CHAPTER 8 - A STRANGE LOOK

1316 Words
SA UNANG PAGKAKATAON AY nasaksihan niyang maging wild si Jaxon sa kanya ngunit nangingibabaw ang pag-iingat. Matapos ang pagniniig ay nilubog nito ang sarili sa kanyang katawan, showering wet kisses on her neck. Napangiti siya. Mukhang naglalambing na naman ang asawa ngunit kumunot ang kanyang noo ng bigla itong bumangon at nagmamadaling pumasok ng banyo, naked. Pagbalik nito ay nakabihis na at may dala-dalang wipes. Pinanood niya ang bawat kilos nito mula sa pagpulot ng mga damit niya at ang pagkuha nito ng underwear sa tokador kung nasaan ang kanilang mga dalang gamit. Lumapit sa kanya saka marahang tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanya. “Ano ang gagawin mo?” tanong niya. “Let me clean you,” sagot ni Jaxon. “Ako na lang.” Dahan-dahan na siyang bumangon. “Love please, let me do it.” Nakikiusap pati ang mga mata nito kaya napilitan siyang magpaubaya. Buong ingat siya nitong pinunasan kaya naman ang pag-aalinlangan ay nahalinhinan ng buong pagtitiwala. Kahit na mag-asawa na sila ay hindi pa nasasanay sa ganoong kilos ng lalaki. Bahagya siyang napaangat nang isuot ang kanyang underwear kasunod naman ang pang-itaas. “Baba lang ako,”sabi nito matapos hagkan ang tungki ng kanyang ilong. “Bakit?” Natigilan ito sa kanyang tanong saka ngumiti. “Kukuha lang po ako ng makakain natin.” “Sasamahan na kita sa baba.” “Kaya mo na ba? I'll carry you.” “Kaya ko, sweety.” “Okay, still aalalayan kita.” Agad siyang tumango. Inabot nito ang roba niya. “What is this for?” “Cover your body love. Baka sipunin ka at nasa ibaba ang mga bodyguards.” “Natatakot ka bang makita nila ako?” “Ako lang ang dapat makakita niyan, mahal ko.” Nahihimigan niya ang pagseselos nito kahit na nakangiti ito. Ikinawit na niya ang kamay sa braso nito. “You’re really cute when you smiles.” Lalong lumuwang ang kanyang pagkakangiti.”Get on my back.” “Jaxon,” tawag niya sa pangalan ng asawa. “I can manage to walk.” “I know you’re still sore. Please,” nagmamakaawa nitong sabi. Her husband is too concerned! Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sinabi nito. “Okay,” tugon niya. Sumampa na siya sa likod nito at mabilis na umagapay ang dalawang kamay nito sa kanyang katawan. Para siyang isang bata na tuwang-tuwa. “Mabigat ba ako, sweety?” “You’re very light like a leaf. Are you on a diet?” “I think I need to plan my diet soon.” “Love, please eat more. You need more nutrients,” sabi nito habang humahakbang sa baiting ng hagdan. “You’re so sexy that anyone could get you away from me.” “Walang makahihigit sa iyo, my husband. Remember that,” tugon niya. Tumigil ito saka lumingon sa kanya. “What?” “Kiss me, please. Your slave needs your loving kiss,” nakanguso nitong sabi. “Who says you are my slave?” “My heart tells me. I might die any moment without your kiss.” Napahagikhik siya sa tinuran ng asawa. Kilig all over. Akala niya siya lang ang parang bata kapag kasama ito. Mas malala pa pala ito. “I’ll give you a kiss only if… you allow me to get down.” Masyado siyang bini-baby. “But - “ Bumaba na siya mula sa likuran nito saka mabilis na kinabig ito upang maangkin ang nakaawang nitong labi. “Very sweet,” nakangiting sabi nito matapos ang ilang minuto na pag-angkin sa bawat isa. “Tara na sa dining, baka kung ano pa makain ko.” Mahigpit siyang hinawakan sa kamay ng asawa. Bagama’t naninibago siya sa pagiging prangka nito sa kanya ay mas nakadagdag pa iyon ng kanyang pagmamahal. Isang patunay lamang iyon kung gaano nito pinaparamdam ang pagnanais na makasama siya sa tuwina. NAGISING SIYA sa mainit na halik ng katabing asawa. Natulog siyang yakap nito gayundin sa kanyang paggising. What a feeling! She can live with the man beside her til forever. Parang ayaw na niyang matapos pa ang mga sandaling iyon. “Love,” tawag niya sa lalaki. Nakita niyang napangiti ito ng haplusin niya ang mukha nito. “Hmn?” “I love you,” sabi niya at agad itong nagmulat ng mga mata. “I love you more,” tugon nito at mabilis siyang hinagkan sa labi. “Saan ka pupunta?” tanong nito nang bumangon siya. Hawak na nito ang kanyang braso. “Sa banyo lang po.” “Samahan na kita.” Akma na itong babangon ngunit tinulak niya ito pabalik sa pagkakahiga. “Stay here. Saglit lang naman ako sa banyo.” “Okay maam,” malungkot nitong sagot. Pagbalik niya ay may kausap na ito sa mobile phone. Nagtaka pa siya ng mapagtantong pag-aari niya ang hawak nitong gamit. Nilingon siya nito upang ngitian saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap. “Sino ang kausap mo?” “Direk Rico called you. Ako na ang sumagot dahil nasa banyo ka pa.” Tumabi ito sa kanya and rested on her shoulder. “Ano ang itinawag ni Direk?” “May bagong project na inaalok sa iyo. He will send you the script.” “Ah.” “What do you think?” “I made a promise to you, di ba?” “Kung nais mo pa rin na magtrabaho ay wala naman problema sa akin, kukulitin nga lang tayo ni Mom at Dad.” “I think I’ll pass. Bahagi na ako ng pamilya ninyo kaya naman mas priority ko kayo kaysa sa – “ “Sa pangarap mo,” pagtatama nito sa kanya. Inaalala pa rin siya ng asawa. Alam nito na pangarap niyang maging isang aktres. Bukod sa lumutang ang galing niya sa una niyang lead role project ay dumagsa na alok sa kanya ng mga teleserye projects including endorsements ng iba’t ibang local at international brands. “My wife, magiging masaya ako kung ano ang makapagpapaligaya sa iyo. We can make an arrangement since you are already married to the boss of your director.” “Paano kung magbuntis ako in the middle of the taping?” “That’s why we need a special arrangement. No one disagree about it or else you’re not gonna accept the project.” Tumango-tango siya. “Then, pag-iisipan ko po muli.” “I’d love that.” Inilapt nito ang mukha sa kanya ngunit mabilis ding inilayo. “Before I forgot, you’ll accompany me later.” “Saan?” “Ahm…” Hindi nito maituloy ang sasabihin. “Love,” tawag niya sa asawa. “Makikita at malalaman mo rin mamaya,” sagot nito. “Baka kung ano iyon ah!” Kinurot niya ang tagiliran ng asawa. “Ito-tour lang naman kita sa kabuuan ng island.” Ngunit hindi pa rin ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Sigurado siyang may hindi ito sinasabi sa kanya. “Okay, sabi mo eh.” “So, let’s continue to sleep.” Hinila siya nito pahiga sa kama. Ang buong katawan niya ay nakakulong sa mga mala-bakal nitong bisig. “Love,” narinig niya tawag nito. “Hmn?” Humarap siya sa asawa. “Ikaw lang ang mahal ko.” Unti-unti ng humina ang depensa niya sa sarili at hindi na napigilan ang mapangiti. “Hinihintay ko ang sagot mo.” “Ikaw lang ang tanging dasal ko, ang nais kong makita sa bawat oras dahil ikaw lang ang mahal ko,”mahaba niyang turan. Tila nagliwanag ang mukha ni Jaxon. Magaan siyang hinagkan sa labi at niyakap ng napakahigpit. “I love you most,” dagdag pa nito. “You’re my biggest achievement in my life.” Napapikit siya sa kasiyahan. Ang lalaking hindi nawawalan ng sasabihin. Ang gusto ay laging nakakalamang ng pagmamahal sa kanilang dalawa. He’s so cute! ********** Cute couple indeed! ???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD