Ryan (POV) Mabilis na lumipas ang araw, napagpasyahan kong dumalo sa paanyaya ng isang investor. Ang hindi ko inaasahan ay pinayagan ni Kuya Natan si Autumn na sumama sa akin, so ibig sabihin ay maaga akong aalis sa party. Excited pa si Mommy dahil siya raw ang mag aayos sa inaanak ko. Hinayaan ko na lang dahil wala silang anak na babae. Sinundo ko ang aking inaanak sa School nila mas excited pa ata siya dahil nasa gate na siyang naghihintay sa aking pag sundo sa kanya. Pag kahinto ko sa aking sasakyan ay agad siyang lumapit, pumasok at nag seatbelt. "Let's go Ninong." Sambit niya na naka ngiti kaya inapakan ko na ang gas pedal para umalis na kami. Pagdating namin sa bahay ay patakbo pa siyang pinuntahan ang kwarto ng Mommy ko dahil doon siya aayusan. "Anak, be careful! sigaw ko dahil