Capitulo 2

2412 Words
NAGISING ako sa madilim at sementadong silid. Yari sa bakal ang pinto at mayroon lamang itong maliit na butas, sapat na para sumilip at makasagap ng hangin. Amo'y alimuom ang lupa na parang kasisibol lamang ng unang ulan. Napatayo ako nang manuot sa balat ko ang lamig ng sahig. "Diosko, nasaang lupalop ako?" nanginginig ko'ng tanong sa sarili. Inalala ko ang mga huling kaganapan. Nasa sasakyan ako habang kainuman ang matandang parokyano. Nakatulog ako pagkatapos ko'ng inumin ang alak na binigay nito sa akin. Ibig sabihin, nilagyan nito ng pampatulog ang iniinom ko. Pero bakit? Kusa naman akong sumama sa kanya at handa rin naman ako sa kinemper kahit pa amoy lupa siya kaya hindi ko maiintindihan kung bakit niya kailangang gawin iyon? Maliban na lang kung. . . Nanlaki ang dalawang mata ko sa nabuong teorya. Binabalak niya ba akong patayin? Ibig sabihin, dito na magtatapos ang buhay ko? Bigo na nga ang plano tapos mamamatay pa akong pokpok? Nasaan ang hustisya! Isiniksik ko ang sarili sa ilalim ng lamesa nang makarinig ako ng mga yabag. May mantel iyon kaya naitago ko ang payat na katawan. Ngayon ko rin napansin na may kagamitan pala dito sa loob. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid. Saka pa lamang gumapang ang liwanag papasok sa loob mula sa labas. Sumunod ang dalawang lalaki sa pagpasok na kapwa nakasuot ng kulay orange na damit. Nang tumalikod iyong isa para sumilip sa labas ay nasipat ko ang nakasulat na malaking letrang P sa likod ng damit nito. P? Preso ba ang kahulugan no'n? "Magmatiyag ka nang maigi, Bruno. Baka nasundan na tayo ng kalaban," utos ng isang lalaki na may hikaw sa ilong. Dalawa iyon, kabilaan. "Areglado, Diego," tugon ng nagngangalang Bruno na lumabas pa upang magsilbing look out. Naglakad iyong Diego na parang may hinahanap. Paglao'y umasim ang mukha niya nang tila nabigo sa pakay. "Dito ba talaga ang kwartong sinabi ni Tanda?" tanong nito sa kasama. "Oo, bakit?" "Putang ina! Nasaan na iyong regalo niya para kay Boss? Wala naman akong makitang babae! Pinaglololoko yata tayo ng matandang 'yon! Mapapatay siya ni Boss pag nagkataon! Pati tayo, damay!" konsumidong saad nito. Tarantang pumasok ulit iyong Bruno. "Baka naman nakatakas? Patay na talaga tayo. Tigang na tigang pa naman si Boss ngayon. Ilang linggo na 'yong diyeta. Sabik na sabik na 'yon sa laman." "I-text mo ulit si Tanda. Siguraduhin mo sa kanya kung dito ba talaga niya iniwan. Baka nasa kabilang bartolina." Naglakad lakad ulit ito. Napalunok ako nang marinig ang huling sinabi nito. Bartolina? Para sa mga preso ang bartolina 'di ba? Ang ibig sabihin. . . "Ay t**i mo'ng sarat!" sigaw ko nang bumulaga sa harapan ko ang mukha ng lalaking pangalan ay Diego. Ngumisi ito sa akin nang malapad. Lumabas ang kulay mantsa nitong ngipin. "Positive, Bruno. Nandito iyong babae. Nagtatago lang pala sa ilalim ng lamesa." "K-Kuya, pakiusap, 'wag niyo ko'ng patayin." Pinagkiskis ko ang dalawang palad bilang pagmamakaawa. "Labas na, hindi ka naman papatayin ni Boss. Baka sa sarap, pwede pa," sabi nitong kumakamot sa ulo. Napipilitan naman akong lumabas mula sa ilalim. Lumapit na rin iyong Bruno. Lantaran na akong pinasadahan ng dalawa nang tingin. Mula ulo hanggang paa. Kinikilatis nila ang itsura ko. "Nagbago na pala ang taste ni Boss," komento no'ng Bruno. "Mahilig na pala siya sa hipon." Tumaas ang kilay ko. Aba, ang kapal naman ng kalyo ng mukha nito para sabihan ako'ng hipon! Nanggaling pa talaga sa kanya na mukhang hindi pa nakakatikim ng ligo sa mga lumipas na dekada. Binatukan ito ni Diego. "Punyeta ka Bruno, huwag mo'ng insultuhin sa harapan ni Boss ang mga babae niya. Baka putulin niya 'yang burbur mo gamit ang tsane!" "Pasensya naman. Naninibago lang ako sa niregalo ni Tanda. Ibang iba kaysa doon sa huli." "Kung sabagay, may punto ka," sumang-ayon naman itong Diego. "Hindi kaya sinadya ito ni Tanda para asarin si Boss?" "Baka naman ito talaga ang request ni Boss sa kanya." "Malabo talaga. Mapili si Boss, magaganda lang ang type niya." "Hayaan mo na. Hindi na natin kasalanan kapag hindi tinagasan si Boss sa babaeng 'to. Kasalanan na ni Tanda iyon." Napipikong suminghap ako at humanda na sa pagpalag. "Hi, people of the Philippines! Nandirito pa po ako sa harapan niyo. Kicking and alive. May feelings pa rin kahit pokpok. Dahan dahan naman kayo sa panglalait ah," nababanas kong sabi. Nakakababae na kasi. "Pangit man ako sa inyong paningin, kayang kaya ko'ng dalhin sa langit ang Boss niyo! Gusto niyo ng sample? Dalhin niyo na ako sa kanya ngayon din!" matapang ko'ng kasa. Nauna na akong magmartsa palabas ng kwartong iyon. Ayoko talaga ng hinahamon ako, lumalabas ang pagiging gerilya ko. Hindi ako tumanda bilang pokpok para lang umurong sa t**i. Kung makapagsalita ang mga 'yon na pangit ako, akala mo kega-gwapo. Pare-pareho lang naman kami ng hulma ng pagmumukha. Atlis ako exotic ang ganda. Sila, mukhang mga kriminal. Bagay na bagay sa kanila ang damit nilang kulay orange. At pihadong akong pangit din ang itsura ng tinatawag nilang boss. Napahinto ako sa paglalakad nang mapagtanto ang kahabaan ng lugar na nilalakaran ko. Napapalibutan ako ng mga seldang walang tao. Nilingon ko iyong dalawang lalaki sa likuran ko. Nakasunod sila sa akin. "Nasaan nga pala tayo?" tikhim kong tanong. "Nasa City Jail. Saan pa ba? Hindi pa ba halata sa suot namin?" pilosopong sagot no'ng Bruno. Nanlaki ang dalawang butas ko sa ilong. Kumpirmado ngang nasa kulungan ako ng mga preso. Saglit akong nahintakutan. "I-Iyong boss niyo ba, kriminal ba siya?" Natawa naman ang dalawa na parang isang katangahan ang itinanong ko. Ang sarap sipain ng dalawa sa itlog. "Most wanted criminal in the Philippines," sabay nilang sagot na parang nag-re-recite lang ng preamble ng Philippine Constitution. Kahit ako nagulat nang maisip ko ang preamble. Putang ina, ang talino ko pa lang pokpok. Pero teka sandali, pinanlamigan ako nang malala ulit ang sitwasyon. Malulutong na mura agad ang pinakawalan ko sa utak. Hindi ako handa. Ito ang unang beses na may makakasiping akong kriminal. Kahit naman mababa lang ang pinag-araalan ko, naiintindihan ko ang mga nangyayari. Iyong huras barabas na matanda na akala ko'y magiging sagot ko sa problema ang siya pa palang naghatid sa akin sa mas malalang konsumisyon. "Huwag ka nang mag-isip. Halika na at hinihintay ka na ni Boss," anas ni Diego sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kung kanina ay seldang walang laman ang nakapalibot sa akin ngayon ay hindi na. Pagpasok kasi namin sa isang malaking rehas na gate ay bumungad sa akin ang mababahong preso na siksikang nakapiit sa magkabilaang selda. Lahat sila ay hayok na hayok sa pagnanasa habang nakatingin sa akin. Mayroon pa'ng isang preso na dinidilaan iyong bakal na rehas. Ini-imagine niya sigurong ako iyon. Napangiwi ako sa pandidiri. "That's so gross! Ew!" Panggagaya ko sa litanya ng mga kasamahan ko'ng pokpok. "Wow, kakaibang pokpok 'to, inglesera," komento na naman nitong si Bruno. Napairap ako rito. Konti na lang, masasampal ko na 'to eh. Muli ko'ng ibinalik ang tingin sa daan. Napakalaki ng kulungan at may mga Warden na nakabantay. "Papasukin niyo kami," dominanteng utos ni Diego sa nakabantay na Warden. Walang pasubaling sumunod ang Warden at dali daling binuksan ang panibagong gate. "Sino 'yang