bc

I love you April

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
others
others
others
bxg
city
civilian
like
intro-logo
Blurb

Drake and April.

Minahal na nila ang isat-isa mula pagkabata pero maiiba ba nito ang tinadhana?

"I don't love you anymore, let's divorce"

"Drake, wag Hindi ko kaya"

"Hindi ko rin kaya habang tinitignan kita, naalala ko ang anak natin..na pinatay mo"

Start:October 1,2021

End:

chap-preview
Free preview
episode 1
"I don't love you anymore, let's divorce" "Drake, wag Hindi ko kaya" "Hindi ko rin kaya na habang tinitignan kita, naalala ko ang anak natin..na pinatay mo" **** April's POV Kalungkutan. Yan ang namutawi sa kalooban ko habang pumipirma sa divorce papers na hawak ko. Hindi ko alam kung pano Pa ako mabubuhay kung ngayon palang ay patay na ang kalooban ko. Wala na ang anak ko at hiniwalayan na rin ako Ni Drake. Pati si mommy ay iniwan na rin ako pano Pa ako mabubuhay nito. **** Ang batang april "Mother? May gusto na po bang umampon sakin? " Hindi ko na mapigilang itanong kay mother iyon. Ang sabi kasi ng mga bata dito ay walang aampon sakin dito kasi pangit ako. Hindi ko sila bati. "Abegail anak, darating rin ang panahon na yan, hindi bat sinabi ko sayo mag pray lang always kay god para ibigay nya ang wish mo" Yan ang naging sinasabi sakin ni mother, simula nung baby Pa daw ako ay iniwan na ako ng magulang ko dito. Ngayon ay six na ako, big girl na ako sabi Ni mother dahil nabungi na daw ang ngipin ko. Inaasar nga ako ng mga bata dito na bungi. Hindi ko sila bibigyan ng candy. Hindi rin nila ako sinasali sa paglalaro ng Chinese garter sabi nila lagi nalang nila akong binubuhay, ni sa paglalaro ng tagutaguan hindi nila ako sinasali, kaya lagi ang kasama ko ay si mother. "Pero mother nag pepray po ako kay papa god, ang sabi ko po papa god sana po ay may mag ampon na sakin dito dahil hindi ko sila bati dito, hindi po nila ako sinasali sa Chinese garter pati po sa tagutaguan. Tyaka mother nag pray rin po ako kay papa god, ang sabi ko po sana bumalik Pa ang tunay na mommy at daddy ko mother" Simula bata Pa ako tinuruan ako mag pray ni mother ang sabi nya tutuparin daw ni god ang hiling ko. "Pero bakit mother hindi Pa sila bumabalik? " Pinat lang ni mother ang ulo ko at tyaka ako binigyan Pa ng cookies. Siguro kahit si mother hindi alam ang sagot sa mga tanong ko. **** Ngayong araw darating ang may mga mommy at daddy na gustong mag ampon, kaya naman nag dress ako ng maganda at tyaka nag tali ng maganda. Kinuha ko rin ang lipstick na kinuha ko kay mother at nilagay sa bibig ko. Ang ganda ko na. Nilagyan ko rin ang pisngi ko at tinap tap. Mas lalo akong gumanda. Naglagay ako ng pabango at umikot ikot. Sana mapili ako. Bumaba na ako sa hagdan at tumungo muna sa likurang bahagi ng ampunan. "Pasali ako ako" Sabi ko kela bengbeng, naglalaro kasi sila ng chinese garter. "Bawal dito ang mga walang nanay!"sabi ni bengbeng atsaka tunawa. Hindi totoo yun may mama ako hindi ko lang kilaka kung sino. Kinuha ko ang bato sa gilid ko at akma kong ibabato yun kay bengbeng ng may pumigil sakin. Tinignan ko kung sino ito, isang batang lalaki ang may hawak sa kamay ko. Tila nahiya ang kutis ko sa sobrang puting kulay ng balat nya. Iniisip ko kung nagbibilad ba sya sa araw, kasi parang namumutla na sya. "Dont do that"sabi pa ng lalaki habang umiiling."wala daw kasi akong nanay"sabi ko rito.Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak pero hindi na kinaya ng mga luha ko at tuluyan na silang nagsibagsakan.Nakita ko naman na nataranta ang lalaki sa pag iyak ko. "Lahat kayo dito ay walang mga magulang,thats why you are all here,because your parents abandoned you"pagpapatahan nya sakin.Tinignan ko sya at isinasaisip ang mga sinabi nya. Ibig nya bang sabihin inabanduna na ako ng mga magulang ko at hindi na ako babalikan ni mama dito?Hindi ko na mapigilan uli ang mga luha ko at nagunahan na silang magsitulo. "Pero ang sabi sakin ni mother babalik si mama,babalikan nya ako!Masama ka !Liar ka!" Tinulak ko sya pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa loob.Pinagsisihan na lumabas ako dun ng maaga.Hindi ko bati ang lalaking yun.Bad sya,sabi ni mother masama ang liar.Kinuha ko si desire ,ang manika ko at niyakap iyon.Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.? **** "Abegail anak,gising na"naramdaman ko na may marahang tumatapik sa pisngi ko.Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si mother sa harapan ko. Nginitian nya ako."Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala,akala ko ba excited ka sa mga bisitang darating?"napakusot nalang ako sa mata ko at tumingin sa orasan. 7:36,tinignan ko ang bintana ko at nakita kong madilim na.Hindi pala ako nagising.Isang buntong hininga lang ang naibigay kong sagot kay mother. Nandito kami sa banyo at hinihilamusan ako ni mother,ang sabi nya mukha daw akong payaso ,kaya napa simangot ako. "Mother,di ba po masama ang liar?" "Yes abegail,masama ang liar" Ibig sabihin masama talaga yung bou kanina.Liar sya. "Mother totoo po ba ang sabi nung lalaki kanina ,abandoned na daw kami ng mga parents namin." Natigilan naman si mother sa pakusot sa mukha ko. "Sinong lalaki abegail?"tanong nya sakin ,pinagpatuloy nya rin ang pagkukuskos ng mukha ko. "Hindi ko po kilala ,pero liar po sya.Diba po ang sabi nyo babalikan ako ni mama dito,ang sabi nyo pa bad ang liar.Eh hindi naman po kayo masama" Hindi ako sinagot ni mother pinat nya lang ang ulo atsaka pinagpatuloy ang pag hihilamos sakin.Liar ka rin po mother. Kinabukasan.. Kinusukusot ko ang mata ko atsaka ako pumunta sa banyo para mag toothbrush at mag tanggal ng muta. ?Brush..brush brush three times a day-? Pagkatapos ko mag toothbrush ay bumaba ako para kumain ng almusal. Pagdating ko sa kusina ay isang pinggan nalang ang natitira,na para sakin. Kinuha ko iyon ,at naupo na sa sulok. Hmm champorado ,at maraming gatas sa ibabaw.Napangiti ako at sinimulan ko ng kainin ang almusal ko. Lagi akong nahuhuli sa pagkain,Dahil ayaw nila akong kasabay at ayaw ko rin silang kasabay.Lagi nila akong inaaway. "Abegail dalian mo riyan, pinapatawag ka ni mother" "Oho manay ising! " Binilisan ko na ang pagkain at hindi maiwasang isipin ang sasabihin sakin ni mother, manonood papala ako ng the loudhouse! *tok*tok "Mother si abegail po ito. " **** Nakaupo ako dito sa sofa ng office ni mother, may inaantay daw kami. ?Leron leron sinta buslo ng papaya? Naiinip na ako sa paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ,pumasok ang dalawang magasawa kasunod nito ang batang lalaki kahapon. Anong ginagawa ng liar na to dito!? **** •Please do vote and comment• (*^▽^*)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook