MAY NGITI SI Celine sa labi nang magising. Halos tatlong apat na oras siyang nakatulog at kakaibang ginhawa sa katawan ang kanyang nararamdaman. Nang maalala ang naging usapan nila ng asawa ay agad siyang naligo upang lalo mapreskuhan. Kailangan pa niyang ayusin ang mga gamit nilang dala mula pa sa maikling pagbabakasyon sa Balesin Island. Nais niya rin tumulong sa paghahanda ng hapunan dahil tiyak niyang magmamadaling umuwi si Jaxon. I missed him already. Kahit na ilang pa lang silang magkahiwalay ay ang lalaki na agad ang laman ng kanyang isipan. Matapos makapagbihis ay inisa-isa niyang tinanggal ang laman ng mga bag na nasa gilid ng malaki nilang tokador. Hindi niya hinayaang kunin ang mga ito ng mga kasama nila sa bahay dahil gusto niyang siya ang mag-asikaso ng mga gamit nilang mag