kasama niyo?" tanong ng Warden pagkatapos ay tumingin sa akin. Tatawa-tawa namang tinapik nitong Diego ang balikat ng Warden. "Huwag ka nang magtangka Warden, kay Boss Judah ang babaeng 'yan. Baka gusto mo'ng maputulan ng burbur?" "Ikaw naman Diego, hindi ka na mabiro. Parang naglalambing lang, eh. Wala na ba, kahit isa lang?" Nagkamot sa ulo ang Warden. Humirit pa talaga. "Hindi ako kinikilig sa paglalambing mo, Warden. Gusto mo ba'ng maranasang ma-pwetan ng preso?" Namutla iyong Warden at agad na umatras. "S-Sige, pumasok na kayo. Sabihin mo kay Vedeja na kung gusto niya ng iba pang babae, may irereto ako." "Makakarating kay Boss." Matapos iyon ay nilagpasan na namin ito. Napuno ako nang pagtataka. Ano bang klaseng kulungan ang pinagdalhan sa akin ng matandang 'yon? Bakit hindi man lang kami magawang sitahin ng mga Warden? Tila hari ng daan ang dalawang mokong kung umasta. Halatang may padrino. Parang sila pa ang batas kaysa sa mga pulis. Kakaiba talaga. Ganito na ba ang kalakaran sa kulungan? Preso na ang nasusunod imbis na kapulisan. Marami pa kaming nilagpasang selda kung saan samut-saring preso ang aking mga nakita. Lahat sila ay may mga tattoo. Lahat sila ay mga mukhang gutom sa s*x batay sa kung paano nila ako tingnan. Literal kasing tumutulo ang laway nila. Iwinasiwas ko lang ang buhok ko. Iba talaga ang kamandag ng ganda ko. Nakaka-ulol. "We're here," pag-i-ingles na saad nitong Bruno na agad namang napa-aray nang batukan ito no'ng Diego. "Pakyu ka, Bruno. Bakit may pag-i-ingles? Kriminal tayo, pre!" angil ni Diego. "Ito kasi si Pokpok, umi-ingles din, eh!" reklamong depensa ni Bruno sabay turo sa akin. "Ako? Bakit ako? Nadamay pa ako sa katangahan mo. Saka hindi pokpok ang pangalan ko, kundi Mystica. Narinig mo? Mystica!" sigaw ko naman. "Weh, sige nga, mag-split ka nga sabay bending," anito. "Putang ina ka, Bruno. Iba si Mystica sa Sexbomb. Huwag kasing puro j*kol, nakakabobo 'yan," pagsasaway naman nitong Diego. "Tumahimik na kayong dalawa, kakatok na ako." Mabilis na umayos itong si Bruno pati na rin si Diego. Nasa tapat kami ng isang bakal na gate. Kulay pula iyon na may nakapaskil na litrato ng bungo. Nakakakilabot iyong tingnan. Napapaurong tuloy iyong c******s ko sa kaba. Mamaya ko na lang huhugutin. Nagsimula nang kumatok si Diego ng tatlong beses. "Come in," Sagot ng isang barotinong boses mula sa loob. Paos iyon na parang pagod na pagod. Napa-wow ako nang palihim. Inglesero ang kriminal na nagsalita na parang natural sa kanya ang pagsasalita ng ganoong lengguwahe. Hindi katulad ko na trying hard copycat ang hulma ng dila. "Dito muna kayo. Ako muna ang papasok," sabi ni Diego na naunang pumasok sa loob. Nanginginig ang tuhod ko. Nahugot ko rin ang hininga ko sa takot. Gusto ko nang tumakbo palayo. Kaso ay baka naman hindi ako makalabas ng buhay kapag ginawa ko 'yon. Napansin ko'ng nakatitig sa akin si Bruno habang nakangisi. "Takot ka?" "H-Hindi. Bakit naman ako matatakot?" tapang-tapangan kong sabi kahit gusto ko nang maihi. "A-Anong ba'ng itsura ng boss mo?" kuryoso talaga ako. "Halimaw,” walang kakurap-kurap na sabi nito. Napalunok ako nang matigas. Tila naman bumara iyon sa lalamunan ko na kaagad nagresulta nang pag-ubo. Tangina! Ano ba 'tong napasok ko? "Mystica, pumasok ka na raw sabi ni Boss," sumilip si Diego sa pinto upang sabihin sa akin iyon. "Good luck sayo, Sexbomb Rochel. Tawagin mo lang si Tito, Vic at Joey kapag nagkaproblema," pang-aasar na naman ni Bruno na muling nakatanggap nang sapok kay Diego. "Putang ina ka, Bruno, j*kol pa more. Sinabi ng Mystica ang pangalan niya!" asik ni Diego kay Bruno. Inirapan ko ang dalawa bago sumalang sa matinding