YURI'S POV
Natigilan ako sandali at tinignan ko sila, dahil sa sinabi niya hindi ko mapigilan humalakhak ng malakas at nakatitig sila sakin ng takang-taka kung bakit ako tumatawa, tuloy parin ako sa pag-tawa.
"Hindi naman ako naging biktima ng lalaking iyon. Hinawakan ko ang tiyan ko and I tried to calm myself, nang lumingon ako sa kanila lahat ng kilay nila nakataas then natawa ulit ako. Pinakalma ko ang sarili at muling nagsalita.
"At hindi rin naman ako papayag na gawin niya 'yon." sambit ko.
PAPAYAG BA NAMAN AKO?!
YUNG PLAYBOY NA YON MAKAKAHANAP SIYA NG KATAPAT!
FLASHBACK
Papunta nako sa room ko na may biglang bumangga sa'kin at sa dahilan ng pag bagsak ng mga libro na hawak-hawak ko.
"Miss, tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" masungit kong tanong sa kanya.
"I-im sorry." Napansin kong nagmamadali siya at parang tumutulo luha niya ano naman kaya ang nangyari sa kanya?
Tinulungan niya ako sa pagpulot ng mga nagkalat kong gamit. Tatanungin ko sana siya pero bigla siyang tumakbo papunta doon sa may puno pagka-abot niya sa gamit ko.
"Ang weird mo teh." sabi ko sa sarili.
Naglakad na ulit ako papunta sa room namin, pagdating ko 'di kalayuan sa corridor ay maririnig mo na ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko.
Hinanap ko kung saan nang galing ang ingay na 'yon, hindi ako chismosa gusto ko lang talagang alamin! Naglakad ako papunta doon sa mga babaeng nagtatawanan. Sinilip ko sila at natanaw ko na may isang duzzling guy na pinalilibutan ng maraming mga babae.
"Girls, look at that girl, she's so pathetic." tinuro niya yung isang babae sa may right side ng room sa may puno at kung hindi ako nagkakamali siya yung babaeng nakabangga sakin kanina, hanggang ngayon umiiyak parin siya.
"Nakakahiya siya!" sambit naman nung isang babae at humalakhak ng malakas.
"Tama ka girl, assuming kasi siya masyado!"
"Girls, girls, look at her!" tinuro nya yung babae na umiiyak "Nasaktan ko yata siya, don't worry I'm looking for a new girlfriend." nilingon niya lahat ng babaeng nakapalibot sa kanya at tinuro niya yung isang babae sa may right side nya. "You, baby."
"Sure, baby." masayang sagot nung babae tapos grabe anlaki ng ano niya, lumapit yung babae doon sa lalaking yon tapos naghalikan sila dito! Talking like PDA grabe!
Ilang segundo lang kumawala na sila sa pag hahalikan nila, aba! buti naman at nakaramdam sila, heller! school po ito hindi kissing area!
"Let's break up!" sambit nung lalaking yon.
"Huh? but why baby?" pagtataka ng babae.
"Hindi ko type 'yang lipstick mo!" Sambit niya habang pinupunas-punasan pa yung labi niya. "Ano ba 'yang brand ng lipstick mo ha? lasang mumurahin!"
Gusto ko sanang tumawa ng malakas dito pero baka pagkamalan akong baliw. Anong alam mo sa mga brand ng lipstick? pshh bading.
"Really? tumagal kayo ng 20seconds?" Sabay tawanan ng mga babae including that guy?
Umalis na ako at tuloy na naglakad palayo. Masyado nang mabigat ang pinag dadaanan ng mundo, tapos may dumadag-dag pa.
END OF FLASHBACK
That guy is Kiefer Mendoza , ang lalaking hangad ng mga babae sa buong school at never pa na may tumagal na karelasyon yan.
Hindi seryoso sa buhay, kung ayaw magtino at gumawa ng mabuti sa kapwa at sa mundo, isauli nalang ang buhay.
Anyways! wala na akong pakialam sa ginagawa niya, besides, wala talaga at in the first place alam kong never siyang magkaka gusto sakin lalo na ako!
At syempre tao rin naman ako nag-kaka-crush, since nung highschool din simula nung sinamahan ko si Penelope Dy, ang bestfriend ko na pumunta sa practice nila sa sayaw. Dancer siya ng school, isa rin siya sa pinaka maganda at popular dito sa LA University. Kaya di mo talaga ipagkakaila na maraming nagkakandarapa sa kanyan. She has beauty and brain.
