CHAPTER 46 – FAIR MATCH

1227 Words

“HI, BRENT!” Kumaway si Sohie nang mamataan ang lalaki di-kalayuan sa kanyang kotse. Alam niyang may kasalanan siya kaya dapat lang na agad siyang bumawi. Halos takbuhin na niya ang pagitan nilang dalawa. “I’m so sorry for being late,” dagdag pa niya. “You’re always late Sophie. I’m used to it,” sagot nito. Kung sa iba siguro ay katatakutan ang kanyang pinsan dahil sa laki ng boses nito. Kung sa isang choral group naman o choir ay maaaring bass ang nota na nakatoka sa lalaki. “So you’re going to the Philippines with your Dad and siblings?” mayamaya pa ay tanong nito. Sinabayan siya nitong maglakad. Sa tangkad ng pinsan niya ay halos dalawang hakbang ang katumbas ng isang hakbang sa haba ng mga hita nito. Maging siya ay nasanay na rin tuwing magkasama. “Yeah, how did you know about it?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD