Chapter 12 DIYOS KO. Hinanap ni Desire ang kanyang clutch bag pero sa kasamaang palad ay hindi lang doble ang kanyang tingin. Nakatayo siya sa may fountain, hawak sa kanyang kamay ang kanyang juice. She lifted it and stared at it while her hand was shaking uncontrollably. Why is this happening? Hindi naman alak ang kanyang iniinom para makaramdam siya ng ganito, na daig pa niya ang lasing. She doesn't drink. God knows it. Nilinaw niya sa waiter na walang alak ang juice dahil nagmamaneho siya papauwi. And she promised her mother that she wouldn't drink. She never did even before, not even once. Gusto niyang hilutin ang noo. Ang mesa niya ay nasa malapit lang sa fountain kaya alam niyang naroon lang ang kanyang clutch bag sa upuan. Wala ng laman ang mesa nila dahil lahat ay nasa gitna n