Simula bata pa kami ni Penelope magkasama na kami, kase yung mga parents namin partner sa business namin 'di naman kami sobrang yaman, pero may kaya ang pamilya namin.
Bunso ako sa aming apat na magkakapatid meron akong tatlong mga gwapong kuya na istrikto pagdating sakin, ayaw nila na magkaka-boyfriend ako. I'm a nineteen yearold at NBSB, oo never patalaga akong nagkaroon ng boyfriend bantay sarado ako sa tatlo kong kuya, at isa pa wala naman akong balak magkaroon ng boyfriend wala sa vocabulary ko 'yon, study first kumbaga, focus muna ako sa pag aaral. Gusto ko kase na makatulong din kila kuya para sa gastusin araw-araw tsyaka wala naman akong mapapala kung magmamahal ako, hihintayin ko muna yung tamang oras para diyan sa mga bagay na yan.
Medyo nagkaroon din ako ng trust issues about love ng makabasa ako ng ilang book romance at movies. Kingina, huling napanood ko nagpakamatay yung babae nung nabalitaan niyang namatay yung lalaking mahal niya pero ang mas nakakakilabot don buhay pala yung lalaki! like wtf sayang yung buhay nung babae!
Kaya lesson learned! bago magpakamatay siguraduhin munang tunay ang mga rumors jusko, stress na si lord!
Sa ngayon ako lang magisa yung naglalakad kasi nauna na si Penelope, malapit na ko sa may room namin. Sakto nag ring na yung bell, pag pasok ko ng room, ilang minuto lang dumating na yung teacher namin.
"Good morning class!" masayang bati ng guro namin. Gwapo siya, sakto yung kapayatan, maputi at bagsak na bagsak ang maitim at kumikintab niyang buhok.
"Good morning, Sir!" bati namin
"By the way, I'm Mr. Gomez, your biology teacher." Umupo na kami, first subject ko pala ang biology at actually first section ako, hindi naman kataasan yung average ko ganon lang yung patakaran nila dito kumpara sa dati kong school.
Pagkatapos ng sunod-sunod na three subject ko tumunog na yung bell.
After nung natapos yung class ko agad na akong pumunta sa canteen para puntahan si Penelope, pagdating ko sa may canteen natanaw ko na siya sa 'di kalayuan at andaming nakapalibot na mga lalaki sa kanya, sino ba naman ang 'di magkakagusto sa kanya bukod sa maganda at sexy, matalino at talented pa.
"Hmmm, can you come with me?" Sambit nung lalaki.
"Sorry, I don't have intention of going a date for a while, excuse me." sambit niya 'don sa mga lalaki. Tumingin siya dito sa puwesto ko tapos nag lakad siya papalapit sakin habang ang lapad-lapad ng ngiti aabot siguro ito hanggang mars, ano kayang dahilan nito kaya ganto 'to?
"Hi Beshy, i—i have to tell you something." sambit niya habang nakangiti tapos na uutal pa.
"Ano 'yon?" Napatingin siya sa bandang likod ko, napatingin narin ako, at pagharap ko nanlaki ang mga mata ko sa pag harap ko parang mahuhulog ako sa kina uupuan ko ngayon, nung makaharap ko siya nairita ako bigla alam niyo na kung bakit syempre nakita ko lang naman ang pinaka mayabang na playboy ng buong school, walang iba kung hindi si Kieran Bryce Mendoza!
Papalapit sa kina-uupuan namin, don't tell me na balak niya akong isunod na maging girlfriend nya? b***h please! ayoko nga hindi ako interesado at hindi naman ako choosy no! ayokong magkaroon ng boyfriend na katulad ng ugali niya at alam kong 'di yon mangyayari dahil alam kong ganito lang ako.
At tama nga ang hinala ko na dito siya pupunta sa side namin ni beshy? nang makalapit s'ya samin dumeretso siya sa side ni Penelope what? kay PENNY?
"Hey!" Saad ni Kieran at ngumiti.
"Hey!"
"Kumain kana ba?"
"Y-yes."
"Oww, that's great!" Sabay kindat pa tapos saka siya naglakad palayo samin.
Teka what? magkakilala sila? at parang close pa sila?
"What's with the 'hey' and 'hey' huh?" I exclaimed.
"A-ah eh, wala no!" nauutal pa niyang sagot.
"Nako siguraduhin mo lang kasi you know, he's Kiefer ang badboy at playboy ng school at wala pa 'yang sineryosong babae, wala pa ngang tumagal na karelasyon yan mga one week lang siguro ang pinaka-matagal." sambit ko
"I know, beshy and I'm not interested to be his girlfriend." sagot niya.
"Buti naman!" sambit ko habang puno ng pagkain ang bibig ko . "Teka, diba may sasabihin ka na 'di mo na tuloy kasi dumating yung lalaking 'yon, ano nga pala 'yon?"
"A-ah wala nevermind!" nauutal pa niyang sagot.
Pagkatapos kong ubusin ang pagkain ko nag paalam nako kay Penny para pumasok na ako sa next subject ko habang siya naman ay bumalik na para sa practice nila.
Pagkatapos ng last subject ko, pumunta nako sa gym para panoorin si Penny sa practice nila para sa Dance Presentation nila, syempre tutal nandito na rin ako papanoorin ko narin ang my loves ko na si Lenox, ang Lenox Pagcaliwangan ng buhay ko.
Pag pasok ko sa gym naupo ako sa isang bleachers dun at pinanood ko si Penelope habang nag papractice.
Malapit na kase yung laban ng school namin sa basketball. Di ko maiwasan na tignan si Lenox dito sa kabilang side, sa bawat pag tingin ko sa kanya parang kami lang ang tao dito sa gym tapos ang hot pa niya kahit pawis na pawis na siya.
Kahit sa malayo amoy na amoy mo yung pabango niya, yung pawis niya grabe mapapahingi ka ng kanin kase bwiset siya na yung ulam!
Nang makatingin siya sakin nginitian nya ko at ganon din ako. oh tukso layuan mo ako! He waved at me and I waved back. Nakita ko na papalapit siya sakin bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko tapos nag iinit na yung pisngi ko pakinengshett!
"Hi, Yuri!"
"H-hi!" nauutal pa ko, syempre sino ba naman hindi kikiligin eh nasa harap ko ngayon ang isa sa pinaka gwapo ng buong school
"Tapos na klase niyo?" he asked me as if he wiped his sweat off.
"Hmm oo, hinihintay ko nalang si Penny"
"Ah okay! sabay sabay nalang tayo lumabas tutal tapos nako sa practice namin"
"Okay!" tipid kong sagot, speechless na talaga ako!
"Wait babalik agad ako mag papalit lang ako ng damit" Nako Lenox kahit wag kana magpalit ng damit, gwapo at fresh ka na sa paningin ko!
"Okay sure." nauutal na naman ako
Pag balik nya ang fresh nya na talaga at ang gwapo nya kumpara kanina, tapos may dala siyang pagkain at juice sakto gutom na ko.
Humaharok na kalamnan ko sa tiyan grabe hindi kase ako nakakain kanina ng maayos.
"Nag-abala ka pa thank you dito ha!" pag papasalamat ko habang ang lapad ng ngiti ko.
"So how's your part time job sa coffee bar nila Penny?"
"Mmm. Okay naman, you can visit there if you have free time." speechless na talaga ako sa ka-gwapuhan nitong si Lenox
Oo nga pala, may side line ako sa bar nila Penelope, syempre may sweldo ako. Para lang naman yon sa pansariling luho ko medyo boring din kase sa bahay pag walang ginagawa.
Mukang tapos narin sila Penelope sa practice nila, papalapit na rin siya samin ni Lenox.
"Hi beshy! hi Lenox" bati ni Penelope
"Hi Penny, ano sabay-sabay na tayo lumabas?" sambit ni Lenox habang nag lalakad kami kung ano ano nalang ang pinag-uusapan namin tungkol sa mga personality namin
Pag kalabas namin sa gate ng university, dumiretso na sa kotse niya si Lenox ihahatid pa dapat niya kami pero malapit lang naman yung bahay namin sa school walking distance lang naman yung bahay namin from school
"So, kamusta naman ang pagkain with Lenox?" sambit niya habang nakakaloko ang ngiti nya
"Ano ba yung sasabihin mo na hindi mo matuloy-tuloy?" huminto kami sa pag lalakad.
"I'm dating with someone." sambit nya. "What? you mean you have a boyfriend at di mo manlang ipinapakilala sakin?" sabay pout habang nakahawak sa magkabilang bewang ko ang kamay ko. "tampo na ko! I thought we're bestfriends? why keeping secrets huh?"
"Sino ba yun? ipakilala mo naman taga school ba din natin?" dagdag ko pa.
"Yes, sa school din natin siya napasok, and you know him" sambit niya pero i have no idea kung sino ba ang tinutukoy nya, "I know him? sino wag mo sabihin na si Lenox yon ha!" sabi ko
"Ofcourse not, iyong-iyo na 'yang Lenox mo beshy!" sambit nya
"Buti naman nagkakalinawan tayong dalawa, pero who's the lucky guy?" sabi ko habang excited malaman kung sino ba yun, aba syempre lumalablayp na ang bestfriend mo syempre bilang kaibigan kailangan ko siyang suportahan.
"Kiefer Mendoza"
"Wow ang swerte naman nyy---WHAT si KIEFER MENDOZA you've got to be kidding me!" Nagulat siya sa naging reaksyon ko di ko sinasadyang pag taasan siya ng boses, nakakagulat kase sa dinami-dami ng lalaki na pwede niyang maging boyfriend yun pang lalaking yon!
"No, I'm serious." tiningnan nya ko mata sa mata at alam kong seryoso nga siya "B-but beshy are you out of your mind? I told you na playboy siya diba? are you serious with that?" seryoso kong tanong "At kelan pa naging kayo?!"
"Three hours ago, after natin kumain sa cafeteria and yes I'm dead serious beshy, I love him so much." hinawakan nya yung kamay ko. "But I hope you understand at susuportahan mo ko sa desisyon ko." para siyang nag mamakaawa sakin at ano pa ba ang magagawa ko eh bestfriend ko siya kelangan suportahan ko siya kase ganon din siya nung mga araw na kailangan ko siya lagi siyang nandyan siguro panahon naman para makabawi ako sa kanya
Pero hindi e, hindi tama to. Ayoko siyang masaktan katulad ng mga babaeng niloko ni Kieran mula noon hanggang ngayon.
Umalis na siya at iniwan nya akong nakatayo dun mag isa, pag dating ko sa bahay humiga na agad ako sa kwarto ko. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi si Penny at ang hampaslupang si Kiefer.
"Si Kiefer boyfriend ni Penelope?" tanging nasabi ko sa sarili.
mukang masama ang kutob ko sa mga mangyayari ano ba naman kasing pumasok sa sa utak nya at pinasok ang ganitong sitwasyon?
Its been two weeks mula noong nalaman ko na si Penelope at Kiefer na, ilang beses ko na din na sinabihan si Penny na hiwalayan na nya si Kieran ayaw parin talaga niya mahal na mahal niya siguro yung babaerong yun, I tried to talk Kiefer pero hindi naman ako makakuha ng tamang tyempo kasi lagi nalang niya kasama ang mga barkada niya na maaangas rin ang dating.
Pero nung lumagpas naman ng two weeks yung relationship nila medyo napanatag naman yung loob ko, kahit papano tumagal rin naman. Siguro naman seryoso na siya sa bestfriend ko at umabot na ng dalawang linggo ang relationship nilang dalawa.
Dahil two weeks nang in a relationship yung bruha kong bestfriend, mag-isa nalang akong kumakain sa cafeteria, hayss ipagpalit daw ba ako sa lalaking yun, 'di rin masama kase nakakasabay ko naman sa pagkain si Lenox at sa pag uwi.
But today is another lonely day for me, hindi kami sabay ng break ni Lenox kaya no choice ako, mag isa akong kakain.
Sanay naman akong mag isa!
As usual, dun ako kakain sa favorite table namin ni Penny umupo, I was in the middle of eating my lunch when someone caught my attention.
Sa far left corner ng cafeteria, naroon si Kieran laughing boisterously with his friends. Teka, kala ko kasama niya si Penelope? napatingin si Kieran sa direksyon ko and he caught me staring at him. He winked at me then tinuloy niya ang pakikipag tawanan sa mga friends niya!
eeeww!! I think I want to vomit!
After lunch, dumiretso muna ako sa comport room para mag bawas, pag pasok ko sa isang cubicle, I accidentially heard the conversation of two girls.
"I pity her, grabe yung iyak niya, yan na ata yung pinaka malalang pina-iyak ni Kieran"
"Pero girl, infairness tumagal sila ng two weeks ha! but a playboy will always a playboy. Kahit yung pinaka popular na babae dito sa buong LA university eh nagawa niyang paiyakin."
