Pag-ahon ko ay init ng araw ang tumambad sa akin. Kahit na dumadapo ang sinag ng araw sa aking balat ay hindi ko ito ininda. Nadatnan ko si Lekeisha na pinsan ko sa ina na nasa sun lounger, dinadama ang init dahil summer ngayon. Gayunpaman ay kakaunting tao palang ang naririto sa pool area.
May lumapit na babae sa akin. May dala siyang tuwalya at inabot sa akin iyon. Napangiti ako. Tinanggap ko iyon saka nagpasalamat. Ipinatong ko ang tuwalya sa ulo ko habang humakbang ako palapit sa aking pinsan. Umupo ako sa bakanteng sun lounger na katabi lang niya.
"Hindi mo pa ba feel na magswimming?" I asked. Ginalaw ko na ang tuwalya para patuyuin na ang buhok ko.
"Sun bathing lang ako." tugon niya. Nakapikit ito kahit na nakasuot ng aviator. "You should prepare yourself later. Mamaya ay ipapakilala na sa iyo ang mapapangasawa mo."
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Okay na sana, eh. Binanggit na naman niya ang tungkol sa bagay na iyan. Mas updated pa nga kaysa sa akin iyan. "Ang akala ko talaga makakapagbakasyon ako ng tahimik at maayos dito..." saka isinandal ko ang likod ko sa lounger.
"We're chinese, and this is our fate."
Umingos ako. "And I'm not interest in marriage, Keisha."
"Kahit hindi ka interisado, kilala mo ang angkong mo, ikaw lang apo niya na maaasahan niya. Ikaw din ang magmamana ng business niya."
Marahan akong pumikit, kasabay na kumawala ng malalim na buntong-hininga. Totoo ang sinasabi niya. Ako na talaga ang inaasahan ni angkong, my paternal grandfather. Solong anak lang kasi ako kaya wala na talagang choice. Kainis.
Hindi ko alam kung bakit ba dito pinili ni angkong na magkita kami ng sinasabi niyang magiging fiancé ko. Well, parang blind date lang naman ang mangyayari. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin makalimutan ang lalaking iyon—the guy who took my virginity. Sa kaniya ko sinuko ang lahat. May plano din ako kaya ginawa ko iyon. At saka, hindi naman niya ako kilala kaya ayos din.
Gusto kong ipamukha sa magiging fiancé ko na hindi na ako malinis tulad ng iniisip niya. Hindi ako matinong babae na palaging gusto ng lolo ko. Well, I'm kinda a rebel child. I don't want chinese traditions. I personally hate them. Parang nasasakal ako sa mga istriktong tradition namin. Kahit kilos ko, kailangan o dapat very formal and proper. Tss.
Nakahawak ako sa baba ko habang pinagmamasdan ko ang mga formal dress na nasa kama. Namimili ako kung ano ang dapat kong isuot sa lintek na pagkikita namin ng fiancé ko kuno. Actually, sa mismong engagement ko din makikilala iyon. Adik talaga sila!
May sumagi sa isipan ko Sumilay ang ngisi sa aking mga labi.
_
"My goodness! What are you wearing? Bakit ganyan?" bulalas ni Keisha nang nakalabas na ako ng suite. "Go back to your room and change! Magagalit ang angkong mo kapag nakita niya na ganyan ang hitsura mo kapag haharap ka na ipapakilalang lalaki sa iyo."
Tumalikwas ang isang kilay ko. "What's wrong with these? Ayos naman, ah. Atleast, hindi naman ako nakahubo't hubad na haharap sa kaniya." saka ngumisi ako nang nakakaloko.
Napatampal siya sa kaniyang noo. She looks frustrated. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyong babae ka. Please change yourself—" Naputol ang mga pinagsasabi niya nang nilagpasan ko na siya. "Oy! Saan ka pupunta?"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. I smirked. "Kikitain ko na ang fiancé ko, kuno." binawi ko ang tingin ko saka mabilis na lumayas. Alam kong gusto niya ang habulin pero hindi niya magagawa dahil mas mabilis akong kumilos kaysa sa kaniya.
"Bumalik ka dito! Utang na loob naman!"
Hindi ko na siya pinakinggan pa. Dire-diretso akong pumasok sa elevetor saka pinindot ang ground floor kung nasaan ang Banquet Hall, saan kami magkikita ng lalaking iyon.
Sumandal ako at humalukipkip habang naghihintay na magbukas ito.
Pagtuntong ng third floor ay nagbukas ang pinto ng elevator. Napasinghap ako nag tumambad sa akin si Finlay na pormal ang suot. He's wearing three-piece-suit.
"Finlay?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "I didn't expect na makikita kita dito." sabi niya nang na nasa nakapasok na siya dito sa elevator.
"Bakit ka nga ba nandito? Saka pormadong-pormado ka?" tanong ko. "And where's your wife?"
"Oh, my cousin Kalous is getting married. Actually, engagement party niya ngayon. My beautiful wife is busy taking care our kids." Sabi niya.
Ngumuso ako. "Ikakasal na din pala ang siraulong iyon. Ha, malas ang babaeng papakasalan siya." kumento ko.
Mahina siyang tumawa. "Tingin namin ay titino din siya sa babaeng papakasalan niya." kontra pa niya. "By the way, binyag ng bunso namin ni Pasha next week. Mismong si Pasha ang nagsabi na imbitahan daw kita at ginawa ka niyang ninang. We hope you will come."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Talaga? Sure! Pupunta ako. May contact naman ako sa inyo kaya sabihan ninyo ako ng exact time and date."
"Sure thing."
Tumunog ang elevator. Nasa ground floor na kami. Sabay na kaming lumabas. Pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit iisang direksyon lang kami? Hindi kaya mali ang pupuntahan ko? Argh, hindi bale na nga!
_
Naka-tube ako na pinatungan ng black leather jacket, mini skirt na maong at leather boots ang suot ko. Pero nawindang ako nang makita ko na puros ng pulang damit na pormal ang mga suot ng mga naririto. Napalunok ako. Mukhang naliligaw nga ako!
Pero ito lang ang nag-iisang Banquet Hall ng hotel na ito!
I scan the whole place. Susubukan kong hanapin si angkong. Baka narito lang siya. At saka, engagement party ito, eh.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko nga si angkong. Kasama niya ang iba pang matatanda sa grupo na iyon. May mga hawak silang mga glasswine na tingin ko champagne ang laman. Teka naririto din si Eufemia Ho!
Agad ako tumalikod para hindi niya ako agad makita.
"Hey, narito ka rin pala?"
Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Wait, don't tell me...
Bumaling ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses na iyon. Halos malaglag ang panga ko sa sahig nang tumambad sa akin ang lalaking dapat kong iwasan! Si Kalous Espen Ho! A-anong ginagawa niya dito?
Magtago ka na!
Ay, hindi! Hindi niya alam na ako ang babaeng nakasama niya noong gabing iyon. Kilala niya lang ako sa ibang paraan...
"Bakit ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong niya nang tingin niya ang kabuuan ko. "Naliligaw ka ba, miss?" saka tumawa siya.
Napangiwi ako. Sarap bigyan ng sapak sa mukha ang isang ito. Chill ka lang, girl. Huwag mong patulan ang mga takas sa mental.
"Iha!"
Shit.
Mukhang nakita na niya ako! Para akong robot kung lumingon sa kinaroroonan ni angkong. Napalunok ako. As expected, galit na naman ang mukha niya. "Anong ibig sabihin nito? Bakit ganyan ang suot mo?" mariin niyang tanong sa akin.
Binuka ko ang bibig ko para sumagot pero walang boses na lumalabas. Damn, anong palusot na sasabihin ko?!
"Explain everything." he demand.
"It's okay, sir. I don't mind it, anyway." Sabat ni Kalous sa amin.
Anong pinagsasabi ng isang ito?
Biglang nag-dim ang mga ilaw sa paligid.
"Good day, ladies and gentlemen! We're here to start the engagament party between Hochangeco and Ongpauco..."
Biglang nakatutok sa amin ni Kalous ang spotlight! Naniningkit ang mga mata ko dahil sa liwanag. Nasisilaw ako!
"Please welcome the groom and bride-to-be, Mr. Kalous Espen Hochengco and Ms. Tarrah Isabella Ongpauco!"
"W-what?" Bulalas ko. Agad ko tiningnan si Kalous na nakangisi.
Dumapo ang isang kamay niya sa bewang ko at kinaladkad niya ako papunta sa stage para makita pa kami lalo ng mga bisita! Gusto ko sanang magprotesta pero hindi ko kinaya. Masyado siyang malakas!
"I-ikaw ang f-fiancé ko?" mariin kong tanong.
Bumaling siya sa akin na nakangisi. "Yes, my moon. The one and only." sagot niya sa pamamagitan ng bulong.
Ang buong akala ko ay hindi na ako ipagkakasundo kung sinuman sa magpipinsang Ho! Kaya pala hindi nagbibigay kahit kakarampot na impormasyon si angkong kung sino ang mapapangasawa ko! What the f**k?!
Pakiramdam ko ay naisahan na ako!
Magiging palpak ang plano ko! Bwisit!
Ramdam ko na mas inilapit pa ni Kal ang katawan ko sa kaniya. Halos masubsob na ako sa gilid niya. "A-anong..."
"Alam ko na, Tarrah. Ikaw ang babaeng iyon nang gabing may nangyari sa atin." Bulong niya sa akin na dahilan para matigilan ako. "Dahil d'yan ay kailangan kitang panagutan. Kusa akong lumapit at kausapin si ahma na imbis si Finlay, ako ang papalit sa kaniya para maging successful ang pag-merge ng kompanya ng pamilya natin."
Napatingin ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. "K-Kalous..."
"Wala kang takas sa akin, Tarrah. I assure you."
Napalunok ako't pumikit. Wala na. Finish na! Uweeeeee!