pag-iisip. s**t! Piping mura ko. Ito na talaga! Pumikit ako at saka huminga nang malalim. Relax, Tracey. Isang gabi lang naman 'to. Ano naman kung kriminal iyong makaka-s*x ko ngayon? Pare-pareho lang naman ang itsura ng t**i mapa-kriminal o hindi. Nagkatalo lang sa size. But size doesn't matter at all basta may pera. Bayad na ako no'ng matanda kaya no choice talaga kundi sumuong sa kalbaryong 'to. Kailangan ko'ng dumiskarte at hindi masasagot iyon nang pag-iinarte. Ilang beses ko pang kinumbinsi ang sarili bago napagpasiyahang pumasok sa loob. Malawak ito, iyon ang una kong napansin. At hindi ito mukhang kulungan na siyang ikinamangha ko naman. Patay sindi ang pulang ilaw na tulad sa Casa. Mas lalong hindi amo'y kriminal. Naamoy ko ang pabango ng lalaking kagagaling lamang sa pagligo. Mabangong aroma iyon na agad bumuhay sa aking sistema. Nilingon ko ang paligid. Sinubukan ko'ng tingnan si Diego at Bruno pero wala na ang dalawang mokong. Ako na lang talaga mag-isa at ang boss nila. Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarinig ako nang tunog na nagmumula sa punching bag. Magkakasabay na suntok ang sumunod pang mga ingay. Umawang ang bibig ko nang makita ang isang lalaki na ang tanging suot lamang ay boxer. Hubad ang pang-itaas. Bagama't hindi ko makita ang mukha nito ay kitang-kita ko naman ang bato-batong muscles sa likuran nito. Nakatalikod ito habang pinauulanan nang suntok ang punching bag. Tila dito nito ibinubuhos ang inis na nararamdaman. Ito na marahil iyong Boss ng dalawang ugok. Alanganin ko'ng sinubukang ihakbang ang paa ko nang bigla itong magsalita. "Stay right there, woman. Don't try to come near me." Awtomatikong huminto ang mga paa ko. Maya-maya ay tumigil ito sa pag-suntok. Hingal na hingal itong nagpahinga. "S-Sir," tawag ko. "Gusto mo ng tubig?" Pag-aalok ko. "f**k woman, sinong nagsabi sayong pwede mo ako kausapin?!" galit nitong sabi bago pumihit paharap sa akin. At iyon ang pagkakataon na natitigan ko nang malinaw ang mukha niya. Ito na yata ang pinakagwapong kriminal na nakilala ko sa tanang buhay ko. Hindi ako marunong magbigay ng deskripsyon sa lalaki pero alam na alam ko sa sarili ko na napakagwapo niyang lalaki. Tama si Bruno sa sinabi niya. Halimaw nga ang boss niya. Halimaw sa kagwapuhan. Wala sa loob na napahawak ako sa palda ko. Kinapa kapa ko 'yon. Tumaas ang kilay ng gwapong kriminal. "Anong kinakapa mo sa damit mo?" Tagilid akong ngumiti. "Sinisigurado ko lang kung suot ko pa rin ang panty ko. Baka kasi nalaglag na." "f**k! You're still wearing your panty?" singhal nito. Naguluhan ako sa tanong nito. "O-Oo..." kinabahan ako bigla. Anong masama kung suot ko pa ang panty ko? Mabilis itong naglakad palapit sa akin at saka malakas akong ipiniid sa pader. "What's your name?" "M-Mystica. . ." "Give me your real name, woman." Binasa ko ang labi gamit ang dila. Pakiramdam ko kasi ay natuyuan na ako ng tubig sa katawan. "T-Tracey. . . Tracey Dimatagtag," sa wakas ay sagot ko. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa dalawang balikat ko pagkatapos ay ngumisi. Gwapo nga pero ang lakas ng sapak sa utak. "Right, Tracey, tandaan mo ang sasabihin ko, bawal mag-panty kapag ako ang kasama." Agad na tumutol ang loob ko. "I-Imposible. Isang gabi mo lang ako makakasama." "Sinong may sabi?" "Iyon ang usapan namin ng matanda," wika ko na lang kahit ang totoo ay wala namang naganap na ganoong usapan. "f**k that,” naghalo ang tawa at ngisi nito. “Starting tonight, you'll only listen to me, woman. Sa akin lang at wala ng iba." Bumaba ang tingin niya sa labi ko at saka siniil iyon nang matitinding halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD