TUNOG ng alarm clock na nagmula sa cellphone ang nagpagising kay Paulo kinabukasan. Hudyat no’n na alas-kuwatro na ng umaga. Mabilis niyang kinapa sa uluhan ang bagay na ’yon at saka pinatay. Maingat niyang ibinaba ang ulo ni Remedios sa pillow at bumangon. Agad niyang tinungo ang kusina at nagsalang ng mainit na tubig sa takure habang hinihintay niya ’yon bumalik siya sa sala para gisingin ang dalaga. Bumalik si Paulo sa higaan saka dinag-anan ang dalaga. Bago pa man niya ginising si Remedios isang mariing halik ang ginawa ng binata sa nakaawang nitong labi. Nalasahan pa niya ang sardinas na kinain ng dalaga ngunit wala siyang pakialam. Para sa kaniya ’yon ang pinakamabisang gamot dahil unti-unti siyang nababaliw kapag ’di niya ’yon natikman. Isang mabilis na halik ulit ang ginawa