"true! hahaha"
Natigilan ako bigla dahil sa mga narinig ko hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ngayon, grabe feeling ko mag wawala ako naramdaman ko nalang bigla na nag iinit bigla ang buong katawan ko sa galit, dahil hindi ko na mapigilan yung galit ko, lumabas na agad ako ng cubicle at hinarap ko yung dalawang babae na nag uusap.
"Where is Penelope?" pag pipigil ko ng galit
"Oh, sino ka naman?" aba tatanungin pa kung sino ako, ayaw nalang sagutin yung tanong ko dahil iritang irita nako, hinawakan ko ang kwelyo ng uniform nya.
"I'M ASKING YOU, WHERE IS PENELOPE" gulat na gulat sila at mukang takot sila sa inasal ko sa kanila
"I-in the gym" sumugod ako sa gym and i saw Penny seating on one of the bleachers at malayo palang ako alam ko na umiiyak siya.
"Beshy" sigaw ko sa kanya, lumingon siya sa akin and she was crying.
"What now? sasabihin mo sakin na ang tanga tanga ko? ipapamuka mo sakin na mali ako at mali ang naging desisyon ko? oh sige you can say anything you want!" sambit nya habang patuloy parin umaagos ang mga luha galing sa mga mata nya
I hugged her "It's okay, wag mo sayangin ang mga luha mo sa kanya wag kana umiyak beshy nandito lang ako, ito tatandaan mo hindi nakakaganda ang pagiging tanga." ngumiti siya sakin kahit papano napangiti ko rin siya. "Lalaki lang siya, Penny. You deserve better."
She hugged me back "Beshy, ngayon ko lang naramdaman ang mag mahal ng husto tapos two weeks lang tapos na agad." May mga luha parin na pumapatak sa mga mata niya at alam ko kung gaano siya nasaktan ayoko na nakikitang nasasaktan si Penny, hindi ko na mapigilan yung sarili ko sa galit. "I feel lost, Yuri. It hurts to much, i-i don't know what to do." mas lalong humigpit ang yakap niya at ganon din ang pag iyak niya.
Hindi ko alam kung anong mas nangingibabaw sa na raramdaman ko, awa at sakit para kay Penelope, galit at sama ng loob para kay Kiefer. I'll make him pay for this!
"Don't worry, Penny. Gagawa ako ng paraan at sisiguraduhin ko di na siya sisikatan ng araw!" sambit ko.
"Ooppss, Ooppss, Ooppss, wait lang girl!" Nagulat ako sa nag salita, and i saw a two girls walking towards us.
"Sino naman kayo?" tinaasan ko sila ng kilay.
"Hello!" lumapit sakin yung girl. "Im Yierra, Yierra Lim and that's Xia kapatid ko." tinuro niya yung kasama niya.
"Hi!" Masayang bati nya.
"So sino naman kayo?" nanatiling nakataas ang kilay ko. "Wala kaming oras makipag chikahan kaya umalis na kayo bago mandilim paningin ko."
"Chill girl! Magkakampi tayo dito. Mabilis nasagap ng radar namin na may pinaiyak na naman ang gwapong Kiefer na yon kaya pumunta kami dito." sambit ni Xia.
"Wala akong pakealam sa radar niyo."
Nilapitan ko silang dalawa. "Kung nandito kayo para maki-tsismis, pwes! wala kayong mapapala, kaya lumayas na kayo. And if you'll excuse me at may papaslangin pa akong nilalang!" hinawakan ko si Penelope at hinila ko na siya palayo sa dalawa na 'yon. "Let's go beshy!"
"Actually, we're here to help." ano daw? tama ba narinig ko? natigilan kami ni Penelope at humarap kami doon sa dalawa.
"H-ha?" sagot ko. "Help? What kind of help? ha? hindi namin kailangan ang tulong niyo!"
"Mag tiwala ka lang. Hindi mo pa kase alam." Sabi naman nung Yierra.
"Malalaman niyo pag sumama kayo samin." sambit nya at naglakad palayo.
Akmang tatalikod na rin ako para humakbang paalis ng biglang higpitan ni Penelope ang hawak sa kamay ko.
Sa mga tingin niya ay gusto niyang sundan namin yung dalawang babae. Wala na kong nagawa at sumunod sa kanila.