat. Malakas na nahampas niya ito sa balikat. “Are you kidding me, Mr. Anderson?” Sa isang iglap lang ay nasakop na nito ang kanyang mga labi. Pareho pa silang naghahabol ng hininga ng maghiwalay. “That is your punishment,”sagot nito saka siya maingat na hinagkan sa ulo. Naalala niyang ayaw pala ng lalaki na tinatawag niya ito sa ganoong endearment. “Let’s go downstairs. I’m sure you’re already starving.” “I’m still full,”sabi niya. “Full of your love.” Pumaloob siya sa mga bisig nito. “And I am still starving of you,”sagot muli ng lalaki saka siya niyakap ng mahigpit. “Always.” Nag-uumapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso sa mga oras na iyon. Susulitin niya ng husto ang ganoong sandali ng kanyang buhay kasama ang asawang si Jaxon. Gusto niyang ibigay ang nararapat na panahon upang mas maalagaan at maiparamdam ang sobra-sobrang pagmamahal sa asawang tunay rin siyang mahal. “I love you so much, my dear husband.” Tinitigan niya ito sa mga mata at agad naman napagmasdan ang pagkislap ng mga mata nito. “I owe everything to you.” “Wala kang naging utang sa akin, my wife. You’re a god send to me.” “Don’t flatter me. Alam mong ikaw ang hulog ng langit sa akin.” Mabilis niyang hinagkan ito sa labi bago tuluyang hinila palabas ng kanilang silid. “Kung ako ang hulog ng langit, ikaw naman ang goddess na regalo sa akin,”hirit pa nito. Ayaw talaga patalo. “Ah!”napasigaw siya ng bigla siya nitong buhatin habang humahakbang pababa ng hagdan. “Hindi ko ito nagawa nang dumating tayo rito. Kaya, let me hold you like this.” “Baka mapagod ka.” “Oh. What about the whole night of…” Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng asawa. “Ayos lang sa akin. Don’t worry, my love,”natatawa niyang sabi. Halata naman na hindi ito nauubusan ng lakas. Naging saksi ang liwanag ng mga bituin at buwan sa buong magdamag nilang pagniniig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD