(Natalie POV) " Hi Natie good morning" napalingon ako sa lalaking bumati sa akin. Napangiti ako si Randy lang pala. "Hi, good morning din. Kakarating mo lang din ba?" nasa tapat kami ng elevator. "Kanina pa bumili lang ako ng coffee diyan sa Starbucks. Here Natie para sa iyo ang isa" ibinigay niya ang isang cup of coffee. " Hala nag-abala ka pa. Thank you" sabi ko na nakangiti. Napakamot ito ng ulo. Nauna ang floor kung saan ang department ko. Nasa 5th floor kasi ang sa akin. Sa kanya ay nasa 7th floor kaya hindi kami sabay sa paglabas ng elevator. Ang sweet naman niya. Balak ko pa sana bumili ng kape. Ito nalibre ako. Lumipas ang oras hindi ko namalayan uwian na pala. Naglalakad ako papunta sa labas ng company ng may tumawag sa akin. " Natie wait!" lumingon ako para makita kung sino