Chapter 7 SHE couldn't focus. What is happening to her defense mechanism against Midnight Castelloverde? Parang may sound system at player sa loob ng kanyang utak, na paulit-ulit na nagpi-play ng mga papuri ni Midnight sa kanya. “Helleeeeer!” Agad siyang napaitlag sa mala-sirena ng bombero na boses na iyon ng kanyang bestfriend. She looked at Devi, “Kainis naman ito,” aniya sa lukot na mukha. Devi just laughed, “Bakit kasi lutang ka? Kahit siguro cadaver ang nandito sa may likod mo, ‘di mo mapapansin.” She looked back at the cadaver room and didn't pay attention. Wala na naman siyang takot sa patay. Darating siya sa punto na hahahawak siya ng mga gano'n sa loob mismo ng cadaver museum na ito, na nasa likod niya. At kung sana nga cadaver ang nasa likod niya, at hindi ang napakagwapon