NAKAILANG BILING SI JAXON SA KANYANG HIGAAN. Maaga siyang umuwi sa kanyang condo dahil nais niyang makapagpahinga. Hindi siya tinantanan ni Zeny hangga’t hindi siya pumapayag na umuwi. Balak niya sana na doon na lang muna sa kanyang opisina manatili hanggang sa dumating ang mga Williams. Nasabihan pa siya ng pinsan niya na nagmomonghe sa AGC Building. Napahalakhak siya nito. Bagay na bihirang niyang mangyari sa kanya. Mukhang inililibing na yata niya ang kanyang buhay sa kalungkutan. Muling siyang bumangon at nagtungo ng banyo. Humarap sa malaking salamin na nandoon saka matamang pinagmasdan ang sarili. Isang imahe na may nanlalalim na mga mata at may mahahabang bigote at balbas ang kanyang nakita. Kailan na nga ba niya huling naalalang ganoon siya? Malalim siyang napa-buntunghininga. B